Chapter 3: I got an iPod

149 3 0
                                    

1:47 pm ayon sa watch ni Caleb. Nasa bus kami papunta sa Third Haven.

Pinalo ni Lyn si Caleb sa braso, "Rank four?!" sinabi niya ng sobrang lakas napatingin ang ibang pasahero sa amin. "Sorry..." sinabi ni Lyn sa kanila. Bumalik ang tingin niya kay Caleb, "Ikaw ang Second Honorable Mention?" ibinulong niya kay Caleb.

"No big deal." sabi ni Caleb, halatang nagyayabang siya.

"Sa buong graduating class natin, 969 na mga students na nagmula sa iba't ibang Haven ng Grand Domain, ikaw ang rank four, tapos, 'No big deal' ?" sinubukan niyang gayahin ang boses ni Caleb. "Ikaw lang ang taga-Third Haven sa Top 10, the rest ay mula sa na sa Fourth Haven..."

"Hayaan mo na si Kuya Caleb." sabi ko kay Lyn.

"I'm just considering my rank as a birthday gift from karma." sabi ni Caleb.

"Tigilan mo nga yan. Ang weird mong pakinggan. Tsaka hindi ko maalalang may ginawa kang mabuti." sabi ni Lyn

"Teka, ba't ako lang pinagtri-tripan mo," sabi ni Caleb kay Lyn, "mataas din naman ang rank ni Claire a."

Sumagot agad si Lyn, "Dapat lang sa kanya yun, kasi alam kong nag-aaral siyang mabuti, at dapat lang siya na makapag-take ng Career examination!"

Ngumiti si Caleb. "Napag-usapan namin dati na ok lang kahit isa sa amin ang makapag-take ng Career exam..."

Napatahimik si Lyn. Siguro naalala niyang sensitibo ang topic na iyon sa amin.

"...sorry." sabi niya.

"Ok lang iyon." sabi ko. "Alam mong gusto mo ring makapasa sa exams 'di ba, Lyn."

Tumango lang siya.

Iba na ang educational system dito sa Grand Domain. Dito, mag-aaral ka ng pre-school hanggang elementary sa Haven kung saan ka nagmula, pagkagraduate mo, pwede ka nang tumigil o mag-high school sa Grand High. Gaya ng sinabi ko, pagkatapos mong mag-graduate ng elementary, pwede ka nang huminto sa pag-aaral. Sa buong six years kasi ng primary level, ituturo dito ang lahat ng dapat mong malaman para makapag-trabaho ka sa Haven na tinitirahan mo -- halimbawa sa Third Haven -- bukod sa academics, tinuturuan ka na kung paano magpalaki ng mga tanim, mag-raise ng livestock at kung anu-ano pang bagay na tungkol sa pagkain na tutulong sa'yo para makapagtrabaho ka sa Third Haven.

Madalas, ang mga pumipiling mag-high school, sila yung mga taong gustong makapag-take ng Career Examinations, dito kukuha ka ng exam para maka-enter ka ng college. Lima lang ang college courses dito sa Grand Domain: 1st Course, 2nd Course, 3rd Course, 4th Course, at siyempre ang 5th Course. Hindi ito biro. Ang limang course na ito ang nagsi-symbolize ng five Havens, respectively. Kapag nakapag-college ka, mas maganda ang makukuha mong trabaho mula sa Haven mo (hindi katulad ng mga hindi nag-college), mas magandang trabaho equals mas malaking salary, may chance ka ring makapag-trabaho sa Metro. Ito rin ang tanging opportunity para makalipat ka ng Haven na titirahan mo (Ex. Let's say mula ka sa First Haven at nakapasa ka sa Career Exams, kapag ang pinili mong course sa college ay ang 1st Course, mamamalagi ka sa First Haven, for life. Pero pag ibang course naman ang pinili mo, tulad ng 2nd Course, dapat ka nang lumipat sa Second Haven at doon ka na titira at magtratrabaho, for life, wala nang bawian.) Oo nga pala, tanging mga college graduate lang ang pwedeng maging leader/representative ng Haven, tulad ni Papa -- Andrew Walker - Leader of the Third Haven - Food.

"Claire." tinawag ako ni Lyn.

Napatingin ako sa kanya, tapos sa lalaking nasa harap ko. Meron siyang  wavy auburn hair, matangos na ilong, glasses at mga plain brown na mata. Naka-suot siya ng isang orange na sweatshirt, may tatak na '5' sa left part ng chest. Si Adam Thatcher, mula sa Fifth Haven - Transportation.

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon