Chapter 7: I'm a Survivor

133 3 0
                                    

Nasa loob ako ng isang madilim na kuwarto.

Wait. Panaginip naman ba ito?

Hindi. 

ARAY! Ansakit ng ulo ko.

Ugh, nahihilo ako, parang puno ng usok ang utak ko. Sinusubukan kong iangat ang kamay ko sa ulo ko pero di ko kinaya. Parang may nakabalot dito. 

May naririnig akong boses, malapit lang siya pero hindi ko makita sa sobrang dilim. "... dahil ata na-trauma siya." sabi ng lalaki, hindi ko marinig ang boses ng kausap niya. "Ikaw naman kasi e. Kung kumilos ka ka-agad, wala na tayong problema." hindi ko talaga marinig ang kausap niya. "Argh. Ewan. Hindi nga natin nakuha ung dalawa pero at least naligtas mo siya." may narinig akong footsteps at pagsara ng pintuan, umalis na ata ung kausap ng lalaki.

Mukhang may sira ata ang utak ko, ngayon ko lang kasi na-regain ang iba kong senses maliban sa pandinig. Ngayon ko lang din nasimulang i-process ung mga narinig ko kanina, napuno agad ang utak ng tanong pero dalawa lang ang nangibabaw...

Bu-buhay ako? NAKALIGTAS AKO?!

My eyes opened at the thought of I'm still alive. Nung una nasilaw ako sa liwanag pero nag-adjust ang mga mata ko. Naaninag ko ang isang mukha.

Sigurado akong siya ung lalaking narinig ko kanina. Mukha siyang nasa early 20's na siya. Mayron siyang slick back black hair, at mukhang gulat na gulat siya. Did I mentioned ba na nakatutok ang mukha niya sa akin?

Napatayo siya ng tuwid. "It's about time. Buti naman at nagising ka na." Nakasuot siya ng isang white lab coat black denim jeans at black na t-shirt.

Sinubukan kong magbago ng posisyon but the slightest move made my head hurt terribly.

Sinuportahan agad ako ng lalaki bago pa madulas ang kamay ko sa kama. "Hey. 'Wag mong puwersahin ang sarili mo, wala ka pang masyadong lakas."

Sa oras na nakahiga na ulit ako ng maayos sinubukan kong magsalita, "Sino ka?" halos pabulong ko nang sinuabi, atleast kaya kong magsalita.

"Daniel Hearthome."

"Doctor?"

"Well. Sort of... Long story."

"Nasaan ako?"

"Better not push yourself. Masasagot rin lahat ng tanong mo."

"Last na 'to." sabi ko, "may kausap ka kanina at..."

"Ahh. Oo, isang malapit na kaibigan, makikita mo rin siya pag magaling ka na." sabi niya.

"Mukhang mayroon kayong argumento."

Naglabas siya ng isang faint smile, "'Wag mong sabihing hindi kayo nag-aaway ng mga matalik mong kaibigan."

Kaibigan? "Ow!" sumakit agad ang ulo ko kaya hindi na ako nag-bother na mag-isip.

"Dapat pala hindi ko na pinaalala ang topic na iyon." bulong niya sa sarili niya. "Huwag mong i-pressure ang sarili mo, wag kang mag-alala, na-trauma ka lang kaya meron kang temporary mental block. Mag-pahinga ka ng mabuti at makaka-alala at makaka-isip ka na ng normal."

"Trauma? Paano? Pero...."

"Isang head injury." sabi niya habang may sinusulat ang nakalagay sa clipboard. "Sige, maiwan muna kita para makapagpahinga ka." nilapag na niya sa table sa tabi ko ang clipboard at sinampay niya sa isang upuan ung lab coat niya, umalis na siya ng kwarto.

Ngayon lang ako nagkaroon ng chance na makita ang buong kuwarto. Masakit kapag lumilingon ako pero nakakaya ko naman. Pang isang patient lang ang kuwarto, parang dark na dirty white ang kulay ng pader, walang masyadong furniture dito, maliban sa dalawang upuan sa right at isang couch sa left. Mukang may C.R. sa tabi ng exit. May naka-inject sa akin na dextrose. Pinilit kong abutin ang clipboard ng lalaki kanina, napagod agad ako pero nang makita ko ang nakasulat sa clipboard, alam kong hindi pala talaga doctor si Daniel Hearthome, nakalagay lang dito ang isang papel na may drawing ng isang pusa. In fairness, maganda ang drawing niya.

Na-realize kong wala akong magagawa tungkol kung sino si Daniel at kung nasaan ako sa condition ko ngayon kaya nag-decide na lang akong matulog at umasang bumuti na ang kalagayan ko.

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon