Perfect In Bad Part 14
Jea‘s POV
Saktong pagbukas niya ng pinto tumambad sa magaganda kong mata ang mala-adonis niyang katawan. Nakadagdag pa sa ka-matchohan niya ang Doremon apron na suot niya. Magulo ang buhok at may kunting flour sa gilid ng pisngi na mas lalo niyang kina-gwapo.
Cute, sarap kurutin sa pisngi! Kahit may arina na sa mukha gwapo pa rin nasaan ang hustisya? Nasaan?!!
Wala sa sariling napakagat ako labi hindi sa natatakam ako sa abs niya kundi dahil nahihiya ako. Ang init nga ng mukha ko pwede nang magprito ng itlos. Tumingin ako sa baba ay hindi bawal don dapat sa abs ay hindi pa rin dapat sa gwapo niyang mukha.
Nagtama ang mata namin sa isa‘t isa. Halatang nagulat siya sa biglaan kong pagdating sa Condo niya. Alam ko naman kasing dito siya pupunta.
Teka, maiba ako bakit may arina siya sa mukha? Nagba-bake ba siya?
“Pa‘no ka nakapunta dito?” nagtatakang tanong niya.
“Nagtaxi! Pumasok sa elevator para makapunta dito.” Sarcastic kong sagot.
“Anong pinunta mo dito?” cold niyang tanong.
Langya. Bakit ang dami niyang sinasabi? Ayaw ba niya akong makita? Galit ba siya dahil hindi ako sumabay sa kanya?
“Ano ang ipinunta ko dito?“ Nagulat siya sa paghila ko ng kamay niya saka niyakap siya ng mahigpit. “ito ang ipinunta ko.”
Natigilan siya hindi niya ako niyakap, sumimangot ako. Galit talaga siya. Kakalas na sana ako nang He hugged me back. Yummy! Sabi na eh, di mo ko kayang tiisin. Landi pa more Jea.
“Bakit?”
“Nothing.” Umiling ako.
“What a big liar. Sa mukha mo pa lang alam kong may problema ka. The world seems unfair to both of us, right? But don‘t think to much just hold my hands and will face the world together. Okay?” i nodded. I was shock when he pat my head and said. “Good Dog.”
Nagningning ang mata ko sa don sa unang sinabi niya. Kumalas ako sa yakap niya. “Really?”
Pinitik niya ang noo ko. “Syempre nagbibiro lang ako. Hindi mo dapat sini-seryoso ang mga bagay bagay.”
Naglakad siya papunta sa kitchen at pinagpatuloy ‘yung paghalo niya ng arina. Nakasimangot akong sumunod sa kanya.
Bwisit talaga! Putulan kita ng dila diyan eh para hindi ka na magkapag-salita ng masakit. Asar.
“Ano ‘yan?” nginuso ko ang ginagawa niya.
“Arina, itlog, sugar, vanilla, butter, honey, and margarine.” Walang modo niyang sagot
Sabihin daw ba ang sangkap. Ang lakas niyang mambwisit ng tao promise. Feeling ko nagtatampo talaga siya hindi man lang niya ako nginitian. What if ibato ko kaya sa ulo niya ang itlog?
“Oo, alam ko ang mga ‘yan HRM student ako nagba-bake ako ang gusto kong itanong kung ano ang gagawin mo diyan?” Naasar kong sabi.
“Gagawa ng pan cake.” Matipid niyang sagot.
Nakakabwisit siya!
Kumuha ako ng harina tapos sinaboy sa mukha niya. Nabigla siya sa ginawa ko kaya naman nag-pause siya ng ilang segundo nang makabawi bigla niyang tinulak ang noo ko gamit ang daliri niya.
“Pandak na nga distorbo pa.” Pinunasan niya ang mukha niya.
Sa sobrang yamot ko pumunta ako sa likod niya. Sumakay ako sa likod niya. Akala ko ihuhulog niya ako pero hindi pala. Ang gago enjoy na enjoy pa. Niyakap ko ng husto ang napakabango niyang leeg at ni-lock ko ng mabuti ang paa ko sa bewang niya. Pinunasan ko ang arina sa pisngi niya. Hindi niya ako mahawakan dahil naghahalo siya ng mga sangkap.
BINABASA MO ANG
Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]
UmorismoAng istoryang ito ay karugtong ng Perfect In Bad book 1. Mas mainam po kung nabasa niyo ang book 1 para po maintindihan niyo ang book 2 pero kung gusto niyo itong basahin ikararangal ko po. Enjoy reading. :-) You can follow me in Instagram: @imshins...