Perfect In Bad Part 31

1.8K 43 2
                                    

Perfect In Bad Part 31

Smoke's POV

Lihim kong sinundan si Jea nang may tumawag sa kanya kanina. Balisa at parang hindi malaman ang gagawin niya. Nag-aalala ako kung kanino siya makikipag-kita at makikipag-usap kaya sinundan ko siya. Nang makita ko ang lungkot sa mukha niya kanina hindi maalis-alis sa utak ko parang pinipiga ang puso ko. Yung pakiramdam na gustong-gusto mo siyang yakapin and tell her how special she is ngunit hindi mo magawa dahil nangako kang magkaibigan na lang kayo and its hurt me most. Gustohin kong pangitiin siya ngunit iba ang gusto niyang gumawa no'n. Tanging si Zean ang may kakayahan na pasayahin siya ng sobra at ito din may kakayahang saktan siya.

Akala ko ang lola ni Zean ang kikitain niya. Hindi akalain na si Jeime pala. Ano ang sadya ng babaing 'yan kay Jea? Sa oras na saktan niya ito hindi ako mag-aatubiling puntahan siya para gantihan. Hindi ko hahayaan na masaktan si Jea sa isang katulad niyang plastik na tao. Pinagmamasdan ko silang nag-uusap sa loob ng coffee shop mula sa kotse. Pagkatapos nang pag-uusap nila biglang ng umalis si Jeime. Hindi ko man naririnig ang pinag-uusapan nila alam ko tungkol ito kay Zean.

Pakiwari ko huminto ang pag-inog ng mundo nang makita ko si Jea na umiiyak. Nasasaktan ako dahil nasasaktan siya.

Bullshit! Kung alam ko lang na sasaktan niya si Jea edi sana hindi ko na lang siya hinayaan sa gagong 'yon! Sana ipinagpilitan ko ang sarili ko sa kanya para mahalin ako. Mahal ko si Jea kaya gagawin ko ang lahat kung anong makapagpapasa sa kanya pero ang makita mismo ng mata ko na nahihirapan siya ibang usapan na ito.

Mabilis kong binuhay ang makina ng kotse para puntahan si Zean.

"Nasaan ang boss mo?" Galit na tanong ko sa secretary ni Zean habang nakapatong ang nakakuyom kong kamao sa mesa nito. Pagdating ko sa opisina ni Zean.

"Sir may appointment po ba kayo kay CEO?" kaswal na tugon nito.

"Yes, Damn it!" Napigti na ang pasensya kong sabi sa kanya. Hindi ko na siya hinayaang makasagot pa. Dire-diretso ako pumasok sa loob. Nadatnan ko siyang nakatayo sa malapit sa bintana habang umiinom ng alak. Feeling relax huh?

"Zean!" naiinis na tawag ko sa pangalan niya.

Napalingon siya hindi niya inaasahan ang biglaan kong dalaw. Nanlaki ang mata niya. "What are you do-Shit!"

Mabibilis ang hakbang ko at malakas ang ginawa kong pagsuntok sa mukha niya. Nabitawan niya ang hawak na alak at napa-upo sa sahig. Napahawak siya sa gilid ng labi niya.

"Yes your piece of shit! How could you?! Ang sabi mo hindi siya sasaktan! Sabi mo mahal mo siya! Ngunit bakit mo siya umiiyak at nahihirapan ngayon, gago ka!! Hindi ka karapat dapat para kay Jea dahil wala kang kwentang tao!"

Hindi niya pinansin ang pagwawala ko. Busy siya sa pagpupunas ng dugo sa labi niya. Tahimik siyang tumayo. Tinignan niya ako. Akala ko gagantihan niya ako ngunit ngumiti siya nang malungkot. What the hell?! Naglakad siya pabalik sa pwesto niya. Ramdam na ramdam ko ang sadness na bumabalot sa katawan niya.

"Zean, tell me. why are you need to hurt her?" pagtutukoy ko kay Jea. Minsan naiinis ako sa pag-uugali. Noon pa man, Ang selfish niya kung may problema siyang iniisip hindi niya ito pinapahalata sa grupo o sa pamilya niya. He always pretend that his strong.. that he can face everything alone without asking for help in others.

Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Narinig ko siyang napabuntong hininga.

"Do i need to explain to you what my ife going thru?" Nanunuya ang tuno ng boses niya.

"I just want to tell you that i'm still your friend, damnt it!" Naiinis kong sigaw sa kanya. "Kung kailangan mo nang karamay diyan sa pino-problema mo nandito kaming lahat willing kang pakinggan at tulungan. Subukan mo namang buksan ang isip at puso mo para sa mga taong nagmamahal sa'yo. If i were in your shoes i should tell her kung ano ang dahilan mo sigurado ako maiintindihan ka niya."

Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon