Chapter 11: An Invitation

115 1 0
                                    

Libre nga kami buong araw. Matapos naming mag-lunch, malaya na kaming makapasyal sa Lost Haven habang nag-uusap kami tungkol sa buhay ng isa't isa. Tulad na lamang ng tungkol sa mga pamilya namin, mga kaibigan at ang rankings namin sa Graduation.

"Rank 14? Napakatalino mo talaga." tanong ni Jhun, medyo nagulat ako sa tanong niya, madalas kasi, pag pinuri ng mga taga-Fourth Haven ang talino mo, dalawa lang ang ibig sabihin nun, either seryoso sila o nilalait lang nila ang mental prowess mo.

"Hindi naman, sinadya lang namin ni Caleb na pagbutihin ang senior year para makakuha kami ng Career Examination. Hindi nga ako makapaniwala sa ranking ko e, ang kinailangan ko lang ay makasali sa top 250."

"You desereved it," sabi ni Ade, "kaso nga lang,"

Wala nang Career Exams. Sabi ko sa sarili ko.

"Pwede bang wag muna nating pag-usapan ang mga issue aboveground. Medyo nagiging awkward ang usapan natin." sabi ni Bianca. "Maghiwalay kaya tayong apat para mas malawak ang ma-cover natin." dagdag pa niya.

"Sige, 2:00 na, sa plaza tayo mag-kita bago mag-dinner." sabi ni Ade.

Naghiwalay kami sa dalawang grupo, kami ni Bianca at sina Jhun at Ade. Wala kaming maisip na mapuntahan ni Bianca kaya pumunta muna kami sa plaza at tumingin sa stores sa building.

Ilang oras din kaming nag-browse sa mga stores. Ngayon ko lang talaga naranasang mamasyal ng ganito--ang magkuwento tungkol sa buhay niyo habang pumupunta kayo sa iba't ibang store at tinitignan ang mga binebenta kahit wala kayong pera. Hindi ko pa naranasang mamasyal ng ganito kasama si Lyn dahil alam na niya ang lahat tungkol sa buhay ko, at ganun din ako sa kanya.

Habang nasa 19th floor kami, may nakita kaming mga tao na na-recognize kong mga trainees din pala na pumasok sa isang store.

"Tignan natin?" sabi ni Bianca. Tumango ako.

Pumunta ako sa shop na iyon, nakita namin na isa pala iyong watch shop at kumukuha ng libreng watches ang mga trainees, nakita rin namin ang babaeng instructor kanina, si Aria Mistralton.

"Mukhang nandito ang dalawa sa mga delinquents ni Red." laid back na ang boses niya ngayon, at parang nag-aasar ang tono ng boses niya. Anyway, hindi ko gusto ang word na 'delinquents.'

"Sa tingin mo ba na isa kami sa magiging fangirl ng antagonistic alien freak na iyon?" umiksi ang pasensya ko at nakatingin sa akin ang mga trainees sa likod ni Aria, pero masama ang tingin sa akin ng instructor.

Siniko ako ni Bianca, "Ma'am..." sabi ko naman.

Tumawa si Aria, yung tipong hindi hindi nabuhay sa mundo ang isang dense na instructor na may malakas na boses. "Antagonistic alien freak?... I like you." sabi niya.

Natulala kami ni Bianca.

"Well, wala na na kasi ditong babaeng trainee na hindi nagkakagusto kay Red." tumingin siya sa likod niya, "Sige, libre na kayo." sabi niya sa mga trainees ng hallway 1. "Later." sabi naman niya sa amin.

"That was... fun" sabi ni Bianca. "Akala ko talaga paparusahan tayo matapos mong sabihin 'yon."

"Sinabi na sa akin ni Daniel na 'wag ko na 'yung banggitin kung mahal ko ang buhay ko. Pero parang sinwerte lang tayo kay Aria."

"Better not push aour luck." sabi niya. Pumunta siya sa kinaroroonan ng mga free watches para sa trainees, "Watches?" tanong niya sa akin.

Pumili kami ng mga relo, meron ding mga wrist bands. Sabi ng tindero, pwede daw pumili ng kahit na anong design na available, pero dapat daw na pareho ng kulay ng Haven namin at ang strap ng watch. Pinili ni Bianca ang isang yellow wrist band, gusto ko rin namang kumuha ng relo pero isang green na wrist band na lang ang kinuha ko. Napansin kong nagtaka ang tindero sa pinili kong kulay pero hindi ko na 'yon pinansin, umalis na kami at tumingin pa sa ibang shops.

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon