Chapter 14: The Dagger

111 2 0
                                    

Right, left, left, right. Tinuloy lang namin ang pattern hanggang makita na namin sina Jhun, Ade, at Bianca sa isang dead-end na malapit sa exit.

"Claire, nahuli mo si Pyre." sabi sa akin ni Bianca. "Ikaw rin pala, Red."

"Not really." sabi ko. "Naawa sa akin si Pyre kaya hindi na siya nagpahabol."

Mukhang napansin ni Jhun ang right foot ko, "Twisted ankle?"

Tumango lang ako, "So much for Pyre's good luck. I received a solid punch at nagkaganito ang paa ko."

"Just a coincidence, princess." sabi naman ni Pyre. Sinimulan niya akong tawaging 'princess' nang makasalubong namin siya ni Red habang inaalalayan ako. Ginawa ko raw alipin si Red.

"Is it too late?" tanong ko.

"We're not sure."

"Could we just go on with it already?" sabi ni Red na mukhang bored na.

Ilang turns lang ay exit na, inakala ko talaga na huli kami pero mali ako.

"Second place?" tanong ni Ade sa sarili niya na hindi pa rin makapaniwala.

Sa harap namin ay isang team na naka-huddle sa isang circle. Nang naghiwahiwalay na sila nakita ko ang isang lalaki na may pumutok na labi at kilay, isang blackeye at mga brasong puno ng pasa. Si Sven Lyle. Ang first place ay ang second group.

Tinignan ko ang mga members nito, tatlong lalaki at isang babae. Sila ung mga nakita ko kanina. Tinaas ng lalaking blond ang mga kilay niya para sa akin, yung babae naman, kinindatan ako. Ang mga mata nila ay puno ng murderous intent.

Bago pa ako makapag-react, ipinasa ako ni Red kina Pyre at Jhun. Pumunta siya sa naunang grupo.

"Ano 'to?" tanong niya. "Malinaw naman sa sinabi ko na bawal ang pambubugbog-sarado sa assigned buddy niyo, hindi ba?" medyo natakot ako sa tono ng boses niya.

Tinulungan niyang tumayo si Sven Lyle, pumunta rin si Ade para alalayan siya. "Pumunta na kayo sa infirmary." 'yon ang sinabi niya kay Ade. "Hihintayin ko pa ang ibang team." tapos ay ibinalik na niya ang tingin niya sa second group na sa tingin ko ay naihi na sa kanilang mga jogging pants.

Pumunta na kaming anim sa elevator, at sa pagsara ng pintuan, nakita kong bumunot si Red ng isang 10-inch na knife na nakatago sa leg niya at pumormang parang gigilitan niya ang apat, pero sumara na ng tuluyan ang mga pintuan.

Kinilabutan ako sa nakita ko. Papatayin ba niya ang apat na 'yon dahil lang dun? I mean, inabuso nila ang third rule pero ganun ba talaga dapat ang parusa?

My head is buzzing with possibilities. Maaaring hindi pala 'yun isang dagger. Pwedeng kinuha lang niya ang dagger para matakot ang apat. 'Tsaka, wala naman akong narinig na mga sigaw matapos nun, diba? Masyado lang ata akong stressed dahil sa activity na 'to, lalo na't kailangan kong asikasuhin 'tong paa ko.

Lumingon ako sa mga kasama ko, sina Bianca, Pyre, Sven, Ade, at Jhun. Mukhang wala naman silang napansing kakaiba.

Paglabas namin ng elevator, tinuro sa amin ni Pyre ang shortcut mula sa training facility papuntang infirmary.

We are about to enter the south tunnel pero aksidente akong na-siko ako ni Sven na latang-lata pa rin.

"Ow." I said. Ewan ko kung bakit ako gagun nasaktan.

Before I knew it, may kamay na humipo sa tagiliran ko.

"Ade." sabi ko.

"Stand still." sabi niya.

Hinawakan niya ang ribs ko sa left. Hinahawakan niya ang bawat isa na parang may hinahanap. Tumaas ang balahibo ko nang malapit na ang kamay niya sa dibdib ko pero...

"Ah!" I winced.

Tinanggal na ni Ade ang kamay niya. "Bruised ribs." He sighed then tumuloy na kami sa infirmary.

Unlike nung first day ko dito, nasa isang malaking room kami, may dalawang rows ng beds; 5 beds each row.

Kung nandito lang si Daniel, kanina pa siya nagwawala dahil sa awkward silence sa loob ng room na to.

"Anong oras na?" tanong ko.

"2:30 pm" sabi ni Ade.

Tumahimik ulit kami pero nagsalita ulit si Pyre, "Sven, in the mood for storytelling?"

Nag-sigh si Sven. Hula ko bata siya ng konti kay Pyre. Tall, tan, military-style hairdo, and hooked nose, maliban sa mga features na 'yon, ang mapapansin ko na lang sa kanya ay ang mga bruises niya sa katawan.

"It can't be helped. Dapat pinakita mo sa kanila kung sino ang boss." sabi ni Pyre.

"Baguhan pa lang sila. Kapag ginawa ko 'yon, they might be the ones in this room."

Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin niya.

"Anyway, princess, kamusta na ang ating paa at ribs?" sabi ni Pyre. This 'princess' thing is already getting on my nerves.

"Uhm okay. Hindi na masakit ang ankle ko ayos na rin ang tagiliran ko."

"Agad, agad?" tanong niya with a disturbing smile. Ayon sa tono nang boses niya parang hinihintay na akong ma-realize ang isang bagay.

Pero itinaas ko lang ang kilay ko sa kanya.

Mga dalawang oras rin kaming nasa infirmary nang dumating na si Red. Gulat na gulat ang mga kasama ko pagpasok niya pero hindi ko alam kung bakit.

Naalala ko ang huli kong nakita sa maze floor. Kahit na kino-convince ko ang sarili ko na wag ko na 'yung isipin, kailangan ko siyang tanungin para mapanatag ang loob ko.

Nilakasan ko ang loob ko at nagtanong, "Red, anong ginawa mo sa group 2?"

Tinignan niya ako, "They'll be... um...."

Mga ilang segundo rin siya nag-isip.

"They'll be out of commission... just like you and Sven." a faint smile appeared in his face as he draws something from a hidden sheath of his leg.

Isang blood-stained dagger.

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon