CHAPTER 21 - Her Smile

4.8K 140 5
                                    

CHAPTER 21

(Adil's 1st POV)

Nagrant ang two months vacation ko. Usually talaga every ramadhan ako umuuwi dahil ito lang ang mga panahon na walang masyadong trabaho.

Sekreto ito at hindi alam ni Zarra. Ang parents ko ang susundo sa akin sa airport. Ang paalam pa nila ay may pupuntahan silang mga kaibigan.

Excited na akong umuwi. Kanina nung nagtext kami nasa hongkong na ako nun dahil naka cross over flight ako. At gabi ang dating ko dahil kanina after ng work ko umalis na agad ako. Sayang kasi ang oras at panahon kong bukas pa ako aalis.

Marami akong pasalubong na dala, sabi kasi ni Abie kailangan kong magbigay sa mga in-laws ko lalo na't wala ako nung kinasal kami ni Zarra.

Paglabas ko ng arrival area, naabutan ko si Abie at Omie na nakatayo at kumakaway sa akin. Masaya akong lumapit sa kanila at niyakap silang dalawa.

"ang gwapo naman ng anak ko" bati ni Omie sa akin pagkatapos kaming magpalitan ng salam.

"Alhamdulillah Omie, mana kaya ako kay Abie" natatawa kong sabi na kinatawa rin ni Abie.

"Ameen!" sabi ni Omie.

"si Zarra?" tanong ko kaagad sa kanila, sa totoo lang. Kung dati excited akong umuwi para makita ang parents ko ngayon nadoble na. Pero mas excited akong makita ang asawa ko. Lalo na't may limang buwan rin kaming hindi nagkita.

"naku ayun, nakapagitna siguro sa dalawa mong kapatid. Lagi nilang pinag-aawayan ang asawa mo." sagot ni Omie sa akin.

Pinagtulungan namin ni Eman ang pagbububat ng mga maleta ko at paglagay ng mga ito sa likuran ng dala nilang sasakyan. Buti nalang at hilux ang dala nilang sasakyan, kaya maayos na nakarga ang mga dala kong maleta at pasalubong.

"kamusta ka naman Eman?" tanong ko nang pauwi na kami, nasa front seat ako at si Eman ang nagmamaneho.

"okay naman po ako Kuya" nakangiti nyang sagot sa akin.

"salamat sa pagbantay sa ate mo ha?" sabi ko sabay tapik ng balikat nito.

"trabaho ko po yun kuya, isa pa hindi naman mahirap bantayan si Ate kasi hindi naman sya magala" sabi nito.

"Abi yung kaso pala ni Zarra, sabi ni Keith hindi raw nila magalaw ang dalawa kasi mga tauhan daw ito ng isang malaking grupo ng Islamic group. Hindi nya rin masabi kung anong grupo kasi hindi sya ang naassign sa paghawak ng kaso ni Zarra." mahinahon kong sabi.

Nangunot ang noo ni Abie, isang Sultan at pinuno si Abie ng isang Islamic Group pero hindi layunin ng grupo namin ang makapanakit ng ibang tao lalo na ng babae. Hindi rin pwedeng gumawa ng kasalanan sa iba lalo na ang pagnanakaw at pagsali sa kahit anong sindikatong trabaho. Alaga namin sila sa pagkain at pangangailangan nila.

"wala naman akong nalaman na iba pang grupo na may ganyang trabaho anak" sabi ni Abie.

"Astagferullah! May ibang grupo pa ba ng mga Muslim ang nakapasok sa organisasyon?" tanong ni Omie kay Abie.

Umiling si Abie. Siya ngayon ang pinuno ng lahat ng Muslim group. Bilang pinuno, alam niya ang lahat ng nasasakupan niya. Bantay namin ang buong lugar na sakop namin, nakikipagkaisa kami sa mga police at sundalo lalo na kung para sa kabutihan ng lahat.

"may hinala akong taga Silangan  sila, hindi pa sapat ang pondasyon ng grupo nila Abie kaya siguro sila nagkakaganyan" sabi ko.

Ramdam ko ang pagkadismayado ng Ama ko. Lumalabas ang tapang nya kung naapakan sya ng iba, ngunit pag ako ang nagsalita nirerespeto ng Ama ko ang mga opinyun ko lalo na't ako ang susunod sa mga yapak nya na maumuno sa organisasyon.

"naku, huwag na muna natin yan pag-usapan Adil. Ang importante ay nadito ka na para bantayan ang asawa mo." sabi ni Abi na kinatango ni Omie.

Pagadating sa bahay, kabado ako at excited na makita ang asawa ko. Alam kong tulog na ito ngayon dahil alas dos na ng umaga.

Pagkapasok namin sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Excited akong nagbukas ng pinto. Napangiti ako ng makapasok na ako sa kwarto. Naabutan ko silang tulog. Nasa gitna si Zarra at nakayakap si Anya sa kanya, samantalang nakatalikod naman siya kay Kael at may mahabang unan sa pagitan nilang dalawa. Mahimbing silang natutulog habang ang TV ay nakabukas at nagkakalat ang mga CD sa paanan nila.

Napatawa si Omie nang maabutan din ang sitwasyon nila. "ganito sila basta Jamaat (friday) wala kasing klase kinabukasan kaya magkukulitan yan sila hanggang makatulog" napailing si Omie habang nakatayo sila ni Abie sa pintuan.

Inoff ko ang TV at binalik sa kinalalagyan nito. Nakapatong kasi ito sa taas ng mesang may gulong. Dinikit ko ang TV ko rito para hindi mahulog kong hinihila ko ito palapit sa kama ko sa tuwing maglalaro ako ng racing car or mag-internet dito.

Binuhat ni Abie si Kael para ihatid ito sa kwarto nito. Tulog na tulog kaya parang walang nararamdaman. Ganun din ang ginawa ko kay Anya, dahan-dahan ko itong kinalas sa yakap nya kay Zarra. Buti nalang at hindi nagising si Zarra. Pagkahatid namin sa kanila ni Abie sa mga kwarto nila, si Omie na ang nagkumot sa mga ito.

Pagbalik ko sa kwarto, inayos ko ang mga nakakalat na mga CD sa paanan ni Zarra. Nilagay ko ang mga ito sa disk box na nakalagay sa baba ng TV.

Pagkatapos kong maligo, napangiti ako nang makita ang magandang pagkaayos ng mga damit ko. Nakaseperate ang mga ito depende sa kulay. Nasa isang lagayan ang mga pambahay at pantulog.

Suot ko ang sando ko at pajama nang mahiga ako sa kama namin. May napulot pa akong popcorn na nagpangiti sa akin.

"masyado mo ata silang naspoiled ah" sabi ko habnag inaayos ang tutulugan ko.

Nakahiga na ako nang gumalaw sya at hinarap ako. "Kael sleep kana, come here!" sabi nya habang nakapikit. Akala siguro nya ay nagising si Kael sa tabi nya.

Magkaharap kami ngayon. Pinagmamasdan ko ang maganda nyang mukha, makinis at maputi. Nakatali ang buhok nya at mapupula ang mga labi nya.

Niyakap ko siya at hindi ko napigilan ang sarili ko at hinalikan ko sya sa labi ng ilang besis. Bigla nyang minulat ang mata nya at napatitig na parang galit sa akin. Ang cute ng asawa ko. Maganda parin kahit bagong gising, nakatitig lang sya sa akin na parang naniniguradong kakilala nya ako.

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan sya ulit sa labi. "good morning wife!" bati ko.

Ang gulat nyang mukha ay napalitan ng pagtulis ng nguso nya. Napapikit sya at tumulo ang isang patak ng luha sa pisngi nya.

"your here!" she pouted her lips and nodded as she pinch my cheeks, her smile conclude her questioning mind. Matagal syang napatitig sa akin. Napatawa ako at tumango. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"i miss you so much!"- ako.

Ramdam ko ang pagyakap nya sa akin. "i miss you too" tugon nya.

Nakatulog kaming dalawa na magkayakap. Kahit pagod ako kanina sa byahe ngayon ay hindi ko na inalintana ngayon dahil lang masaya ako na kayakap ko na rin ulit sa wakas ang asawa ko.

Sinong magsasabi na, na kahit hindi man kami dumaan sa ligawan at ikinasal na hindi magkasama. Ganito namin mamimiss ang isat-isa.

Babawi ako sa kanya, habang nandito ako sasamantalahin ko ang makasama sya sa lahat ng oras.

My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon