Perfect In Bad Part 6
Nagising ako sa mahinang katok mula sa pinto ng kwarto ko. Kinusot ko ang mata ko bago bumangon sa kama. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabe dahil sa nangyari. Namamaga din itong mata ko sa walang humpay na kakaiyak. Binuksan ko ang pinto. Tumambad sa harap ko ang fresh na fresh na mukha ni Zean. Naka black pants siya tapos naka blue t-shirt.
Shit! Pagmumura ng utak ko.
Namula ako. Kinikilig ako ng nginitian niya ako. Parang bumalik ako sa teenager. Base in his facial expression wala siyang matandaan sa nangyari kagabe at ipinasasalamat ko 'yun. Ang sagwa kapag nagkataon.
"Ano 'yun?" Naiilang kong tanong.
"Hindi ka ba magbibihis?" he still smiling at me. My heart skip.
"Bakit?" wag kang pahalatang kinakabahan ka Jea.
"Ngayon ang welcome party mo diba?"
Utang na loob wag mo kong ngingitian ng ganyan. I'm melting.
Hindi ko siya sinagot. Mabilis kong sinara ang pinto saka sumandal. Hindi na ako makahinga. Napahawak ako sa dibdib ko. Nakakainis ang lakas ng tibok ng puso ko pati tuhod ko nanlalambot. Sinapok ko ang ulo ko, ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis ko sa sarili saka nagpapadyak-padyak.
Para akong tanga baka isipin non abnormal ako. Pacute masyado akala mo ngayon lang na-inlove ulit.
Natigilan ako ng marinig kong may nag-uusap sa labas. Binuksan ko ng kunti ang pinto saka sumilip.
Okay, chismosa ako. Fine.
Nakatalikod si Zean mula sa pinto ng kwarto ko samantalang si Jeime nakaharap. Nakasuot ito ng napakaiksing short and spaghetti dress. I looked at her from head to toe. No doubt she is so pretty and sexy. Coca cola body.
But wait, sasama rin ba siya? No way. Sinabi ko nang ayaw ko silang pumunta doon. Asar naman eh. Mahirap ba ang favor ko?
"Mee, bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka lalabas ng bahay hanggat hindi ka nagpapalit ng damit." Saway ni Zean kay Jeime.
Boom! Sakit! Loko kayo nandito lang ako Zean don't call her Mee. Naiingit ako at nagseselos. Harap harapan 'to masyado. Walanghiya ka Zean. Akala ko, ako lang pinapagalitan mo tuwing nagsusuot ako ng sexy out fit pinapagalitan mo rin pala asawa mo. Asar. Ako lang dapat 'yun.
Nakasimangot 'yong Jeime, "Dee, beach ang pupuntahan natin alangan naman na magde-dress ako."
Tumango-tango ako. She's right.
"Basta, ayokong nakasuot ka nang ganyan. Baka mamaya 'yung mga lalaki sa beach sa'yo lang nakatingin. Alam mong ayokong may ibang natumitingin sa'yo."
Nagpapacute ba siya?
Sa sobrang pikon ko kinagat ko 'yung damit ko habang tinitirik ang mata.
Zean, wag kang magpabebe. HOY! I know Zean was pouting. Nakakayamot! Bwisit. Ang cute-cute pa naman niyang mag-pout.
Pinisil ni Jeime ang pisngi ni Zean then ngumiti siya, "Oo na po. Magpapalit na po-"
Sumasakit ang mata at puso ko sa mga nakikita ko. Feeling ko nasa rooftop ang kilay ko sa sobrang selos ko sabay buga ng hangin. Dali-dali kong kinuha ang bag pack ko hinakot ko ang mga sexing damit na pwede kong dalhin. And I wear a sexy outfit.
Magdadala ako ng two piece tapos magpapasexy ako doon kailangan ako ang mapansin nang lahat ng boys hindi 'yung asawa niyang maputla animoy binabad sa suka. Pagandahan nalang kami. Kung pasexy-han ang labanan hindi ako magpapatalo.
BINABASA MO ANG
Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]
HumorAng istoryang ito ay karugtong ng Perfect In Bad book 1. Mas mainam po kung nabasa niyo ang book 1 para po maintindihan niyo ang book 2 pero kung gusto niyo itong basahin ikararangal ko po. Enjoy reading. :-) You can follow me in Instagram: @imshins...