Perfect In Bad: Closing Chapter

3.1K 105 46
                                    

Five months year later...

Mattew's POV

"Kuya, bakit ang tragic nang isinulat niyong kwento? Para po kasing hindi po makatarungan. Bakit po hindi niyo binigyan ng magandang ending ang story?" Tanong ng isang batang babae.

"Bakit nga ba? Umm..." nag-acting akong nag-iisip. "Sa totoo lang, gaya mo isa din ako sa mga taong nagtatanong nang ganyang tanong. Bakit nga ba hindi binigyan ng chance si Zean at Jea? Bakit kailangan tragic kung pwede naman happy ending. Nakakainis diba? At same time nakakalungkot at nakakaiyak..."

Tumikhim ako para hindi ako pumiyok yung luha ko kasi nagbabadya nang lumabas.

"Gusto kong bigyan ng happy ending ang librong ito." sabay taas ko nang hawak kong book. "Pero ano'ng magagawa ko isa lang akong writter na sinusulat kung ano ang tunay at totoong nangyari sa buhay ng dalawang characters sa librong 'to."

"You mean true story po pala ito?" sabay sabay nilang tanong.

"Oo, parang ganon na nga." ngumiti ako ng pilit. Binaba ko ang microphone para hindi nila marinig ang pagpipigil kong pag-hagolgol. Pasimple kong pinunasan ang luha ko.

Tumayo ang isang babaing nasa dulo para magtanong. "Kung ganon po nakaka-sad po talaga ang nangyari. At least pagkatapos ng kilig, tawanan, asaran at ang pakikipaglaban nila masaya ako dahil sa bandang huli sila pa rin ang magkasama. Ay oo nga po pala, Eh ano pong nangyari kay Jeime?"

Ngumiti ako. Kinuha ko ang microphone sa unahan ko. "Gaya nang gustong mangyari ni Zean nakulong siya at pinagbabayaran ang kasalanan na ginawa niya kay Jea."

"Eh kuya bakit po alam ninyo ang kwento ng love story ni Zean at Jea?"




Nagkiller smile ako. "Dahil ako si Mattew Ferez nag-iisang kapatid ni Zean Calvin Harris."

Inaasahan ko na ang pagkagulat nila. Tumawa lang ako at pinagpatuloy ang pagpipirma ng mga libro.

After ng book signing dumiretso ako flower shop para bumili ng bulaklak tapos pumunta ako sa sementeryo.

Limang buwan na ang nakalipas pero ang sakit na iniwan nila sa amin nandito parin sa mga puso namin sariwa pa. Masakit isipin, ang maagang kinuha sa amin si Jea at si Kuya. Siguro special sila sa'yo kaya niyo sila kinuha pero alam niyo po kung gaano mo sila kamahal ganon din kaming naiwan nila. Walang oras at araw na hindi kami nanghihinanyang. Kung buhay pa sana sila malamang sila na ang pinakamasayang tao sa buong mundo pero natutuwa na din kami dahil alam namin na masaya na sila kung saan man sila naruruon.

Limang buwan ang ginugolgol ko para isulat at ilathala ang kwento ni kuya at Jea. Sa pamamagitan nito parang buhay parin sila. Yung studio ni kuya pinabuksan iyon ni Tito Greg para sa mga taong interesadong dumalaw doon. Nawindang ang buong pilipinas sa balitang may natagpuan na dalawang bangkay na nagpalutang lutang sa dagat na magkahawak kamay, imagined sinong normal na tao ang sasama sa kabilang buhay para sundan ang babaing pinamamahal niya.. yung kuya ko lang ang may kakayahan non..

Limang buwan pinag-usapan ang balitang iyon sino bang hindi eh kilala ang pamily Harris at kilalang nag-iisang tagapagmana si Zean Calvin Harris.

Nilapag ko ang bulaklak sa gilid ng lapida. Ang weird pero iisang kabaong lang ang ginamit namin pero nagpagawa kami ng mas malaki na kakasya silang dalawa tapos iisang lapida lang sinulatan ng mga pangalan nila. Hindi dahil walang budget kundi dahil ayaw namin tanggalin ang pagkakatali ng kamay nilang pareho at ang pagkakahawak ni kuya sa kamay ni Jea. Nu'ng makita namin 'yon halos madurog ang puso namin. Nahimatay pa si Tita Jean at Tito Greg sa mga oras na 'yon parang hindi nila matanggap. Kung wala sanang umalis ng hospital nu'ng araw na yun sana.. sana.. buhay pa ang kuya ko. Ngunit kilala ko si kuya alam ko gagawa siya ng paraang para makasama si Jea. Sa isang banda masaya kami dahil alam namin na ito ang gustong mangyayari ni kuya. hindi niya talaga kayang mawala si Jea kaya naman sumunod siya dito.

Tumulo ang luha ko.

Malaki ang paghanga ko sa kuya ko para sa akin at sa'ming mga nagmamahal sa kanila binigyan niya ng totoong kahulugan kung ano talaga ang FOREVER na pinag-aawayan ng tao. Devil has own defination ika nga ni Jea.

Lumuhod ako at nakatitig sa labida ng dalawa. "Kuya, Jea hindi ko na kayo kukumustahin. Alam ko, okay kayo kung saan man kayo naroroon. Alam ko masaya kayo. Syanga pala may ibibigay ako sa inyo." Nilapag ko ang librong sinulat ko. "Sinulat ko ang kwento niyong dalawa para patuloy kayong maalala ng mga taong makakabasa nito. Alam mo kuya, thumbs up ako sa'yo, palagi naman eh. Para sa akin.. Ikaw ang pinaka-astig na taong nakilala ko. Sinuko mo ang buhay mo para masundan ang babaing pinakamamahal mo." Pinunasan ko ang luha ko. "Pinatunayan mong may forever kayong dalawa ni Jea... sa langit."

Paalam Jesha Rivera Harris.. Paalam Zean Calvin Harris.. magkikita din tayong lahat.

Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon