Chapter 4: The Man with the Cold Stare

153 3 0
                                    

Bukas na ang graduation. Maaga akong nagising hindi dahil sanay na ako. Isang masamang panaginip, hindi ko masyadong maalala pero kinakabahan ako tuwing naiisip ko iyon.

Nag-organize ang class namin na magswimming sa isang clubhouse sa Metro. Hindi pumayag ang karamihan ng klase, nagre-review daw para sa Career Exams. Kasama na sana ako sa mga hindi sasama pero pinilit ako ni Caleb, sasama rin daw si Joshua sabi ni Lyn na pumunta sa bahay namin ng 7:00 am para imbitahin ako kahit mamayang hapon pa ang napag-usapang oras. Wala akong nagawa.

3:00 pm ang takdang oras, pero dahil two hours ang biyahe mula sa bahay namin papunta sa Metro, umalis kami nina Caleb, Lyn at Joshua ng 12:30 pm.

As usual, nakatulog ako sa bus papuntang Metro. Akala ko talaga paggising ko, bubungad sa akin ang mukha nila Lyn at Joshua dahil iniwan na ako ni Caleb pero iba ang nakita ko.

Isang panaginip. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero isa itong napakalaking dome, naka red na carpet ang sahig at puno ng maraming upuan, mukhang nasa second row ako ng mga upuan. Napatingin ako sa harap, isang stage, nagulat ako sa nakita ko, GRAND DOMAIN HIGH SCHOOL GRADUATION, may nakasulat sa ilalim nito, Graduates, Welcome!

Ilang minuto akong nakatayo ng biglang bumukas ang mga pintuan sa likod, kinilabutan ako ng makita ko ang mga pumasok, ang mga graduating students, white ang toga nila, pero sa kulay pa rin ng Haven nila ang mga damit nila sa ilalim, nakita ko ang sarili kong pumasok, mukha akong may malaking problema, pero nakangiti pa rin, nagulat ako ng bigla siyang... este, akong lumingon sa direksyon kung nasaan ako, pero parang hindi naman niya ako nakita, lumingon ako at palagay ko tumingin ako sa may bouquet sa baba ng stage.

Nag-fast forward ang scene. Ibinibigay na sa akin ni Sir Pryce ang diploma ko, katabi ko si Mama. Kakamayan ko na sana ang principal ng biglang... BOOM! Nagdilim ang paligid. Nagising na ako.

Naririnig ko ang boses ni sa tabi ko Caleb, "'Nu ba yan Claire, likot mong matulog."

Nawala agad ang antok ko, umayos ng upo at tinakpan ang labi ko in case na may laway... buti naman wala. Umaandar pa pala ang bus, nasa kaliwa ko ang bintana. Dumungaw ako, malapit na kami, nasa part na kami na maraming sirang gusali, pero, hindi lang iyon ang nakita ko.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari, pero nakita ko isang lalaki, itim ang mga damit niya at meron siyang mahabang buhok na kasing puti ng snow. Nakatayo siya sa gitna ng dalawang sirang bahay, naka-cross ang arms niya, parang may inaabangan siya, then it came to me, ako ang inaabangan niya. Nag-meet ang mga mata namin for what seems to be a nanosecond, pero may nadama ako: takot, matinding loneliness, napakalamig ng titig niya sa akin, halos nanigas ako sa inuupuan ko. Lahat ng iyon, nangyari sa isang kisapmata.

Bigla akong napatayo, sinubukan kong tignan ulit ang lalaki sa gitna ng dalawang gusali pero hindi ko na siya makita, nagulat ko ang ibang pasahero, nagalit sa akin ang driver na mula sa 5th Haven at pinaupo agad ako.

"Claire, may problema ba?" nakatitig lang sa akin si Caleb, ngayon lang niya ata ako nakita ng ganito. Nakatitig rin sa akin sina Joshua at Lyn na nasa kanan namin.

"W-wala. Panaginip lang..." sinubukan ko ring paniwalain ang sarili ko. Hindi na ako nakatulog pa hanggang marating ang Metro.

Bumaba na kami sa isa sa mga bus stop sa Metro, casual lang ang damit namin pero siyempre dapat may green pa rin. Hindi ko matanggal sa isip ko ang nakita ko kanina, nanunuot pa rin ang malamig na titig ng lalaking iyon.

Hinintay namin ang mga kaklase namin, out of 63 students sa class, almost kalahati lang ang dumating, kasama na kami dun.

Masaya naman kami buong araw, nawala rin sa isip ko ang lalaking may malamig na mga mata. Yung sinasabi nilang 'clubhouse' ay isa palang malaking waterland resort na puno ng slides. Nagpaturo akong lumangoy kay Ade kahit alam ko naman kung papaano. Nagkaroon rin ako ng chance na makihalubilo sa mga kaklase kong hindi masyadong naging close dahil sa sobrang dami at layo namin sa isa't isa.

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon