Perfect In Bad Part 4

2.4K 74 3
                                    

Perfect In Bad Part 4

"350 po lahat." Sabi nung babaing cashier.

Humarap ako kay Zean. Tinaas ko ang palad ko banda sa mukha niya. Tumingin siya sa palad ko. "Akin na ang 350 pesos sabi mo treat mo 'to diba?"

Tumango siya. Pinasok niya ang kamay niya sa pocket tapos bigla siyang nataranta nung wala siyang perang nilabas. Natatakot na tumingin siya sa'kin. Pinagpawisan siya ng butil butil sa noo.

"Nakalimutan kong dalhin ang wallet ko." He said while pouting his lips.

Naka-sungit face ako. "Ano?! Wala kang dalang pera? Tapos ang lakas ng loob mong ilibre ako wala ka palang pera?!"

Para siyang batang tumango. "Sorry."

"Are you trying to take advantage of me?"

"No." He said curtly while waving his hands.

I evily grinned. Biglang may dirty thoughts na pumasok sa utak ko. Gagantihan kita. Tae ka, ito na 'yung chance ko para magantihan kita Zean. Mukhang pumapanig sa'kin ang pagkakataon.

"If you don't have a money then stay here and do the dishes, Bye!" aakmang tatalikod na sana ako ng hinawakan niya ang siko ko dahilan para makita ko ang nakakaawa, takot at maluha luhang mukha niya. Shit. Hindi ako sanay na ganyan si Zean.

"I don't want to stay here and wash the dishes, please don't leave me, Jesha."

"Edi dadalhin kita sa police station." i grinned.

Mas lalo siyang natakot sa sinabi ko. "Ayokong pumunta sa police station. Please Jesha wag mo kong dadalhin do'n. Ganito pautangin mo ko tapos babayaran kita pag-uwi natin. Sige na please ayokong maiwan dito." parang batang pag-mamakaawa niya.

"Kiss mo muna ako!" Sigaw ng utak ko.

"Fine."

Kumuha ako ng pera sa wallet ko saka inabot sa cashier. Tahimik kaming lumabas ng karinderya. I walk in front of him. Ayaw ko siyang kasabay. Ang batos ko ba? Okay fine. Tumigil ako sa paglalakad dahilan para mabunggo niya ako. Asar.

"Hindi mo ba tinitignan ang dinadaanan mo?!" Pasigaw kong sabi.

"Sorry." napayuko siya.

Sa sobrang inis ko sinipa ko ang binti niya. "Sorry?! Puro ka sorry! Wala kana bang ibang alam sabihin kundi sorry? Nasaktan mo na ako sorry lang? Lahat dinadaan mo sa sorry akala mo ba madaling mawala 'yung letcheng sakit na nararamdaman ko dahil sa nag-sorry ka? Kung 'yun ang batayan ng mundo sana wala ng nakakulong!" i push his chest hard then i walk faster.

"Hey! Wait for me!" Napansin ko ang pagsunod niya sa likod ko hindi ko siya pinansin.

Dire-diretso akong pumasok sa isang bar. Maririnig mo ang lakas ng party music at mga taong naghihiyawan habang walang humpay sa pagsasayaw. 'yung iba halos hindi na mapaghiwalay dahil sa paghahalikan. Kadiri. Naghihintay ako sa pagpigil ni Zean tapos pagagalitan ako gaya no'n pero nanatili siyang walang imik at patingin-tingin sa mga tao sa loob animoy ngayon lang nakapasok sa bar. WTH! Pakiramdam ko tuloy may kasama akong inosenteng bata at walang bahid ng kalandian sa katawan.

"Whiskey!" Pasigaw kong sabi sa bartender sabay bagsak ng kamay ko. Umupo ako sa stool chair. Tumingin ako kay Zean. "What do you want to drink?!"

"Milktea.." He paused. "Is there a Strawberry Flavor?"

Halos malaglag ako sa kinauopuan ko sa sinabi niya. Milktea?! Adik ba siya? Don't tell me pati pag-inom ng alak nakalimutan na niya?! Strawberry flavor? Anakngsampong! Kailan pa siya nahilig sa Strawberry? Omygosh! Mas gugustuhin ko pang kasama ang demonyong Zean kesa sa inosenteng ewan na gaya niya.

Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon