Chapter 6: The Graduation Ends with an Explosion

127 3 0
                                    

Matapos ang speech ni Luther Ryder inumpisahan nang tawagin ang mga graduates, lowest to highest rank ang tatawagin kaya 955 students pa ang tatawagin bago ako. Nice.

So far, hindi na ako kinakabahan, ewan ko ba, gumagaan ang loob ko tuwing naaalala ko ang ilaw, para bang boses ni Mama natuwing naririnig ko ay nawawala ang problema ko.

Nasa gitna na kami ng ceremonny kaya mga 400+ students na lang...

300

250, from this moment, ang mga tatawagin na susunod ay makakapag-take ng Career Exams.

Sa wakas nasa rank 100 na ang tinatawag...

99

87

74

53

28

14

Ako na! Tumayo ako sa kinauupuan ko. Nag-replay sa isipan ko ang mga maaaring mangyari but that was overcomed by the excitement.

I waited for Mama in the audience, tapos sabay na kaming umakyat sa stage. Pag-akyat namin, nakita ko si Papa na masaya, lalung-lalo na dahil mataas ang rank namin ni Caleb. This time ipapakita ko na sa lahat ng tao na hindi ako kahihiyan kay Papa.

Sinabit ni Mama ang medal ko at ibinigay na sa akin ni Sir Pryce ang diploma ko. Finally, kakamayan ko na ang principal, medyo naghesitate ako, pero It's just a nightmare. Hindi iyon totoo, wag na wag kang maniniwala sa mga panaginip mo kapag nakasakay ka sa isang bus.

Nang muli kong iabot ang kamay ko, biglang bumagal ang oras. Unti-unti kong hinawakan ang kamay niya, then, as if on cue...

Isang malaking pagsabog.

Nagtakbuhan ang ang lahat ng graduates at visitors papalabas ng dome.

Niligtas naman ng security ang mga Haven Leaders at ang school officials.

Naramdaman ko na hinahatak ako ni Mama habang sumisigaw siya, sa tingin ko sumasama na siya sa mga security, pero hindi ko maintindihan ang isinisigaw niya. Nakatayo lang ako at hindi umiimik.

Nagkaroon pa ng ibang series ng explosion, hindi lang ang dome ang pinasabog, kundi pati na rin ang school, hindi, ayon sa mga naririnig kong pagsabog, mukhang kumalat ang mga explosion sa buong Metro.

Nagsimula nang mag-collapse ang ceiling ng dome. Nakaplanta pa rin ako sa stage. Takbo, Claire, umalis ka na jan! Sabi ko sa sarili ko, pero hindi ko magawa.

Tumingala ako at nakita ang isang malaking debris na nahuhulog sa akin.

Tremendous pain speared through my head, then everything went black.

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon