Perfect In Bad Part 7
“Wait—OMG! Bakit kayo magkasama? Magkasabay ba kayong dumating? Teka may dapat ba kaming malaman sa inyo?” Pagtitili ni Queency at lumalaki ang mata.
“Don‘t tell me kayong dalawa ay together?” dagdag pa ni Dorine.
Nandito kami sa isang pina-reserve nilang big cottage sa resort. Pareho kaming walang imik. Nakita ko si Zean at Jeime nasa dulo ng mesa. Topless parin siya.
Yummy abs.
‘Yung dalawa kong kaibigan may mga malisya na ang tingin sa‘min. Hinila niya ang upuan sa katapat ni Dorine tapos pinaupo ako. Si Nikolo at Tyrone nanlilisik ang tingin sa kanya. Natawa tuloy ako sa facial expression ng mukha ni Smoke naka-yumuko siya at parang ayaw salabungin ang mga tingin nila. Unti-unting lumapit ang apat sa mukha niya na para bang may dapat siyang ikwento.
“May tinatago ka ba sa‘min Smoke?” pag-uusisa ni Tyrone.
“Kailan mo pa niligawan si Jea?” pagalit na sabi ni Nikolo.
Pinitik ni Queency ang noo ko, “At ikaw babae ka boyfriend mo pala si Smoke wala kang sinasabi.”
What?! Boyfriend ko si Smoke? Ano daw?!
“Kailan pa nag-umpisa ang paghaharotan niyo? Hindi naman kayo close dati tapos kayo na?!” masungit na sabi ni Dorine.
Sino bang may sabing kami? Mga chismosang frog ito kung makakokak wagas na wagas.
Nagtinginan kaming dalawa ni Smoke then tumawa ng malakas. Tumahimik rin kami pagkatapos dahil ang sama na ng titig nila sa amin.
“Adik ba kayo? Porket pagkasabay pumasok may something agad? Magkaibigan lang kami ni Smoke. Friends, ka-chokaran ganon. Nakita niya ako 2 years ago sa Canada. Kinamusta niya ako at niyaya mamasyal minsan. Madalas siyang dumalaw sa bahay pero walang ligawan na nagaganap, okay? Wag nga kayong mapaghinala.” paliwanag ko tapos sinapak ko si Smoke, “Hindi nga sinabi nito tungkol sa dalawang ‘yun eh.”
Sabay nguso ko sa dalawa na parang walang pakialam sa topic namin. Zean sa mga naririnig mo hindi ka ba nagseselos? Hindi ka ba magsasalita? Wala ka bang sasabihin? I sighned. I really miss you Devil Monster.
Mukhang hindi parin sila konteto sa version ko mas naging mapanuri ang mata nila kay Smoke at hinihintay na siya mismo ang magsalita kaya naman sumabat na si Smoke.
“She‘s right.. May family business ang magulang ko sa Canada. Ako ‘yung naatasan nilang maghandle doon then i accidentally saw Jea c—” pinutol ko ang iba pang sasabihin ni Smoke.
Tinakpan ko ang bibig niya at pinandilatan siya ng mata.
Ibubuking pa ako.
Kahit ako hindi ko rin ini-expect na makikita ko siya sa Canada at magiging close kami ng ganito. Masarap siyang kasama napapatawa niya ako kapag nalulungkot ako. Siya yung listener ko sa lahat ng mga hinanakit ko sa buhay. Sobrang komportable ako kapag nasa tabi ko siya. Weird ‘no?
They both nodded like dummy. Mukhang nakumbense na sila.
“Kanina ko pa napapansin si Zean walang t-shirt.” tumingin si Tyrone kay Zean, “Dude, nasaan damit mo? Excited ka bang maligo?”
“I gave it to her.. ang iksi kasi ng suot niya.” cold niyang sabi sabay tingin sa direksyon ko.
Then silang lahat napatingin sa‘kin. Ano na naman bang ginawa ko?
Tumago ako sa likod ni Smoke. Sinenyasan ko siyang tulungan akong hubarin ‘yung damit para ibigay kay Zean pero pinabalik ulit nito sa‘kin. Masunurin akong bata kaya sinuot ko ulit. Walang malisya ‘yung mga tingin ng asawa niya iniisip siguro niyang wagas magconcern si Zean as step brother pwera sa mga kaibigan ko syempre. Siguro wala siyang alam tungkol sa‘min ni Zean. Halata naman eh.
BINABASA MO ANG
Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]
HumorAng istoryang ito ay karugtong ng Perfect In Bad book 1. Mas mainam po kung nabasa niyo ang book 1 para po maintindihan niyo ang book 2 pero kung gusto niyo itong basahin ikararangal ko po. Enjoy reading. :-) You can follow me in Instagram: @imshins...