Perfect In Bad Part 15.2

2.9K 66 5
                                    


Perfect In Bad Part 15.2

“Bakit tayo nandito?” Pagtatanong ko nung pumasok kami sa isang napakalawak na hacenda.

Kaninong hacenda ito?
Kung kanino man ito masasabi kong ang yaman niyo. Hindi kaya sa kanila din ang hacenda? Ilang hectare kaya ito? Magkano kaya ito kung ibibinta? Joke. Ang laki sobra at ang sarap ng simong ng hangin. Tapos natatanaw ko ‘yung kwadra ng mga kabayo. Gusto kong sumakay sa kabayo.

Zean smile and pinch my cheeks. “Mamamasyal, sasakay ng bike at kakainin. Gusto ko buong araw tayong magkasama, Jea. Sulitin natin ang araw na ‘to na tayong dalawa lang.”

Kaming dalawa lang? It means walang tao dito? As in kami lang? Baka may kahayopan naman siyang gagawin tapos in the end ako yung kawawa. Sorry, hindi ko na napagkakatiwalaan ang mukhang yan ni Zean puro kalukohan ang tumatakbo sa utak niya.

Biglang namula ang pisngi ko nang hinawakan niya ang kamay ko. He seductively smirked on me.

“Tss. Don’t worry hindi kita hahalayin kahit gustong gusto ko.”

Kinurot ko siya sa tagiliran. “Gusto mong matamaan?”

Sabi ko sabay pinakita ang kamao ko. Hinawakan niya yun at binaba then kinindatan ako.

“Tea ka ba?” hanep bumabanat na ng pick up line.

“Bakit?”

“Tea-tinaman na ako sa‘yo matagal na nabaliw pa nga eh.”

Pweding kiligin? Anakng! Shemay! Boom! Tumingin ako sa ibang direksyon. Paano ba naman parang gusto akong tunawin sa lagkit ng titig niya. Hindi ako makapa-konsentrate sa view ng kalikasan dahil siya ang nakikita ko. Idagdag niyo pa ang mukha kong nag-iinit.

“Kaninong hacenda ito?” change topic! Hehe.

“Sa pamilya ni King.”

Napanganga ako. Sige na! Sila na yung may hacenda! Pangrap ko magtayo ng bahay ng magiging asawa ko sa hacenda. Ito ang lugar na mamumuhay kang tahimik at payapa.

Hinila niya ako papasok sa antigong bahay. Napaka-luma na ng bahay panahon pa ng mga kastila pero makikita mo pa rin at mababakas ang kagandahan nito at ang tibay ng mga materyales. Mas nagmukhang class itong bahay dahil sa mga anitigong mga gamit. Lahat ng makikita mo sa loob halos luma na.

“Sir nandito na po pala kayo.” Sinalubong kami ng isang matanda. Hinala ko siya ang tagapamahala ng bahay.

Salamat naman at may kasama kami makakahinga na ako ng maluwag.

Nagmano siya doon sa matandang babae. “Opo. Pinapunta kami ni King, sorry po sa abala. Nay Emma nasaan po ‘yung mga bike? Ipapasyal ko po sana itong pandak na ‘to.” Magalang na sabi ni Zean doon sa matanda.

Natulala ako sa mga nakikita at naririnig ko. Tinanong ko tuloy ang sarili ko kung si Zean ang nagsalita. Tama ba ang narinig ko. Gumamit siyang “Po.” at “Opo.” May sinat ba siya? At yung mas kininagulantang ng mundo ko ay ang bigla niyang pagtulak sa‘kin. Clueless akong napaharap sa kanya.

“Magmano ka. Magbigay ka naman ng kunting respeto.“

OMG! AKO BA ANG PINAGSASABIHAN NIYA?! DIBA AKO DAPAT ANG NAGSASABI NON?!

Nakangiting lumapit ako kay Nanay Emma. Kinuha ko ang kanang kamay niya at dinala sa noo ko para makapagmano.

“Kaawaan ka ng Diyos hija.” Makahulugang ngumiti si Nanay Emma kay Zean. “Maganda ang asawa mo Hijo kung ako sa‘yo wag mong pakakawalan ang babaing ito sa ganda niya hindi malabong walang nagpapatayan makuha lang siya.”

Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon