Chapter 26: Down Memory Lane

86 2 3
                                    

Red's POV

"Bata, anong problema, ba't ka pa umiiyak?" sabi ng isang batang babae.

Great. Ito na naman ung panaganip na 'to.

Nakikita ko ang sarili ko sa panaginip ko. Ang dating payatot at lampang ako na nakaupo at umiiyak sa sahig... and you know what? It was my 6th birthday that time.

Nasa park ako nun sa First Haven, wala sina Dad at Rachel kasi may pinuntahan silang convention kasama ang ibang leaders at mga anak nila. Umalis lang sandali yung bantay ko pero napahamak na agad ako.

Nagsimula akong umiyak, nagkaroon ako ng sugat sa aking noo dahil nahulog ako sa swing.

Ako lang ang nasa park. Ilang ulit ko nang sinisigaw yung pangalan ng bantay ko, pero wala pa rin. Nakikipag-flirt na naman ata siya dun sa hardinero namin.

Nagha-hyperventilate na ako sa dami ng dugong nakikita ko. Bata pa ako nun kaya wala pa akong kaalam-alam... then, dumating siya nung oras na iyon.

Nakita niya ang kondisyon ko at dali-dali siyang pumunta sa akin. Nakakagulat nga e, halatang mas bata pa siya sa akin pero alam niya ang first-aid sa ganung klase ng mga sugat. Nilagyan na niya ng benda ang noo ko.

"Pansamantala lang mawawala ang sakit, dapat pumunta ka na sa hospital para tuluyang matahi ung noo mo." sabi niya with her cute childish voice.

"S-Salamat." nakakahiya talaga ako noon, magpapasalamat na nga lang, iiyak pa. "A, anong tinitignan mo." nakatingin kasi siya sa noo ko.

"Hmm, magkakaroon yan ng peklat kapag gumaling na."

Naiiyak pa rin ako.

"Bata, anong problema, ba't ka pa umiiyak? Hmm, kung natatakot kang magkapeklat, edi itago mo. Ito o."

Binigyan niya ako ng isang sweatband, plain black ito pero may maliit na nakasulat "Eat Healthy".

"Isuot mo lang yan, bata, para matakpan ung peklat mo, ok?" sabi niya habang ngumiti siya. Hinawakan niya ung kamay ko, "Diba dapat may bantay ka? Tara hanapin natin siya."

As if on cue, dumating na yung bantay ko, nakita niya ung benda sa ulo ko, agad niya akong pinuntahan at pwersahan kaming pinaghiwalay nung bata. Tinawag nung bantay ko yung driver para ihatid ako sa ospital

Medyo malungkot ung hitsura ng bata pero sinigaw niya sa akin habang papaalis kami, "Tandaan mo ok? Ung sweatband! Kung gusto mo bibigyan ulit kita ng bago pag nagkita tayo ulit!"

Alam ko na hindi na kami magkikita ulit. Wala akong nakitang color red sa damit niya, which means na hindi siya taga First Haven. Isa lamang siyang bisita dito. 

Medyo corny, pero naging hopeful pa rin ako nun. Nung gumaling na ako, araw-araw akong pumupunta sa playground para hintayin ang babaeng iyon, but I always ended up getting bullied by the other kids there.

Nung naging super-enhanced human na ako, nawala na ang peklat na 'yon sa noo ko. But, I still wear a sweatband, to remember her. I started not to wear it nung sinabi ko kay Claire ang totoong pangalan ko only because I want her to re--

"Finn? Gising ka na ba?" si Claire. Pumasok siya sa infirmary room ko.

"Well, I am now. Wait, did you just call me Finn?"

"Yeah, 'di nga bagay sa'yo e. But since you told me your real name, it would be a waste if I don't call you with it. Besides, you almost died out there, pero nabuhay ka, so now I respect you. Anyway, you should drink your medicine, gaya ng sinabi ni Daniel."

"Me-medicine? May sinabi pa bang iba si Daniel tungkol sa gamot ko... such as its effects and why I need to drink it?" I asked her nervously.

"Wala, he just told me to remind you to drink it every day. Sinabi niya rin sa akin na wag na akong magtanong tungkol sa gamot na 'yon"

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon