MAHAL NA MAHAL

465 11 10
                                    


I was standing in front of Ian, here at his hospital room. One week na syang naka confine dito and one week na rin since yung team building ng EB Dabarkads. I never thought na madaming magbabago sa pagbalik ko, I never thought na magiging complikado ang lahat.... I can still remember the night when Richard and I had dinner.

FLASHBACK....

"Dalhin mo ako kay Ian..."

I was so worried about Ian, gusto kong puntahan agad sya at malaman ang nangyare sa kanya...

"Bakit? May nangyare ba?"

"hindi ko alam, nasa hospital sya ngayon pero hindi nya sinabi kung bakit. Please Richard, dalhin mo ako ngayon kay Ian" halos maiyak na ako sa harap nya.

Bumunot ito ng pera at pinatong sa lamesa pagkatapos ay hinigit na ako paalis. Pinakuha nya muna sakin yung mga gamit ko and sya naman daw ay maghahanap muna ng pwedeng masakyan namin. I was panicking dahil bukod sa kaibigan ko si Ian ay ako din ang dahilan kung bakit sya nandito sa Pilipinas so hindi kaya ng konsensya ko kung may mangyareng masama sa kanya.

Pagkatapos ko mag-empake ay agad akong lumabas, sakto namang nag aabang si Tisoy sakin. He was wearing black hoodie and a cap.

"wala kasi akong nahanapan na pwedeng mahiraman ng sasakyan, I guess kilangan natin mag commute?" worried is evidence in his face.

"ok lang, ako na lang mag-isa. Delikado sa safety mo kung sasamahan mo pa ako"

"No, I'll go with you. Gabi na and I won't allow you to go kung di mo ko kasama"

"Sure ka ba?" I asked.

"oo naman. Wag ka na mag-alala"

He got my bag at nagmadali na kaming umalis. Hirap na hirap kami humanap ng masasakyan coz it's already around 10 in the evening. Swerte na lang at may isang taxi na pumara sa harap namin. Para hindi makilala ay laging nakatungo si Tisoy even sa bus na nasakyan namin pauwi sa Manila. Swerte na lang talaga at nakaabot kami sa last trip.

I looked at him, tahimik lang syang nakatingin sa labas ng bintana. Wala naman masyadong laman yung bus, bakante nga yung harap at sa gilid namin.

"Swerte ni Ian..."

He looked at me, I can see that he was sad. He was smiling but all I can see is his eyes, it's like a dark sky, sadness is all I can see.

"What do you mean?" curiously I asked.

"Wala" and he gave me a fake smile.

Gusto ko magtanong pero parang umiikli yata ang dila ko at walang salita ang lumalabas mula sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa kanya. He patted my head at ginulo ang buhok ko bago timungin ulit sa labas.

All through out the ride tahimik kami lalo na sya, mag aala-una na nang umaga nang makarating kami sa St. Lukes Medical Center. Agad akong pumunta sa information para itanong kung nasaaan ang kwarto ni Ian and once na nasabi nung nurse ay agad na akong tumungo duon.

Nang papasok na kami sa kwarto ay bigla akong hinigit ni Richard at niyakap. I don't know why pero parang isang malungkot na yakap yung naramdaman ko. Yakap nya pa rin ako nang bigla syang nagsalita.

"I never thought makaka-usap ulit kita after what happened, I never thought I can hug you like this again, I never thought na makakabonding ulit kita kahit sandaling panahon lang. I was wishing for that momment, na sana mabigyan pa ako kahit isang araw na makasama kita and I am thankful na nangyare yun. Meng, alam ko sa pagpasok mo sa kwartong yan babalik naulit ang takbo ng buhay natin sa dati. Babalik ka na sa kanya,gusto kong ipagdamot kita sa kanya, gusto kong kunin ulit kita sa kanya pero natatakot ako na baka pag hinayaan kong mangyare yun,masaktan lang ulit kita. Maine, I just wanna take this opportunity to tell you what I really feel para kung dumating man yung araw, I won't regret na hindi ko sayo nasabi ito"

What IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon