Chapter 1: Third Haven - Food

371 6 4
                                    

6:00 am. May naririnig akong isang boses. "Anak, gising na." yun ang sinasabi niya. Binuksan ko ang mga mata ko at nakilala ko agad siya, si Mama. Mahabang buhok, reddish-brown, na kumikislap kahit madilim ang kuwarto at mga matang kulay gray.

Hinawi niya ang mga kurtina para pumasok ang liwanag. Tumayo ako. "Ma," sinabi ko habang humihikab.

Tumingin siya sa akin at sinabing, "Good morning, Claire."

Nawala agad ang antok ko. "Um... Good moning, Ma." Tumayo ako at tinulungan ko siyang ayusin ang kama ko. Kinuha ko yung blanket ko at tinupi ng maayos at binanat ang bed sheet para mawala yung mga gusot, gaya ng pagkakaturo sakin ni Mama nung bata ba ako. Naalala ko, birthday ko nga pala ngayon.

Pagkatapos namin, umupo ako sa kama, huli na nang maalala kong kaaayos ko lang nito. Great. Niyaya ko umupo si Mama sa tabi ko pero nakatingin lang siya sa akin, nakangiti.

"Happy birthday, anak." sinabi rin niya matapos ang ilang segundong katahimikan. Tumayo ako at niyakap siya. "Kinakabahan ka ba, Claire?" ayon sa tono ng boses niya parang ayaw niyang itanong sakin. "Isang linggo na lang."

"Ma," halatang may kaba ang boses ko, "Gra-graduate lang ako. Wala kayong dapat ipag-alala." Ugh... sino bang niloloko ko. Alam kong hindi yun yung tinutukoy kundi yung araw pagkatapos ng graduation.

Napansin kong ayaw na niya iyong pag-usapan kaya niyaya na niya ako para mag-almusal. Sa katabing kuwarto, nakita ko namang lumabas si kuya kasama si Papa. Birthday rin ni kuya at alam kong pinag-usapan nila Mama at Papa na gisingin kaming dalawa.

Nasa tapat lang ng stairs ang kuwarto ko kaya nauna kaming bumaba ni Mama.

"Claire, sixteen years ka nang namamalagi sa mundong ibabaw, dapat tayong mag-celebrate!" sabi ni kuya habang tumatawa. Nagsimula na naman ang daily routine niya.

Tumigil muna ako para makasabay ko siya, "Parang hindi mo birthday ngayon aa. Mahal kong kapatid." sinabi ko sa kanya habang siniko ko yung braso niya.

"Pwede bang mamaya niyo na yan ituloy," napatingin kami kay Papa. Matangkad siya, may pitch black na buhok na may konting streaks ng gray hair, pero kung titignan mo siyang maigi, mas matanda siyang tiganan kahit medyo bata pa siya. "Kumain na tayo ng agahan. May kanya-kanya pa tayong pupuntahan mamaya."

Papunta na kami sa dining room nang maamoy namin ang inihahain ni Mama. "Wow, pancakes!" sabi ni kuya. Oo, simpleng pancakes lang na may candles sa ibabaw, pero pag sinabi kong pancakes na gawa ni Mama, humanda ka dahil hindi ka titigil sa kakakain hanggang 'di pa nauubos ang panckes.

Umupo agad si kuya sa upuan niya at kinuha yung isang plato ng pancakes na may kandila. Sumunod kami ni Papa, kinuha ko naman yung isang plato na may kandila. Kinuha ni Mama yung pitcher ng juice sa ref at nilagyan ang mga baso bago siya umupo sa tabi ni kuya.

Matapos kaming magdasal, sabay na nagsalita sina Mama at Papa, "Claire, Caleb, happy sixteenth birthday!" nag-thank you kami at tumuloy sa pagkain... Oo, kambal kami ni Caleb, tinatawag ko lang siyang kuya para maasar siya.

Pagkatapos kumain, naligo na kami, una ako, sunod si Mama, tapos sina Caleb at Papa na.

Pumunta ako sa kuwarto ko pa magbihis. Mula sa cabinet sa paanan ng kama ko, nilabas ko na ang uniform ko. Isang green na sweatshirt na may tatak na "3" (white with black outline) sa left side ng chest,. May white trimmings yung bulsa ng uniform, meron din sa hood at sa dulo ng mga sleeves. Meron ding white linings sa left and right sides ng black jogging pants ko.

Pagbaba ko, nalaman kong ako na naman pala ang huling bumaba, "Ganun ba ako katagal magbihis?" tanong ko sa sarili ko. Pumunta na ako sa sala para makasama sila.

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon