CHAPTER 57 - Isla Jardin

5.4K 115 1
                                    

  CHAPTER 57

Simula nong pagtatagpo namin ni Adil, isang linggo ko syang hindi na ulit nakita. Sabi ni Omie dalawang araw raw syang nagkulong sa kwarto namin at hindi lumabas, kung hindi raw sya sinundo ng mga kaibigan nya ay hindi raw ito lalabas.

Nasa mall kami ni Khalid kasama ang namiss naming si Ninang Mayet nya, nakapangako kasi akong ipapasyal ko sya lalo na't long weekend dahil sa holidays. Buti nalang at nakaleave si Mayet ng limang dalawang araw para makasama kami.

Nasa mga laruan kami at naghahanap ng magugustuhan nya. Marami tinuturo ngunit ayaw nya naman ilagay sa cart namin.

"ano yan?" tanong ko kay Mayet. Pumipili kasi sya ng mga gamit pang swimming na pambata.

"mag-overnight kaya tayo sa Sarangani. May nasearch akong resort na maganda, get away tayo kahit two days lang?" sabi nya.

Napangiti ako sa sinabi nya. Sabagay, hindi pa naman nakapunta sa beach si Khalid dahil lagi lang kaming nasa bahay palagi.

"sige" excited kong sabi. "first time din itong magbeach ni Khalid"

"dora na toh!" masaya nyang sabi.

Ibinili namin si Khalid nang rush guard at trunks nya. Bumili din kami nang sa amin ni Mayet para mas maenjoy namin ang pagstay doon. Napailing ako dahil alam ko namang magbibikini ang babaeng ito.

Pagkauwi ng bahay, mabilis kaming nag-impake ng mga dadalhin namin. Magpapahatid lang kami kay Caloy at uuwi sya para may makasama si Nanay Fina. Susunduin nila kami sa susunod na araw para rin makapamili ng mga preskong isda sa fish port ng Gensan, may kapit kasi si Nanay Fina kaya suki narin kami.

Habang nasa byahe kami, naaliw si Khalid sa mga pangungulit ni Mayet. Napapangiti nalang rin ako sa mga alienated nyang sinasabi sa anak ko na sya namang pinagmumulan ng tawa ni Khalid.

Pagdating sa Isla Jardin, namangha agad ako sa malinis at maasul nitong tubig. Kaunti lang ang tao pero halatang maganda at tahimik ang lugar.

Si Mayet na ang nakipag-usap at nagpareserve dahil tumakbo na si Khalid at tinuro ang malawak na dagat.

"mi blue" humaba ang nguso nya sa pagsabi ng blue. Tumango ako at nilapitan sya ngunit tumakbo na naman sya nilapitan ang tubig. Tumalon-talon syang natatawa at nagpahabol sa tubig.

"come here, let's change first" hinila ko sya ngunit ayaw umalis.

Umiyak sya ng binuhat ko sya palayo sa tubig. Nakakahiya naman kay Mayet kung pati gamit namin dalhin nya. "bihis muna tayo anak, wait lang po" sabi ko habang buhat-buhat sya. Malalaking butil ng luha ang nagsilabasan sa mga mata nya. Pumula agad ang ilong nya kahit hindi pa umabot ng isang minuto ang pag-iyak nya.

Nakakuha ng cottage si Mayet, sa isang dulo ang kinuha nya para raw solemn at hindi kami maistorbo lalo na sa pagtulog ni Khalid.

Pagpasok namin sa cottage, namangha kami sa ganda ng ayos nito sa loob. Bamboo hut ang buong cottage na may maliit na banyo sa loob. Malapit sa dagat at purong white sand ang inaapakan ng cottage namin.

Nilapag ko si Khalid na nagtatampo na ngayon sa akin at binihisan ng panligo nya. Kahit alas tres palang ng hapon at mainit pa ang araw ay kailangan ko na syang ipalaro sa dagat dahil baka lubusan itong magtampo sa akin. Pinasuot ko na ang bagong bili naming panligo nya at nilagyan sya ng sunblock sa buong katawan nya.

Mabilis rin kaming nagpalit ni Mayet ng suot panligo namin. Naka speedo leggings ako at rush guard. Inalis ko ang suot kong hijab at hinayaang liparin ng hangin ang bagong gupit kong buhok ngunit nakatali, tanging bangs ko lang ang hindi nasali sa pagtali. Suot ko ang wayfarer kong pasalubong pa ni Mayet sa akin.

My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon