Perfect In Bad Part 3

2.9K 79 10
                                    

Perfect In Bad Part 3

Jea's POV

"Good morning anak." masayang bati sa akin ni Mama.

Bakit ang saya saya ng nanay ko?

Pumunta siya sa direksyon ni Jeime at nilagyan ito ng pagkain.

Like, what the hell?! Ako dapat inuuna niya dahil anak niya ako. Hello ang tagal naming hindi nagkita diba dapat nakikipagbonding siya sa anak niya. Pati ba siya nagbago?

"Kumain ka ng madami para naman magkalaman laman 'yang katawan mo ang payat payat mo oh. Hindi sexy ang payat remember that. Niluto ko ang favorate foods mo dapat maubos mo 'to."

"Thank you Ma. The best po talaga kayo! Lagi ko naman pong inuubos ang niluluto mo." The Jeime hug my mom.

I was like stock. Kung hindi pa nagsalita si Tito Greg nakatulala lang ako. Harap harapan? Or maybe your just insecure Jea. But Why? For pitty sake you never been insecure like this. Hindi na ba ako importante sa mama ko? No, Jea wag kang mag-isip ng ganyan. Nasanay lang siguro ang mama mo kay Jeime tapos ikaw alam naman niyang kaya mo na ang sarili mo.

"Good morning Baby girl." Bati ni Tito Greg. Tumayo siya at hinila ang upuan para sa akin.

"Same here." I smile at him.

Ano bang maganda sa umaga kong dalawang 'to ang makikita ko? Idagdag niyo pa si Mama. Magkatabi silang tatlo sa kabilang mesa. Si Jeime sinusubuan ang anak niya tapos si Zean parang anghel na nilalagyan ng pagkain ang asawa niya. Hindi ba nila ako napansin? Hello nandito ako nakatayo. Hindi niyo ba ako i-gregreat ng good morning? Zean?!

"Bwisit. Umagang umaga nang-iingit. Ang sakit sa mata." mataray kong bulong sa sarili ko habang hinila ang isang upuan sa tabi ni Mama.

"Kain na masarap yan." sabi ni Tito Greg. Nilagyan ni Tito ang plato ko ng fried rice and bacon.

"Wala po akong gana." magalang kong sagot sa kanya.

"May sakit ka ba?" kaagad sinipat ni Tito ang noo ko. "Normal naman ang init mo. Bakit wala kang gana? Anak, masama ang magpagutom. Tanghali na kailangan may laman ang tiyan mo. Sige ka magkaka-ulcer ka niyan."

"Si Zean lahat nagluto niyan." pagmamalaki ni Jeime. "Tumulong lang si Mama." sabay tawa niya at hinug ulit si Mama.

"Ah ganon tayo?" natatawang sabi ni Mama habang nakatingin kay Jeime.

"Joke lang po. Pero si Dee naman po talaga nagluto nito diba?"

"Oo na!" nasa tuno ni Mama ang pagsuko. Tawanan silang lahat maliban sa'kin.

Wala sa oras na napatingin ako kay Zean. Tumama ang mata namin sa isa't isa. At ang nakakaluko sa lahat tumango siya at ngumiti na parang pinagmamalaki pa niya ang ginawa niya. Bwisit!! So, nagluluto na siya? So, nagpapaka husband siya? Asar. Feeling ko ako ang kontrabida dito. Bwisit talaga!

Tumayo ako. "Mas lalong nawalan ako ng gana."

Umakyat ako sa taas. Pumasok ako sa kwarto ko at padabog na sinara ang pinto. Isipin na nila ang gusto nilang isipin ayokong kumain ng luto ni Zean. Ayokong kasabay sila sa pagkain. Nagpalit ako ng damit. Mabuti pang maglakad lakad sa labas kesa makipagplastikan sa mag-asawang 'yun. Kinuha ko ang bag ko saka lumabas na.

"Where you going?" tanong ni Mama.

"Doon sa lugar kung saan walang tinik sa paligid ko." hindi ko gustong sagutin si Mama ng ganon pero kasi nabadtrip na ako.

Nagdadabog akong lumabas ng bahay huminto din ako pagkatapos. Nilingon ko ulit ang mansion sabay tinaas ang gilid ng lips ko. Nakakapikon si Mama. Bakit siya ganon? Bakit parang hindi siya aware sa feelings ko? O nagbubulagbulagan lang?

Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon