ALDEN

613 13 0
                                    

I woke up because someone is poking me behind. Tinignan ko muna si Maine bago, mahimbing itong matutulog. Binalingan ko naman ang kumalabit sakin.


Agad akong napatayo. Halos tumumba pa nga yung upuan.

"Good...good evening, ay morning po" bati ko.


Nakatingin lang sya sakin na para bang gulat na gulat.

"Ah binisita ko lang po si Hany este Maine opo, binisita ko lang si Maine" sabi ko na halata ang pagkataranta.

"Alden.." bangit nito pero nakatulala pa rin.

"Opo ako nga po" sabi ko at bahagyang ngumiti.

"Oh my! ikaw nga!!!" Malakas na sabi nito.








"Ah eh... ako nga po?" Napakamot ako sa batok ko.



"Ang ingay naman" reklamo ni Maine na parang inis na inis. Nakapikit pa rin ito.






"Nicomaine wag ka mumulat! Magugulat ka sa bisita mo!" Banta ng ate nya. Yes ate coleen nya.







"ATE?!" Sigaw ni Maine at biglang bumalikwas ng upo sa kama.

"Aww"

Oh shit! Agad kong kinuha ang kamay nya kung saan nakakabit ang IV fluid. Dumudugo ang dulo hose nito. Nakalimutan nya yata na may dextrose sya.



"Aww...mahapdi" sabi ni Maine.





"Wait tatawag ako ng nurse" agad namang umalis ang ate nya.



"Bat ka naman kasi bumalikwas ng ganun Meng? Tignan mo nahugot yata yung dextrose mo" concern na sabi ko.

"Sorry na bae, nagulat lang ako kay ate Coleen" sabi nya.










Agad namang bumalik ang ate nya at may kasama itong lalaking nurse.



"Sir excuse lang po, aayusin ko lang po"


Umusod naman ako at binigyan sya ng space.



"Ms. Maine, huhugutin ko po ito at ililipat ah? Medyo nasakit ito" sabi nung nurse at. mapupunit na yata ang bibig sa ngiti.



Tss. Pacute pa kay Maine. Naka alambre naman ang ngipin.


Paghugot nung nurse sa maliit na aparatus sa kamay ni Maine ay agad nitong nilagyan iyon ng bulak. Kainis na nurse to pinapatagal pa talaga paghawak sa kamay ng mahal ko. After few minutes ay may kinuha ang nurse sa medical kit na dala nya.

Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang pamumutla ng girlfriend ko matapos makita ang karayom na ituturok sa kanya.


"Ituturok mo yan sa kamay ko?" Medyo kinakabahang tanong ni Maine.

"Opo, don't worry Maine, hindi to masakit. Aayusin ko para di ka masaktan" sabi nang bolerong nurse.

"Ayaw ko, magaling na naman ako, tsaka di ko na siguro kailangan yan" bakas sa mukha ni Maine ang takot.




"Don't worry Maine, ako bahala. Promise di mo mararamdaman. Magugulat ka na lang tapos na" sabi nung nurse at nginitian si Maine ng matamis.



Hoy Alden yung nurse pinopormahan yung girlfriend mo, ano tatayo ka na lang jan?


Pumunta ako sa kabilang side ni Maine at hinawakan ang libre nyang kamay. I made sure na kita yun ng nurse na feeling gwapo.

What IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon