CHAPTER 33 - Private Account

4.6K 125 3
                                    

CHAPTER 33

"hey, nagbibiruan lang sila" awat ni Adil na hinawakan pa ang braso ko. Nagsigawan sa kilig ang mga kaibigan ko.

Napahinto ang kotse dahil sa red light nang magsalita si Adil.

"dont be sad, yan din naman ang ginagawa ko kapag nakikita ko ang mga picture mo sa Fb na maraming comment at likes. Kahit nong hindi pa kita asawa" sabi ni Adil na nagpalaglag ng panga ng mga kaibigan ko.

"naalala mo nakatag sayo na picture na naglalakad ka na may payong sa ulan, isang lalaki ang kumuha?" tanong nya na nagpakunot ng noo ko.

"ahhh, kuha yun ni Felix pero biglang nawala sa Fb yun" si Eula.

"ang daming nagcomment noon at naglike dun" natatawa si Jona. "may ilan pang nagcomment dun ng proposal. Siguro dahil sa ganda ng kuha kaya na banned sa FB" dagdag nya.

Umiling si Adil, "inirase ko sa FB" sabi nya na nagpanganga sa aming lahat.

"how?" tanong ko.

"im a programmer wife, remember?" nakangiti nyang sabi. "i wont let any man fest for the beauty of my future wife" nasa daan at seryoso nyang sabi na nagpalaglag ng mga panga namin.

Biglang naghiyawan ang mga kaibigan ko habang ako naman ay nakanguso lang.

"ang sweet! Tama na!" sigaw ni Shine.

"so dont tell me inerase mo rin yung mga candid photos nya na tag sa kanya ng mga gagong kaklase namin?" tanong ni Mayet.

Tumango si Adil, "nasa private account ko" sabi nya na nagpahiyaw na naman sa mga kaibigan ko.

"wala ka namang private album ah?" sabi ko.

Natawa sya, "account wife not album" sabi nya.

"bakit hindi mo ako ininvite?" tanong ko, ngumuso ako. Naglalaro sa isipan ko na baka kasama nya sa account na yun si Venice.

"add me then, Khan Bin Hassan" sabi nya na mabilis naman nagkuhaan ng phone ang mga kaibigan ko.

Kukuha na sana ako tablet sa bag nang inabot ni Adil sa akin ang phone nya. "long press 8" sabi nya na sinunod ko naman. Tumambad sa akin ang account ng sinabi nyang name.

"accept mo kami Adil, pwede?" tanong ni Mayet.

Napatingin si Adil sa akin at tumango.

Inupen ko ang account at nakita na may ilang pirasong friends lang ang meron sya sa account na to. May apat na taon na nagawa ang account nyang to.

Inaccept ko ang mga kaibigan ko sa account nyang yun.

Kinilig sila sa profile picture ni Adil. Picture naming dalawa nung nasa Dubai kami. Nakayakap sya sa akin mula sa likuran ko habang ako naman ay nakatakip ng mukha. Ito yung time na uuwi na ako ay naiiyak ako.

'your all i need in my life' ang nakasulat na caption. Napangiti ako at napailing.

May ilang album na nakaprivate, inupen ko at nakita ko ang mga candid photos ko habang nasa Dubai kami. May ilang naglalakad ako at likuran ko lang ang nakikita.

May mga litrato akong natutulog at puro stollen shots lahat.

Yung mga sinabi nyang photos na inirase nya sa FB ay nasa isang album lang.

May album syang nakasulat na my wife at bagong upload ang mga pictures ko nung wedding namin, mali pala wedding namin ng sarili ko. Hahahah.

At may mga stolen shots sya nung college pa ako.

"did you stalk me during college days?" tanong ko habang iniisa-isa ko ang mga stolen picture ko na alam ko na college pa ako sa mga pictures nya.

Natawa sya, ang mga kaibgan ko naman ay napapataw lang dahil naglalike sila sa mga pictures ko na kuha pa noong college years pa namin.

"i like this one!" pinakita ni Mayet sa akin ang picture naming dalawa na nakaupo sa tambayan namin at kumakain ng chips.

Natawa ako kasi nakaharap kami sa cam at halatang sa kanya kami nakatingin.

'when your aware that im stealing something from you' ang nakasulat na caption.

Napailing ako. Ngumuso at hindi nagpahalatang kinikilig.

Nilagay ko ang phone nya pabalik sa lagayan nito sa harapan nya.

Napatitig ako kay Adil, this man is making me go crazy!

Napangiti sya, alam nya sigurong nakatitig ako sa kanya.

"ay friend tingnan mo" pinakita ni Mayet sa akin ang picture ko na nakatayo sa harap Adil at nakayuko, habang si Adil naman ay nakatitig sa akin. Stolen shot sya na ibang tao ang kumuha.

'minsan lang to mangyari, ang makasama ka sa picture!' napangiti ako nang mabasa ko ang caption.

Binaba nya at pinakita ang comment sa akin.

'a bite of jelly ace!' - Venice

'why liking her, so naive!' - Sheena

'walang basagan ng trip!' - Khan

Nagpoker face ako, after the outing i started to hate Venice, maybe ate is just too frank and transparent about her emotions toward Venice that is why, sa tuwing nagkikita sila nasisira talaga ang mood ni Ate.

I dont like to hate her but i cant help it. I cant figure out her point why she have to do that even though she knew it pala noon pa that Adil is into someone.

Nagpark si Adil at tsaka kami bumaba.

Pagpasok namin, napataas ako ng kilay when i saw Venice with her friends sa isang table. Malapad ang ngiti nya kay Adil.

Napahawak si Adil sa kamay ko at hindi nya pinansin si Venice. Yumuko ako at sumunod sa mga kaibigan ko na inukupa ang bakanteng table sa tabi nila.

Napaangat ako ng tingin nang pinaghila ako ng upuan ni Adil at umupo sa tabi ko kung saan nakatalikod kami kina Venice.

I dont want to start any, but i wont let her ruin our marriage.


My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon