Perfect In Bad Part 33

1.8K 43 3
                                    

Perfect In Bad Part 33

"You're hungry?" Mayamaya tanong niya nu'ng naglalakad kami papunta sa kinaroroonan ng motor niya.

Umiling ako. Sa dami ng ininom ko wala nang space ang tiyan ko para sa pagkain.

"Then what are we going to do?" Tanong ko sa kanya.

"Everything i couldn't do before." He wink.

I blush. "Like?"

"Like.. " He held my hand tightly then he kiss me on my cheeks. He grinned. "I'm going to hold your hands and walk until we get tired. But since i'm fucking tired to chase you. It would be nice if you carry me."

Nanlaki ang mata ko. "WHAT?!"

Bago pa ako makatakbo mabilis siyang sumampa sa likod ko wala na ako nagawa kundi ang buhatin siya. OMG! Ang bigat niya, grabe! Pakiwari ko isang daang sakong semento ang nasa likod ko. Bawat hakbang ko pakiramdam ko isa isang nababali ang buto ko.

"Asar ka! 'pag naging kuba ako lagot ka sa'kin-UWAAAAAAAHHH!" Napasigaw ako.

Sino bang hindi eh hinipan niya ang tenga ko tapos pagtatawanan ako. Muntik tuloy kaming matumba mabuti at naibalance ko ng maayos ang paa ko. Anong akala niya sa katawan niya magaan?

"Ano ba?! Umaayos ka nga! Wag kang malikot! Ang bigat mo kaya!" Pagrereklamo ko.

"Kahit maging kuba ka, pumuti ang buhok mo o kumulubot yang balat mo o di kaya malagaas yang ipin mo loves na loves padin kita."

Kanino ba nagmana ang demonyong ito sa pagbabanat ang corny ng mga hirit niya eh.

Bumaba na siya sa likod ko. OMG! Parang hindi ko na maituwid ang likod ko nalock na ata. Dahan dahan akong tumayo ng tuwid ang kaso binigla akong tinayo ng maayos ni Zean.

"ARAY!!! ANO BA?!" Sinipa ko siya.

He glare on me. "AW!;GALIT KA BA? TINULUNGAN NA NGA KITA SISIPAIN MO PA AKO?!"

"TULONG BA YUN? PARANG GUSTO MO KONG MABALIAN NG BUTO EH!"

"WALANG BUTO MABABALI SA'YO! HINDI KA NAMAN TAO HAYOP KA JEA HAYOP!"

"WOW! SA LAHAT NG TAO NA MAGSASABI NIYAN IKAW PA TALAGANG DEMONYO KA!"

"UMUWI KA NA NGA!" Tinaboy niya ako.

"UUWI TALAGA AKO AYAW KO KASAMA ANG ISANG HALIMAW NA GAYA MO NAKAKATUYO KA NG DUGO!"

"NAKAKAUBOS KA NG LAKAS!"

Pagkatapos naming magsigawan nagtalikoran kaming dalawa. Bwisit. Ang ayos ayos namin kani-kanila lang tapos nag-uumpisa naman siyang mang-inis ng tao. Aalis na sana ako nang may humawak sa buhok ko tapos hinila niya ako. Napahawak ako sa kamay niya na nasa ulo ko.

"Bitawan mo nga ang buhok ko!"

Pakiramdam ko matatanggal ang ulo ko sa katawan ko dahil sa lakas ng pagkakahila niya dito. Nagpapasalamat ako dahil walang tao sa lugar kung nasaan kami kundi lumabas naman ako na kahiyahiya.

"May pupuntahan tayo. Sa tingin ko kailangan na natin gawin ang bagay na ito bago ako umalis." He said cooly.

Kailangan gawin na bagay bago siya umalis? Nanlalaki ang mata ko habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. Namula ang tenga at mukha ko.

Yung tinutukoy pa niya ay...? NO! Ayoko hindi pa ako ulit handa sa bagay na sinasabi niya. Masyado pang maaga para diyan. Hindi naman sa umaarte ako pero kasi parang akward gawin 'yon sa ganitong sitwasyon. Sabihin mo tama ako diba? Psst! Umo-oo ka naman! Makisama ka hoy! Urgh!

Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon