DISTANT

453 14 3
                                    

It's been a week since our vication. Almost 6 days na ring biglang di nagparamdam sakin si Alden. No call, no text. Di ko alam kung anong nangyayare. Masaya naman kami nung huli kami nagkita. Kumain pa nga kami ng dinner sa isang private resto tapos biglang ganito.

Even sa eat bulaga sobrang kaunti lang ng exposure ng aldub. Hindi ko alam kung iniiwasan nya ba ako o may problema lang ba sya pero kung yung pangalawa ang dahilan, siguro naman may karapatan akong malaman kung ano yun. Ang totoo para na akong tanga sa sitwasyon na to. Tipong wala akong alam sa nangyayare, wala man lang akong clue at naiinis ako. Naiinis ako kay Richard for doinng this. Diba ba nya alam na nagmumukha akong tanga ngayon?

Pero ang hindi ko kaya ay ang lungkot na bumabalot sakin ngayon. Kahit pagngiti ko na aapektohan sa nangyayare. Katulad ngayon, nasa isang barangay ako para sa Juan for all, all for one. kinakausap ng floor director namin.

"Meng, tell me? May problema ka ba?" She asked.

"Po? Wala po" I said at umiling pa.

"You can lie as long as you want but your eyes can't. Meng, nahahalata na ng netizens at mga viewers yung lungkot sa mukha mo. Nahahalata nila na fake smile na ang binibigay mo sa kalyeserye. Ano ba talagang problema Meng?"

Pati pala ibang tao halata na yun. Buti pa sila alam nila, eh yung boyfriend ko kaya alam nya? Teka...boyfriend ko pa nga ba sya? Honestly sa ginagawa nya at ipinaparamdam nya parang hindi ko na sya kaano ano. Parang wala na nga akong boyfriend eh. Parang back to zero lahat.

"Wala po talaga. Medyo masama lang pakiramdam ko nung mga nakaraan. Ok na po ako ngayon" I smiled at her.

Hindi na nya ako kinulit pa. Tumayo na lang sya at tinapik ang balikat ko bago umalis. Ngumiti na lang ako sa kanya.

I got my phone coz I really wanted to tweet what I am feeling right now. Para na akong sasabog sa nararamdaman ko.

Maine Mendoza @Mainedcm

   Say something I'm giving up on  you

After ko itweet yung lyrics ng kanta na saktong nagdidescribe ng nararamdaman ko, ang dami na agad retweets at dagsa ang notifications ko. Some are asking kung ok lang daw ba ako coz napapansin nila ang pagiging iba ng aura ko. I just decided to logout. Gusto ko lang naman talag malaman nya na nahihirapan ako sa ginagawa nya sakin.

"Meng, magready ka na. 5 mins sasalang na tayo" Pat, our floor director said.

Inayos ko ang sarili ko, I need to be jolly. Para sa mga fans, para sa kanila kailangan ko maging ok kahit ilang minuto lang.

I  forced myself to smile, yung abot mata sana kung kaya. Nagawa ko naman sa part namin ni kuya Wally or lola Nidora. Sayaw dito, sayaw duon. Dubsmash dito. Dubsmash duon. Ok na...ok na sana kaya lang...

Darling I will be loving you till we're 70....

Pumasok na naman sya sa eksena. Cue na para sa kilig na mga eksena namin. Pang anim na araw na to na hindi kami ok at pang ilang araw na rin na tinitiis kong hindi maiyak on national TV. Miss na miss ko na sya.

Hindi ako makatingin ng matagal sa monitor. I can't kasi baka bumuhos ang luha ko dahil sa sama ng loob at pagkamiss ko sa kanya. Pinilit ko pa ring magkunwari na kinikilig, kunwari walang problema, kunwari ok kami.

Nabigla na lang ako ng biglang pinakita yung hawak nyang fs. Pero mas nagulat ako sa nakasulat dito.

Baby... I'm sorry ='(
                           -Bae

What IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon