CHAPTER 38 - Ramadhan

4.6K 107 0
                                    


CHAPTER 38 

Maaga akong nagising para magpray ng Tahajud, isang prayer na may sampung racats. Kadalasan ginagawa ito kapag may ipinagdadasal ka. Kaunti lang ang gumagawa nito dahil alas dos ng umaga ito ginagawa. kinatok kami ni Omie pagsapit ng alas tres para makakain. Dapat bago ang pagbang ng Subuh nakakain na kaming lahat.

Pinagmasdan ko syang tahimik na natutulog sa kama namin. Ang gwapo at maamo nyang mukha ang laging nagpapakilig sa akin. Buong araw ko syang hindi pwedeng lapitan at hindi pwedeng pagnasaan dahil haram ito sa pagsasakripisyo.

"Adil, Gising na" niyogyog ko sya.

"good morning mahal ko"bati nya pagka tapos nyang mag-inat ng kamay. Niyakap nya ako at pinatabi sa kanya. "five minutes lang please? Buong araw kitang hindi malapitan" mas hinigpitan nya ang pagyakap nya sa akin.

Hinarap ko sya at tinitigan ng malapitan. Mashaallah ang gwapo talaga ng asawa ko!

Natigil kami sa pagtitigan at lambingan nang kumatok na si Omie sa amin para makakain na. Kahit nasa hapag kami patuloy parin ang lambingan namin ni Adil. Kinukulit nya akong matakaw at mataba kahit hindi naman. Pumayat nga ako simula nang malaman kong buntis ako nawawalan ako ng gana laging kumain.

Tumambay kami sa salas, magkatabi kaming umupo sa isang single na sofa. May trenta minutos pa naman kami na pwedeng magkulitan.

Halos paulit-ulit nya akong inabisuhan na pwede akong kumain kapag nagugutom ako dahil narin sa paglilihi ko. Pero wala sa plano ko ang gawing dahilan ang pagbubuntis ko para lang makaiwas sa fasting.

Nag-alarm ang orasan na, ibig sabihin limang minuto nalang at magsisimula na ang unang araw ng fasting. Niyakap nya ako ng mahigpit at ilang besis hinalikan ang mukha ko. Nakakatawa man pero kahit naman ako kung may lakas lang nang loob ay gagawin ko rin ito sa kanya.

Buong araw akong nagkulong sa prayer room, nagbasa ng Qur'an at doon narin nagpahinga. Si Adil naman ay inubos ang oras sa pag-kumpuni nya ng nasirang computer. Halos hindi kami nagkita sa unang araw ng pag-aayuno.

Pagsapit ng iftar, nagsimba muna ako bago kumain. Pagbukas ko ng pinto sa prayer room, tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Adil. May dala itong isang baso ng tubig. Nanalangin muna ako para magpasalamat bago ko ininum ang tubig na dala nya. Ngumiti ko sa kanya ngunit hindi sya nakontento. Agad nya akong niyakap at hinalikan sa noo. Sabay kaming pumunta ng mesa kung saan nagsimula narin silang kumain.

Masaya akong natapos ang unang araw ng pag-ayuno na nakayanan naming hindi makagawa ng kasalamanan.

Kaunti nalang at matatapos na ang Ramadhan. Halos kalahati narin ng buwan ang nakalipas. Nakakatuwa kasi nakakayanan naming hindi makagawa ng kahit anong bagay na makaputol sa pagsasakripisyo namin. Iniiwasan rin namin ang mafitna namin ang isat-isa.

Kadalasan na nauubos ang oras ni Adil sa pag-asikaso ng mga papeles nya pabalik sa Dubai. Balak nya nang magresign matapos ang kontrata nya. Ibebenta nya narin raw mga property nya roon para dito nalang raw sya magsisimula ulit.

"Ingat ka" sabi ko, nagsisintas sya ng sapatos nya. May aayusin syang mga papeles.

Tanging ngiti nya lang ang sinukli nya sa akin.

Patuloy parin ako sa pagkukulong sa loob ng prayer room hangang matapos ko ang buong araw. Ginabi narin sya ng uwi at ang paliwanag nya ay kasama nya ang mga kaibigan nyang nag-iftar.

"Bukas babalikan ko yung kaibigan ko. Bibilhin ko yung lupa nya." sabi nya habang nasa kama na ito at hawak ang phone nya.

"okay, lalabas din ako bukas. Pupuntahan ko yung adviser ko. Baka tapos na ang hardbound ng thesis ko"

My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon