Chapter 8: I'll be Meeting The Man of My Nightmares

134 2 0
                                    

May 21 na ayon sa calendaryo na ngayon ko lang napansin. Tama nga si Daniel Hearthome, nakapagpahinga na ako at hindi na malabo ang isipan ko. Mga three days na akong nandito. Sabi niya kahapon pwede na akong umalis sa kuwartong ito, pero hindi iyon ang inaalala ko ngayon.

Ano na kayang nangyari kina Mama at Papa at Caleb matapos ng graduation, nagaalala na rin ako kina Lyn, Joshua at Ade, kasi nung tinanong ko si Daniel tungkol sa kanila iniba agad niya ang topic, ganun din ang ginawa niya pag tinatanong ko kung saan ang exact location namin, he keeps on telling me na nasa Metro kami, pero madaming hospital sa Metro...

Bumukas ang pintuan at pumasok si Daniel. Nilabas na naman niya yung clipboard niya.

"Puwede na ba akong lumabas?"

"Not quite."

"Pero..."

"May mga itatanong muna ako sa'yo."

"Wala ako sa mood para sa quiz bee. Kailangan kong makausap si Caleb."

"Personal info lang, pagkatapos nun, sasamahan na kita sa labas."

"But..." nagsimula na siyang magtanong.

"Name?"

"Alam mo naman na, 'di ba?"

"Name?" nagkunwari siyang walang narinig.

"Claire Walker."

"Mother's name and occupation."

"Beatrice Walker, housewife."

"Father's name and occupation."

"Andrew Walker, Leader. Third Haven." mukhang hindi siya nagulat sa sinabi ko, most people do.

"Siblings?"

"Caleb Walker"

"Birth Date."

"May 8"

"Belated happy birthday... Age."

"Thanks. Sixteen."

Kulang-kulang 20 questions rin ang tinanong niya.

"Pwede na ba akong..." bago pa akong magpatuloy, tinangggal na niya ang dextrose na nakaturok sa akin. Nakakagalaw na akong mabuti, umupo ako sa kama, sinubukan kong hawakan ang ulo ko na wala nang bandage, in fact, wala naman talaga akong nahawakan na head injury. Isang maliit na bukol lang.

"Right. Tungkol sa head injury mo..." sabi ni Daniel.

"Ano ba talagang nangyari?"

"Paano pag sinabi kong wala talagang head injury?"

"Niloloko mo ba ako?"

"It's not like that..."

"Si-sino ka ba talaga? Anung lugar 'to? At bakit hindi ka sumsagot tuwing tinatanong ko ang tungkol sa pamilya ko?!" I lashed out at him. Hindi ako makapaniwala, nagtiwala ako sa isang complete stranger na i-confine ako sa isang kwarto at pinaniwalang may head injury ako, pero, anung bakit ganun ang pakiramdam ko pagkagising ko nung isang araw?

I took no time to think about that. Umalis na ako sa kama, finding out na suot ko pa rin ang dress ko nung graduation. I was reaching for the door knob already when I heard a click. Binuksan ni Daniel ang tv.

Isang lalaking reporter ang nagsasalita, madalas ko siyang makita kapag ang report ay tungkol sa mga casualties at accidents sa Grand Domain. "Tatlong araw na po ang lumipas matapos ang kahindik-hindik na alleged terrorism attack sa Metro. Binomba ang buong sector at nagresulta sa pagguho ng 80% of all the building in the area." na-curious ako kaya bumalik ako sa tabi ni Daniel. "Isa sa mga pinaka na-damage na lugar ay ang Grand High, kung saan idindaos ang graduation ng mga students." na-flash sa screen ang aerial view ng school at wala na talagang natira dito. Blown to pieces. Napa-lunok ako sa kaba. "currently, 37 deaths are reported." nagulat ako nang i-flash nila sa screen ang mga namatay. 30 sa kanila ay hindi ko kilala, karamihan sa kanila ay mga adults at konti lang ang graduates, pero ang mga susunod na pictures na nakita ko ang ikinatayo ng mga balahibo ko...

The Lost HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon