CHAPTER 47 - Paalam

4.5K 131 1
                                    

CHAPTER 47 - Paalam

Tatlong araw akong sinuyo ni Abie at Omie para lang makabalik sa bahay. Kinausap ako ni Mama at Papa.

Nakumbensi ako dahil sa pagpaliwanag ni Papa sa akin ang tungkol sa pag-aasawa ng lalaki hanggang sa apat.

Naiintigan ko naman iyon dahil nakasulat iyon sa Qur'an, ngunit ang hindi ko lang lubos maisip ay bakit hindi sila makontento sa isa lang ang asawa.

Nangako si abie na ako lang ang asawa ni adil na pwedeng manirahan sa bahay at wala na ng iba, hindi iyon ang rason kung bakit ako bumalik.

Sa Islam, kapag pumayag ang unang asawa ng lalaki na mag-asawa ulit ang kapares nito ay may malaking biyaya itong matatanggap sa kabilang buhay sa araw ng paghuhukom. Sa bawat sabaar na gagawin ng babae para sa lalaki ay lumalaki ang biyaya niyang naiipon para sa kabilang buhay.

Tahimik akong bumalik sa bahay. Sa bawat magtatabi kami at nag-uusap para akong nilulublob sa mainit na tubig. Masakit at nakakamatay pero ito ang kagustuhan nya. Ito lang ang maibibigay ko para ikakasaya nya. Ayaw ko ng gulo, ayaw kong mapahiya si Abie sa organisasyon nila. Gagawin ko ang pagtitiis na ito para sa ikakabuti ng lahat.

Gabi na nang dumating si Adil, galing sya kay Celine para ayusin ang lahat sa kasal nila. Gusto ni Adil na isekreto ito at huwag nang ipaalam sa lahat, ngunit gusto ng pamilya ni Celine ang ipakita ito sa lahat ng tao lalo na't nasa politika ang ilan sa mga kamag-anak nila.

Napapadalas narin ang pagiging mainitin nya ng ulo lalo na kapag nagkakabanggaan sila ni Abie. Madalas narin nya akong nasisigawan at napapagalitan, sinisisi nya ako kapag napapagalitan siya ni Abie dahil sa akin, kung hindi nya ako masundo at hindi nya ako mahatid.

Ilang araw na akong hindikinakausap ni Adil, nagtatabi kami pero ni hindi nya ako kinakausap. Minsan maaga pa syang umaalis at gabi na umuuwi, halos kulang nalang ay mag-iwasan kami parang dalawa.

Umaga na at nakaramdam ako ng pagkauhaw. Naghahanap ako ng gatas kaya kahit nahihirapan akong tumayo dahil sa laki na ng tiyan ko, pinilit ko parin para mapagbigyan ang gusto ng lalamunan ko.

Napansin ko na bukas ang ilaw sa prayer room, sinilip ko ito at naabutan si Omie na tahimik na nakaupo roon at nagpupunas ng luha sa pisngi nya.

"Omie?" pag-agaw ko ng atensyon nya. Isinara ko ang pinto at lumapit ako sa kanya.

Napaangat sya ng ulo at nginitian ako. "bakit kapa gising?" nangunot ang noo nya. "may kailangan ka ba?" tnag-aalala nyang tanong sa akin.

Umiling ako at umupo sa tabi nya.

Nabalot kaming pareho ng katahimikan, para bang naghihintayan kami kung sino ang unang magsasalita.

Napahagulhol si Omie. "Maafh!" sambit nya. Hindi ko na nakayanan at napaiyak narin ako. Parang sa oras na ito ngayon ko lang naramdaman ang sakit at galit.

Niyakap ko si Omie. "Omie, tama na. Tanggap ko naman lahat" sabi ko na kinailing nya.

"alam kong nasasaktan ka pero wala ka lang magagawa kasi naiipit ka, nararamdaman ko yan Zarra, hindi ako manhid." napatitig ako sa mga mata nya. Nababalot na si Omie ng paghihirap. Nababasa ko na sa mga mata nya na nasasaktan narin sya.

"nakukunsensya ako para sayo, ako ang nahihirapan" hagulhol nya. Nagsimula naring tumulo ang mga luha ko. Ito ang ayaw ko sanang mangyari ang may masasaktan para sa akin. May maaawa at may nahihirapan.

"Omie, tanggap ko na ang lahat. Alam kong hindi ako mahal ni Adil. Hindi ko naman kailangang ipagpilitan ang sarili ko sa kanya lalo na't nahihirapan din sya" paliwanag ko.

My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon