CHAPTER 40 - Kamag-anak

4.3K 93 4
                                    

CHAPTER 40

"naku Maam Zarra, ikaw nga!" sigaw ng isang ali na medyo may katandaan na. Ngumiti ako sa kanya na para bang inaalala ko kung saan kami nagkitang dalawa.

"Ako po ito Maam, yung social worker po dito na sumama sa outreach program ninyo" sabi nya na syang pag-ngiti ko dahil na aalala ko na rin sa wakas.

"kamusta po?" -ako

"naku maam, mabuti naman po. Masaya po kami at nakarating ka ulit dito sa amin" masaya nyang sabi. Lumapad ang ngiti ko nang makita silang masaya at malulusog.

Hindi pa kami umabot sa pintuan, sinalubong na ako ng mga pinsan ni Adil. Huli ko silang nakita nung kandori sa bahay bago nagsimula ang ramadhan. Nagpalitan kami ng Salam sa bawat isa at beso-beso.

"ang ganda parin kahit may bumpy tummy na" sabi ni Laila.

"oo nga, parang lalaki ata ah" si Akisa. Mga pinsan sila ni Adil kay Abie.

"tigilan nyo ako, alam kong hindi maayos ang mukha ko ngayon" nakangiti kong sagot sa knila. Narinig ko ang tawa ni Adil sa likuran ko.

Pagpasok namin sa loob ng mansyon. Namangha ako sa ganda at pagkagarbo nito. Halatang mamahalin at gawa sa matitibay na materyales ang bawat gamit nila. Kamangha-mangha ang ganda ng desenyo ng malaking hagdan. Ang kisame at ang mga chandelier na nakasabit dito.

Hinila ako ni Omie sa kamay ni Adil. "halika ka anak, ipapakilala kita sa mga kamag-anak ng Abie mo" sabi nya. Nagpatiayon ako kasama sya. Nasa isang parte sila ng bahay na parang terrace, marami sila roon at halos may mga edad na ang karamihan sa kanila.

"ito ang magandang asawa ni Adil, si Zarra." masaya akong pinakilala ni Omie. Napangiti naman sila sa akin. "siya ang Tita Fausia mo, asawa sya ng bunsong bapa ng Abie mo. Nakipagbeso-beso ako sa kanya. Sa unang tingin palang ay halatang mayaman ito dahil sa gara ng damit at mamahaling alahas.

"ito naman si Mona, ang pinsang buo ng Abie mo." katulad ni Tita Fausia ay halatang mabait din ito at mayaman.

Pinakilala ni Omie ang nandoon, si Tita Tasmin, Hariza, Alyana, Sophia at Hasmin. Sila ang mga malapit na kamag-anak ni Abie. Nag-iisang anak na lalaki si Abie, ang sunod nya ay sina Tita Hasmin at Tita Hariza. Ang iba ay pinsan na at mga asawa ng pinsan ni Abie. Ang ibang kamag-anak nila ay nasa Saudi na at Brunei nanirahan.

Ang ibang mga kamag-anak nila ay nasa kabilang salas at puro naman ito mga lalaki, ang mga kaedad naman ni Adil ay nasa labas at nakikipagbiruan pa sa isat-isa.

"ihahatid ko muna ito sa kwarto nya at baka nabinat na ito sa byahe" paalam ni Omie sa kanila. Magalang akong nagpaalam sa kanila at sumunod kay Omie.

Sa ikalawang palapag, nandoon ang kwarto namin ni Adil, dati nya itong silid na kung saan pinarenovate ni Abie at pinalitan ang kama.

"ito ang kwarto nyo anak, magpahinga ka muna baka napagod ka sa byahe" niyakap ko si Omie at nagpasalamat bago sya umalis.

Maaliwalas ang kwarto namin, malalaki ang bintana at may veranda na kitang-kita ang buong lapad ng lupain nila Abie. Parang isang bundok ang pagmamay-ari nila.

Naligo ako, nagsimba muna bago nahiga at natulog. Kailangan ko ng pahinga para mamayang gabi, mag-aalas quatro na. Siguro naman hindi sila magalit kong magpahinga muna kami ni Baby.

"mahal ko?"

"mahal ko?"

Ramdam ko ang kiliti ng mga halik ni Adil sa pisngi ko. Maingay narin ang paligid at may ilan pang nagpaputok ng baril at fireworks. Binuksan ko ang mga mata ko. Madilim na pala. Napasarap ata ang tulog ko.

My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon