Chapter 12: Catching Pyre

126 2 0
                                    

Nagising ako nang may gumagalaw sa braso ko, "Claire, wanna miss breakfast?" si Jhun.

Umupo ako sa bunk bed ko, napansin kong basa ang unan ko pero hindi dahil naglalaway ako sa pagtulog. I was crying in my sleep.

"Nauna na sina Ade at Bianca sa mess hall." sabi Jhun habang inaayos ang sneakers niya. Meron siyang plain haircut: short hair at left-swept bangs na naumaabot sa kilay niya, tumutubo na rin ang balbas niya.

"Mauna ka na." sabi ko habang pinupunasan ang mga mata ko.

"See you." sabi niya habang paalis ng room, medyo awkward kasama si Jhun ng mag-isa. Hindi siya katulad ni Uncle Sam na palaging nagsasalita. Jhun is silent, pero ang sabi sa akin ni Ade masarap siyang kasama.

Ngayon ko lang nahalungkat ang green bag na katabi ko sa pagtulog. Puro black clothes ang laman nito: sweatshirts, t-shits, tank tops, jogging pants at shorts, pero white yung mga underwear at socks. May twalya din na nakalagay sa loob, kinuha ko 'yon at pumunta sa banyo sa fifth hallway.

Binilisan kong maligo, pumunta agad ako sa room namin para magbihis, isang black na tank-top at black jogging pants. Sinuot ko ang itim na sneakers na binigay ni Daniel. Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko sa traditional nitong braid, ibinulsa ko ang iPod ko sa bulsa at pumunta na ng mess hall.

Nagsisimula na silang kumain pag-dating ko, sinubukan kong hanapin sina Ade pero napatunayan kong hindi 'yun madali dahil daan-daang taong naka-black ang nandito, sa sobrang lawak ng mess hall, parang wala nang pag-asang makita sil.

Iniiwasan kong isigaw ang pangalan nila but that wouldn't be a bright idea. Then, nakita ko si Red na pumasok sa mess hall, naisip ko na baka uupo siya malapit sa mga trainees kaya sinundan ko na lang siya.

Sinundan ko siya hanggang pumunta na kami sa upper-left part ng mess hall, nakita ko na sina Bianca.

"Antagal mo?" tanong niya.

"This place is WAY larger than I thought." I replied.

"Upo ka na, Adam saved you a tray." sabi ni Jhun.

"Seriously, Ade na lang." sabi ni Adam habang umuupo ako sa tabi ni BIanca.

Sinimulan ko nang kumain. Pancakes at hot chocolate ang almusal namin. Pagkatingin ko pa lang sa pancakes naalala ko na agad si Mama, pati na rin si Joshua at ang iba ko pang kakilala, akala ko talaga handa ko na silang kalimutan, pero hindi. Mahirap maka-get over lalo na kung iniiyakan mo sila sa pagtulog mo.

"Napansin ko lang, were you following Red?" tanong ni Ade.

Biglang naging suspicious ang tingin sa akin nilang tatlo.

"Hindi ko lang kasi kayo makita... Then I figured na uupo siya malapit sa mga trainees kaya sinundan ko siya." I said, trying to make it sound casual.

"Hmm. Still, bakit ka ba namula nung may sinabi sa'yo si Aria tungkol kay Red?" sabi ni Bianca.

Great, now we're talking about Red's hair on his body. Sinubukan kong palitan ang topic, "Speaking of Red, ano ba ang gagawin natin sa unang araw ng physical training?"

Silence. Pero biglang nagsalita si Jhun, "Physical Examination muna, ie-estimate daw ang physical prowess mo. Kung tama ang sinasabi ng mga kasama natin, magkakaroon daw tayo ng isang exercise matapos ng examintaion."

"Exercise. Like 'exercise' exercise? Or is it exercise like an activity?" sabi ni Bianca.

I have to admit, wala akong naintindihan sa first part nang sinabi niya...

"I'm not sure, it could be either." sabi ni Jhun. Na-gets niya ung sinabi ni Bianca?

Tinapos na namin ang pagkain namin. 8:47 am pa lang, habang hinihintay namin ang 10 am, nagpasya kaming mag-ikot sa mga store sa plaza. While on our way, nilabas ko ang iPod ko at isinalpak ang earphones sa tenga ko, bago ko mapindot ang 'play' button, napansin nila ang hawak ko.

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon