Chapter 5: Graduation

147 3 0
                                    

Nasa bus na kami papunta sa Metro. Kasama ko sina Mama at Caleb. Nauna na si Papa kasi kailangang mauna ng mga Haven leaders sa ganitong klase ng mga event. Normally, tanging mga 5th Haven lang ang may mga private cars, ang mga mayayayaman na tao sa Metro at Havens, kasama na ang mga leader, pero walang kotse si Papa.

Sa unang pagkakataon, hindi ako umupo sa tabi ng bintana. Naiinis ako sa sarili ko kasi hinahayaan ko ang sarili kong ma-paranoid dahil sa isang panaginip.

Pagkababa namin sa Metro, sumakay agad kami sa isang bus papuntang Grand High. Coincidentally, nasa bus rin na iyon sina Joshua at Lyn, kasama ang mga magulang nila. Kumaway si Lyn, kumaway rin ako.

Bumaba na kami ng bus harap ng Grand High. Pumasok na kami sa hallway. Nakakapanibago lang dahil imbes na sa gitna kami ng campus, pumunta kami sa northeast wing kung saan gaganapin ang event.

Kasama ko sina Caleb, Lyn, Joshua papunta sa holding room para sa mga graduate, dumiretso na ang mga magulang namin sa dome. Humabol sa amin sina Ade at iba pa naming kaklase, sina Aira at Joey na mula sa Fourth Haven, sin Aaron, Jules, at August na mula sa Second Haven, at si Rida na mula sa First Haven.

Nasa holding room na kami. Punong puno na ito ng mga graduate na nagpre-pepare para sa graduation. Biglang lumapit sa akin si Lyn.

"Hindi ka ba mag-aayos, Claire?" tanong niya.

"Bakit, maayos naman na ang buhok ko a. May kulang pa ba?" sinagot ko habang hinawakan ang buhok ko na naka-bun sa likod.

"Hindi, I mean... make-up?"

"Hindi ako mahilig sa make-up" sinabi ko, ayaw ko naman kasi talaga. Nakita ko kasi ung isang classmate ko nung nag-graduate kami ng Grade 6 na nag-apply ng make-up at nagkaroon ng matinding rashes ang mukha niya ng umakyat siya sa stage...

"Kaya hindi ka napapansin ng mga lalaki e... lalo na ni Ade."

"Excuse me?" sinabi ko sa kanya kahit rinig na rinig ang sinabi niya sa akin.

Hinila niya ako, "Halika nga, ipapakita ko sa iyo ang gandang 'di mo inakala."

Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating. Pinaupo niya ako sa harap ng isang salamin at hiniram ang make-up kit ng isang babae na mula sa Second Haven, hindi ko siya kilala pero alam kong kaklase siya ni Joshua.

Hindi ko alam ang pinaggagagawa ni Lyn sa mukha ko. Hindi ko rin maintindihan ang mga pinagsasasabi niya: 'natural lang ang bagay sa'yo', 'bagay ang kulay na ito sa'yo, mae-emphasize ang mga facial features mo', at iba pang bagay na tumatagos lang sa tenga ko.

Wala pang five minutes tapos na siya, wala akong idea kung anong itsura ko pero nakita ko naman na nakangiti siya kaya ok na iyon. Mula sa mukha niya, itinuon ko ang mga mata ko sa salamin. Whoa. Mukha ko pa rin ang nakita ko, hindi ko lang inakala na kaya itong gawin ni Lyn. Medyo makapal ang nilagay niyang eyeliner kaya una kong napansin ang mga mata ko, gray eyes, ngayon ko lang nalaman na eye-catching ang stormy gray eyes ko. Maliban dun, walang masyadong kakaiba sa mukha ko, light lang ang pagka-pula ng mga pisngi ko. Ang labi ko naman...

"Bilib ka ano?" sabi ni Lyn.

"Pa-paanong... kailan ka natutong mag-ganito?" tanong ko.

"Dapat nga itatanong ko kung bakit hindi ka pa marunog maglagay ng make-up e" sabi niya. "Mmm... Nung freshmen pa tayo, kaso nakita ko hindi ka mahilig sa mga ganito kaya nilihim ko na lang." dagdag niya, "Nagustuhan mo ba?"

"Oo. S-siyempre."

"Sa totoo lang hindi mo na kinailangan ng ganyan, natural ang itsura mo kaya wala kang problema kahit hindi ka magmake-up..."

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon