Chapter 10: Briefing

127 1 0
                                    

8:00 am. Inaasahan ko ang malambing na boses ni Mama ang gigising pero mali ako. Automatic na nagbukas ang mga pintuan at sapat na ang ingay ng impact nila sa pader para gisingin kami ni Adam.

Wala kaming idea sa kung anong training ang gagawin namin. Sinabi lang sa amin ni Daniel Hearthome malalaman din namin ang mga detalye ngayong umaga. Sinuot namin ang standard uniform ng hq na ito: all black clothes. Iniwan ko sa ilalim ng unan ang iPod na regalo ni Uncle Sam since malabong magagamit ko 'to during the training na wala akong idea kung ano.

Nakisali kami sa pila na binuo ng dormmates namin, one line each room. May dalawang bunk beds sa bawat room, which means there are at least four trainees each rooms at four rooms each hallway so dapat may 16 trainees each hallway, so, approximately, merong 48 trainees.

May dalawang figures na lumabas sa staircase sa tabi ng elevator, pagkakita ko pa lang sa kanya ay sira na ang araw ko, hindi dahil sa sensation na pinaramdam niya sa akin sa mga panaginip ko or dahil sa issue namin tungkol kay mama -- which I'm trying to bury at the back of my mind -- kundi dahil isa siyang antagonistic alien freak. Si Red. Sinabi ko kay Daniel kagabi ang iba pang kalait-lait na bagay tungkol sa kanya pero sinabi niya na huwag kong pangarapin na makikita ko pa ang araw pag lumabas ulit 'yon sa mga labi ko. Pareho ang suot niya kahapon, isang black v-neck, sleeveless shirt at jogging pants, may suot rin siyang black sweat band sa forehead niya. Ang pinaka weird na nakita ko sa kanya ay ang buhok niya, may dalawang bangs na nagfra-frame sa mukha niya pero nakatali lang ang buhok niya a couple of inches near the tips. Itatatali mo nga lang ang buhok mo, sa may dulo pa.

Nagulat ako sa kasama niya, akala ko talaga nagtratrabaho lang siya sa infirmaries at nagkukunwaring doctor pero isa rin siya sa mga instructor. Si Daniel.

Hindi ko maintindihan kung bakit sila malapit na magkaibigan, they're complete opposites. Daniel is cool and suave, pero medyo rash at mainitin si Red. Moreno si Daniel at pale-white si Red. Ang buhok ni Red ay abot sa waist niya, maputi at nakatali lang malapit sa dulo pero bagsak, si Daniel naman, may slick back black hair na medyo kulot sa tips. Nakakapagtaka nga kung bakit malapit sila sa isa't isa, maliban na lung kung meron silang...

I better not think about it.

"Trainees!" sinigaw ni Red, the intensity of his voice brings me back to reality.

"Pumunta na tayo sa Training Facility." sinabi ni Daniel na parang wala lang sa kanya. Narinig ko ang maliliit na tawa dahil sinira ni Daniel ang serious aura ni Red. 'Di ko rin napigilan ang sarili ko.

We hiked up the stairs instead of taking the elevator. Ngayon ko lang nalaman na nasa second basement floor lang pala kami ng Residential Area, mas malaki pala ang hq na ito sa inaasahan ko, sadyang marami lang tunnels at hallways kaya mukha itong maliit.

Pagkalabas namin ng north tunnel, tumungo kami sa east tunnel kung nasan ang sinasabi nilang facility.

Matapos ang ilang minuto ng paglalakad, we found ourselves in front of a double-doored entrance. Binuksan iyon ni Red at tumambad sa amin ang ilang hallway. Matapos ang ilang turns, we finally reached a room labelled 'Briefing Room'.

Pagbukas ng pintuan, tumambad sa amin ang isang babae, may black hair na naka-ponytail, stern ang expression niya at napansin kong masama ang tingin kay Daniel.

"Sinung nagbigay sayo ng authority na sunduin ang mga trainees?" tanong ng babae.

"Wag kang masyadong dense." sabi ni Daniel, "Isa naman na ako sa mga instructors 'di ba?"

"Kahit na, kaya pa rin namin ni Red turuan ang batch na ito kahit wala ka."

Red sighed, "Papasukin na muna natin sila para sa briefing." tumahimik ang dalawa at pinapasok na kami. . Tinawag kami individually at pinaupo sa designated seats, katabi ko si Ade at isa pang babae at lalaki.

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon