Chapter 2: Grand High

204 2 0
                                    

Sa dami ng naisip ko, akala ko malapit na kami sa pupuntahan namin, mali ako. Wala pa atang five minutes na umaandar ang bus. Dumungaw ulit ako sa bintana, papalabas pa lang kami ng residential area. Dito mapapansin mo na ang mga sirang building, sidewalk, at kalsada -- terrorist bombings daw, pero hindi na ito pinansin ng mga tao kasi wala naman nasaktan at ipinakitang motibo ang mga so-called terrorists, dati pa 'to, mga 20 years ago pa, pero wala ata silang intention na ipaayos ito --  kaya kung natutulog ka, magigising  ka dahil sa kaka-iwas ng bus sa mga debris.

Nakadungaw pa rin ako sa bintana. Araw-araw kaming sumasakay ng bus kaya sanay na ako, dinapuan na ako ng antok, pero sinubukan ko pa ring 'di matulog. Sino bang binibiro ko? Wala pang ten seconds na nakapikit ang mata ko, nakatulog agad ako.

"Claire." sabi ni Caleb, "Gising na. Malapit na tayo." dinagdag pa niya. Alam kong panaginip lang iyon, kasi, iniiwanan ako ng totoong Caleb sa bus pag nakatulog ako.

Pagdilat ko, nakatayo sa harap ko si Mama. Isang pale green na dress ang suot niya, yung buhok niya, nakaayos sa isang side ng balikat niya. "Nanuna na si Caleb. Tara na?" mahinahon niyang sinabi sa akin. Tuwing nagsasalita siya, parang kumakalma ang ang pakiramdam ko at nawawala ang lahat ng problema. Inabot ko ang kamay niya at sabay na bumaba.

Nag-aabang si Caleb sa paanan ng bus. Tumawa siya habang nakatingin sa akin, gumawa siya ng isang gesture: pinunas niya ung gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki niya. Agad kong kinuha ang panyo ko sa pocket at pinunasan ang labi ko. Nakakairita, naglaway na naman ako habang natutulog.

 Nandito na kami, sa metropolitan area ng Grand Domain, ang city namin. Ancient history na ang kuwento ng Grand Domain pero ayon sa libro namin binuo ang malaking city na ito sa ibabaw ng NCR matapos ang World War III. Pinapalibutan ito ng makapal at malaking pader sa borders bilang protection. Wala nang ibang sinabi ang history book namin maliban dun, pero mas madaming sinasabi si Caleb. Sa pagkakaalam niya, dito tumira ang mga survivors at nag-establish sila ng bagong political system, at dun nabuo ang limang factions or mas properly called as Havens. Wala akong idea kung saan niya nakuha ang impormasyong iyon.

Isang neutral territory ang Metro. Walang Haven ang umaangkin sa lupang ito. Dito nagtratrabaho sa Metro ang ilan sa mga naka-graduate ng college.

Hinatid na kami ni Mama sa sa bus stop para hintayin ang school bus namin, hindi kasi pumupunta ang mga school bus sa nga Haven dahil masyadong malaki ang Grand Domain para magpasikut-sikot masundo lang ang mga mag-aaral, dahil diyan, nagco-commute ang mga students papunta dito sa Metro at dito na aaksyon ang mga school bus.

"Nakatitig ka na naman sa kawalan a." may boses akong narinig, "Kinakausap mo na naman ba ang sarili mo, Claire?" kinakausap pala ako ni Caleb.

Napansin kong wala na si Mama at kaming dalawa na lang sa school bus stop. "Umalis na si Ma?" tanong ko sa kakambal ko.

"Kanina pa." sabi niya, "Tuliro ka kaya hindi ka na niya ginambala pa." sabay tawa niya. Gagantihan ko sana siya ng asar pero...

"Claire!" nanggaling ung boses sa bus na kararating lang. "Bakit hindi niyo kami hinintay?" sa isang babaeng morena nanggaling ang boses, may black, shoulder length na buhok at nakasuot ng parehong uniform sa amin. Si Gwen.

Nginitian ko siya, "Gwen!" agad ko siyang sinalubong pero bigla siyang sumimangot ng sinabi ko ang pangalan niya. "Um.. este... Lyn!" sinabi ko agad.

Ngumiti na siya. "Tandaan no, Lyn. L-Y-N. Lyn, yan na dapat ang itawag mo sa akin." sinabi niya habang niyayakap ako. "Happy birthday, Claire." bulong niya sa tenga ko.

"Ako, hindi mo babatiin?" sabi ni Caleb kay Lyn. May binunot si Lyn sa bag niya, isang maliit na box na naka-gift wrap, hinagis niya kay Caleb. "Ano 'to? Isang box ng posporo?" sabi niya matapos saluhin.

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon