CHAPTER 29 - Kissing

4.3K 113 3
                                    

CHAPTER 29

Dumaan kami sa table para magpaalam sa kanilang maliligo kami, sa cottage ako nagbihis, nagsuot ako ng sports type bikini sa loob bago ako nagsuot ng leggings at rush guard.

Nagponytail ako ng buhok ko at nagbitbit ng towel palabas ng cottage namin. Nakita kong nakatayo na ang dalawa sa harapan ng katabi naming cottage at naghihintay. Pareho silang naka bikini na ngunit si Diane ay may sapaw na tube style.

Nilapag namin ang towel namin sa sun lounger at nakipaglaro kami sa tubig. Hindi gaanong malamig ang tubig at hindi karamihan ang naliligo, maliwanag sya ngunit sa parte kung nasaan kami ay madilim ng kaunti.

Naghabulan pa kaming tatlo at nagtuksuhan.

"Zarra, tanggalin mo na yang lower mo wala namang nakakakilala sayo rito at makakakita sayo" sabi ni Diane.

"no!" sabi ko na biglang kinatawa nilang dalawa.

"ano ka ba, ang badoy kaya ng suot mo. Para kang sisisid" sabi ni Lian.

"comfortable na ako dito, dont mind me girls" sabi ko na kinatawa lang nila.

"mag-iinuman pa ang mga boys, kaya matatagalan pa sila. Try mo lang tutal madilim naman dito na part" pamimilit ni Diane.

"ang sayang ng curve mo kung magmumukha kalang dolphin sa suot mo" sabi naman ni Lian.

"okay lang ako promise!" sabi ko. Nakaranas na akong magshort dati nong high school at naligo kami sa dagat din pero hanggang doon lang yun at wala na akong planong ulitin yun.

"hay naku, Zarra ang badoy mo kaya." sabi ni Diane. Napakapursigido talaga ng babaeng to.

Halos inabot kami ng isang oras sa pagpilitan na tanggalin ang suot kong rushgurad at leggings. Hanggang sa natanggal ko na nga ang upper ko at nakasports style bikini top nalang ako pero nakakulong ako sa ilalim ng tubig. Puro hiyawan ang narinig ko sa dalawa.

Pinilit pa nila akong hubarin ang pang-ibaba ko tutal naman daw ay kaming tatlo lang ang naroon sa area na kung nasaan kami.

Natagalan kami sila sa pagkumbinsi sa akin. Hanggang pinagbigyan ko narin sila. Pero dapat kung may tao na ay itatago nila ako at ibibigay nila agad ang suot ko kanina.

Napakagaan sa pakiramdam ng nakatwo-pice kalang, parang walang kang suot. Nasa tubig kami at nagtatanungan ng about sa mga personal naming buhay.

Masaya kaming nag tawanan sa tubig. Parang nawala sa isipan ko bigla ang mga nakita ko kanina.

"siguro masaya na sila kasi nasolo na nila ang isat-isat" bulong ko sa isipan ko habnag nakahiga ako sa taas ng tubig at nagfo-floating.

Mabilis na umahon si Diane at kinuha ang rush guard ko at leggings nang mariniig nya ang mga tawanan ng mga boys na paparating.

Sa ilalim ako ng tubig nagbihis at mabilis na inayos ang sarili ko habang malakas ang kantyaw ng dalawa sa akin.

Umahon kami at nahiga sa sun lounger nang matapos akong makapagbihis.

"mga bampira, kamusta ang moon sighting nyo?" natatawang tanong ni Lester sa aming tatlo.

"okay lang, hindi pa namin oras" sagot naman ni Lian.

"howaa! First time kong makita kang walang veil Zarra ang ganda mo!" sabi ni Keith.

Nag-angat ako ng tingin para hanapin si Adil, pero hndi sya nila kasama.

"si Adil?" tanong ko.

"nag-paiwan, may pag-uusapan sila ni Venice" sabi ni Miko at umupo ito sa tabi ni Diane.

"bakit kayo naligo? Hindi ba kayo nilalamig?" tanong ni Clark na sa akin nakadiretso ang mga mata niya.

Yumuko ako pero narinig ko ang pagsagot ni Lian sa kanya.

"yun nga ang gusto namin ang lamigin kami para maiba naman" sabi niya.

Tumayo si Keith at nag-unat. "sige ligo tayong lahat!" sigaw at mabilis nyang hinubad ang pan-itaas nya at lumusong na sa tubig.

Sinundan din sya ng iba pang mga kaibigan nyang mga lalaki.

Nagpaiwan akong nakahiga sa sun lounger habnag silang lahat nasa tubig at nagkukulitan.

"are you confused?" tanong ni Clark bago sya umupo sa kabilang dulo ng sun lounger. Pinagitnaan kami ng isang bakante na kung saan nandoon ang mga towel naming mga babae.

"to?" napalingon ako sa kanya.

Nakatingin sya sa mga kasama naming naglalaro sa tubig.

"Adil and Venice" diretsa nyang sagot sa akin.

Umiling ako at napangiti. "she's my cousin and they are friends, right?" kampante kong sagot pero kapit ng dibdib ko ang hiningang ayaw kong ipahalata sa kanya.

"maybe?" makahulugan nyang sagot na kinalingon ko naman kaagad.

"what do you mean?"tanong ko.

Napangiti sya at umiling. Sinundan ng mga titig ko ang mga mahina nyang pagtawa.

"just ignore it and enjoy the night Zarra" sabi nya at naghubad na kaagad ng panitaas nya at nakiligo narin kasama ang mga kaibigan nya.

Nakaramdam ako ng uhaw, hinanap ng tiyan ko ang lasa at lamig ng coke kaya napatayo ako at nagtungo sa isang refreshment store.

Nasa harap ako ng ref nang makita ko sa di kalayuan ang magkaakbay na naglalakad na sina Venice at Adil patungo sa resort Inn. Sinundan ng mga mata ko ang tinahak nila hanggang makapasok sila sa isang kwarto.

Pagkakuha ko ng inumin ko, naglakad ako patungo sa Inn, hoping namakapag-usap kami ni Venice at maklaro sa kanya ang lahat.

Matagal akong nakatayo sa harap ng pintuan nila, nagdadalawang isip ako kung kakatok ako o tatawagan ko nalang si Adil.

Naubos ko nalang ang inumin ko tsaka ako nagkalakas ng loob na kakatok na sana pero nakita kong bukas ang pintuan kaya tuluyan na akong pumasok.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na naghahalikan silang dalawa. May mga luha ang mga mata ni Venice. Magkayakap pa.

Gusto kong umatras at hayaan silang dalawa ngunit halos hindi makagalaw ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

Nabigla si Venice nang makita nya akong nakatayo sa harapan ng pintuan. Napatigil sya sa pakikipaghalikan kay Adil at napaestatwa rin.

Napalingon si Adil at nakita nya akong nakatayo at diretso ang titig sa kanilang dalawa. Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat nang makita ako.

"fuck!" sigaw nya nang makita ako at napabitiw sya bigla kay Venice.

Nabitawan ko ang hawak kong coke in can at tumakbo. Rinig ko pa ang ilang besis nyang pagtawag sa pangalan ko pero patuloy parin akong tumakbo.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, gusto kong umiyak o magalit. Bakit pinsan ko pa? Bakit sila pa? Bakit nakayang gawin ni Adil to sa akin?

I thought were on the same side?



My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon