Chapter 19: It's Quite Embarrassing

95 2 0
                                    

Mukhang marami ung nasulat ko ngayon aa. Pasensya na po.

___________________________________________________

June 6. Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang makuha ko ang isang napakagandang remembrance. Isang maliit na patch ng 2st degree burn lang naman sa aking balikat. Saan? Sa maze activity namin last Monday.

Gaya nga ng sinabi ni Red. May obstacles na ang maze at iniba na rin niya ang pattern. Iba na rin ang objective: Paunahang makaalis. Simple lang, di ba? Ang maunang trainee na makalabas, may cash prize worth of 1,000 pesos. Ang huli, may 1,000 rin. 1,000 meters ang tatakbuhin sa treadmill sa gym. 

Marami-rami rin akong na-encounter na traps doon. Mga higanteng battle ax: 14x; Quicksands (don't bother asking how those got there): 7x; Booby traps (ung mga random obstacles na lumalabas kapag may natapakan kang tiles): 10x; Mga pader, ceiling, at sahig na bigla kang dudurugin: 15x; at ang pinakamatindi sa lahat, flamethrower: 1x, doon ako nadali, kung kailan malapit na akong makalabas, mutikan na ring masunog ang buhok ko nun.

Last Tuesday was for mental training. Sa lahat ng klase ng training, ito ang pinakagusto ko. Madalas kasi, nagbabasa lang kami ng libro or gumagawa ng mga activity para sa utak namin such as brainstorming games... with a twist. That time, pinag-aralan namin ang tungkol sa survival sa gitna ng isang wrecked city na puno ng kalaban.

Oo nga pala, walang training every Wednesday and Sunday.

Weapons and tools handling naman last Thrursday. Sa araw na iyon, tinuruan kami ni Red humawak ng baril. Oo, sanay na akong makakita nun, mula sa mga bodyguards ni Papa, pero ibang usapan na ang pag-hawak at paggamit nun. I mean, sino ba namang hindi matatakot humawak ng baril na ginagamit para pumatay? Then sinabi sa akin ni Red, "It's the wielder who decides to kill, not the gun itself. Naka-depende sa'yo kung saan mo yan gagamitin." I hate it when he's right. In the end, napilitan na rin ako.

Friday, physical training ulit. Tinuro sa amin ni Red ang basics ng 5 martial arts tulad ng Taekwondo, Karate, Judo, Boxing, at Arnis.

Saturday, pumunta kami sa simulation floor para i-test ang natutunan namin sa survival sa isang wrecked city. Ilan sa amin ang naging emotional dahil kamukha ito ng current condition ng Metro: bombed and in ruins, maliban na lang sa mga aromored na taong papatayin ka sa oras na makita ka.

Anyway, wala ulit training nung Sunday kaya namasyal kaming apat sa kung saan saan.

Kahapon naman, weapons and tools ulit. One word... lightsabers.

...

"Claire, nakikinig ka ba?" isang boses ang bumulabog sa aking isipan.

"Hayaan mo na siya Red. Kinakausap lang niya ang sarili niya tungkol sa nangyari sa kanya this past week." sabi ni Daniel.

Oo nga pala, since nasa kalagitnaan na kami ng one month of training, pinagsamasama na ang lahat ng trainees simula yesterday.

"Kaya mo yan, sweetheart." sabi ni Aria.

Sa aking kanang kamay, hawak ko ang isang lightsaber. Physical training ngayon. At makikipag-sparring kami kay Red gamit ang mga lightsabers. Ako na ang last trainee na makikipag-spar.

"Inuulit ko, isn't this activity very dangerous?" tanong ko.

"Magiging dangerous 'to kapag naging careless ka." Red replied.

"Wala man ba akong protective gear?" tinignan ko ang the rest ng trainees na merong minor injuries na ibinigay sa kanila ni Red.

"You're already wearing Tailor's bulletproof clothes. Di pa ba yun sapat?"

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon