Perfect In Bad Part 25“Matagal pa ba ‘yan? Kinakalawang kana sa pagba-bake Queency ang tagal mo.” Naiinip kong sabi kay Queency.
Kasalukuyan kaming nandito sa bahay ni Dorine para magbake ng cake. Para saan? Bakit? Secret malalaman niyo mamaya after the commercial break HAHA. biro lang po. Naka-upo ako sa gilid at nakahalumbaba.
“Malapit na! Sabi sa‘yo o-order na lang tayo para mabilis. May pa-bake bake ka pa kasing nalalaman.” Sabi ni Queency habang tinitignan ang cake sa oven.
“Masisi niyo ba ako. Gusto kong ako ang magbabake ng birthday cake ni Zean. Ito ang unang birthday na magkasama kaming ice-celebrate, yaan niyo na ako.” tumayo ako at nilapitan si Dorine at Scarleth.
“Kamusta ‘yang spaghetti? Siguradohin mong masarap ang sauce ha?”
“We‘re done!” Sabi ni Scarleth habang nilalagyan ng maraming cheese yung spaghetti. “Paniguradong masarap ito dahil si Dorine ang nagluto.”
Halata nga eh ang paglalagay lang ng cheese ang ginawa niya.
“Hindi ba tayo magpaparty para sa kanya?” Tanong ni Dorine.
Tumahimik ako. Bumalik ako sa upuan ko. Nakakasama lang nang loob dahil magbi-birthday siya sa hospital. Nagpumilit nga yun na lumabas na pero sabi ng doktor kailangan niya nang puspusang pahinga. Hindi ko naman sinisisi si Andrie kung bakit niya ginawa ‘yon masyado lang siya nagulat sa mga nangyayari, ang importante okay na siya at okay na ako, okay tayong lahat atleast nadagdagan ang nagbigay ng bleesing sa‘min ni Zean.
Umiling ako ng ulo. “Di na siguro. Ayaw rin ni Zean sa mga ganyang ka-artehan eh.”
Nagmana sa‘kin.
“Hey! Hey! Hey!”
Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita. Nakita ko ang malawak na ngiti ng pinsan kong may saltik. Kung hindi ko lang mahal ‘tong pinsan ko ipapabogbog ko din ito eh. Aba, kaibigan ko ata ang THE PRINCE TRIO mga kilalang gago at mahilig sa rambol kaya wala siyang laban kung ipapabogbog ko siya pero dahil mabait ako hindi ko gagawin ‘yon. Tumayo kaming tatlo at lumapit sa kanya saka binigyan siya ng tig iisang kutos sa ulo.
“Kasalanan mo ‘to eh! Kung hindi mo binugbog si Zean edi sana sa desenting bahay o sa mahahaling reataurant siya nagce-celebrate ng birthday ngayon. Hay nako ikaw!” Napipikon na sabi ni Queency.
Ngumiti si Andrie at hinawakan ang kamay niya. “Oo, kasalanan ko lahat! Kasalanan kong iniwan kita, kasalanan kong hindi kaagad ako nagtapat at kasalanan ko kung bakit iba ang asawa mo at hindi ako.”
Pinanlakihan kami ng mata, ngumiti din pagkatapos. May feelings pa ba siya kay Queency? Hoy, Andrie bad yan may anak yan wag kang tumulad sa akin. Buti at wala si Nikolo kundi second war ‘to. Ano bang pumapasok sa kukote niya at bumabanat ng ganon?
Sinipa niya si Andrie sa binti. Napalayo ito sabay tumalon talon sa sobrang sakit. “Huwag mo kong landiin hindi ako marupok!”
Nagtawanan kaming lahat.
Loyal sa asawa. Award winning.
“Seryoso mo naman masyado!”
“TSE!” Tumalikod siya at naglakad papunta sa may oven.
“Bakit ka pala nandito? Siguro may balak ka namang magulo ‘no?” tanong ni Dorine.
Nahihiyang napakamot siya sa batok. “Sobra ka sa‘kin Dorine. Gusto kong bumawi sa halimaw na ‘yon. Kasalanan ko kung bakit siya nasa hospital. Kahit sa kunting bagay makabawi ako. Nandilim lang talaga ang paningin ko kaya ko nagawa ang bagay na ‘yon.”
BINABASA MO ANG
Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]
HumorAng istoryang ito ay karugtong ng Perfect In Bad book 1. Mas mainam po kung nabasa niyo ang book 1 para po maintindihan niyo ang book 2 pero kung gusto niyo itong basahin ikararangal ko po. Enjoy reading. :-) You can follow me in Instagram: @imshins...