CHAPTER 37 - Sweet

4.5K 123 2
                                    

CHAPTER 37

(Adil's 6th POV)

Maaga kaming nagising, maliban sa maaga kaming maghahanda para sa kasal nina Farra at Jalil ay napaaga din ang gising ko dahil sa morning sickness ni Zarra.

Inuna nya akong tulungan makabihis bago sya naghanda para sa sarili nya. Kaya naman pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay agad akong lumabas para ipahanda ang mga gagamitin naming sasakyan papunta roon.

"Adil, tapos naba si Zarra?" tanong ni Omie habang inaayos ang suot nyang sari.

"patapos na po yun Omie" sagot ko habang inaayos ang settings ng camera ko.

"Anak dito nalang kami sasakay sa Hilux para naman makapagsolo kayo ni Zarra" si Abie, tumango ako na agad naman silang sumakay na sa kotse kasama ang dalawang bata.

Mauuna silang aalis dahil dadaanan pa nila ang pinaihaw ni Abie na lechong baka para kina Farra. Tradisyon na ito sa amin na kapag may ikakasal ay namimigay si Abie ng isang buong baka para ipakain sa mga bisita.

Maya-maya lang ay lumabas na si Zarra, suot nya ang pinagawa ng Mama nilang damit para sa kanila ni Jarra. Black and white ang theme ng kasal nila Farra at Jalil kaya nagdesenyo ang mama nila ng damit para sa kanilang dalawa.

Napaangat ako ng tingin sa kanya ng makita ko syang bumababa sa hagdan palapit sa akin, suot nya ang isa sa mga binigay kong necklace at tatlong pirasong bangles. Maganda ang pagkaayos ng hiijab nya at bitbit ang bag na bumagay sa damit nya. Nagmukha syang modelo sa get-up nya ngayon.

Napangiti ako habnag napapatitig sa mukha nya na kahit simply lang ang make-up nya ay lumutang ang kagandahan nya.

"shall we go?" sabi nya.

Tumango lang ako, para akong nabighani sa kagandahan nya. Baka dahil siguro sa unang pagkakataon ay nasilayan ko syang nagsuot ng pormal at may make-up.

Ipinagbukas ko sya ng pintuan sa front seat at inalalayang makaupo ng maayos tsaka ako umikot sa driver's seat.

Paminsan-minsan ay napapatitig ako sa kanya kahit na nagmamaneho ako, seryoso ang mukha nya at panay ang text nya kay Jarra.

"alam mo yun, talagang itutuloy ni Ate ang plano nyang pakantahin kami ni Jarra" kabado nyang sabi. Halatado ang pag-iba ng daloy ng hininga nya.

"relax, i can talk to Jalil if you want" nakangiti kong sabi. Kahit kasi kabado sya ay maganda parin sya.

"no way! Ano nalang sasabihin ni Kuya na ang kunting hiling ng kapatid namin hindi namin mapagbigyan?" tumulis ang nguso nya at napahimas sya ng sentido nya.

Matagal kaming nabalot ng katahimikan hanggang makarating kami sa venue, sa isang exclusive function are sila ikakasal, parang garden wedding ang theme na kung saan tanging kamag-anak at mga kaibigan ang nandito para dadalo.

Pagkapark ko sasakyan, agad kong kinuha ang coat kong nakapatong sa backseat at pinagbuksan si Zarra ng pintuan.

Tinulungan nya akong mag-ayos ng coat ko habang nasa tabi pa kami ng kotse. "ang daming nakatingin sa atin habz!" sabi ko na kinalingon nya naman.

"ang gwapo mo raw kasi kaya tuloy sila napapalingon" nakangiti nyang sagot.

"hindi ah, ang ganda raw kasi ng asawa ko kaya sila napapalingon" hinampas nya ako sa braso. Napatigil sya at napatitig lang sa akin.

"huwag kang mag-joke ayaw kong mag-assume hehehehe" at tsaka sya napabungisngis. Nakakaaliw talaga syang purihin, kaunti lang blush agad.

Pagpasok namin, agad kaming sinalubong ni Clark at Keith. Pinsan ni Jalil si Clark sa ama kaya nga may dugong muslim din si Clark at si Keith naman ay kaibigan din ni Jalil at naging kablockmate noong undergrad pa kami.

"Mr. and Mrs. Cali" biro ni Keith. Nakipag knuckle bound ako sa kanilang dalawa at masaya naman silang binati ni Zarra.

"very Pretty huh?" bati ni Clark kay Zarra na kinangiti naman nito. "thank you pero i know ang dulo nyan Joke!" sabi ni Zarra na kinatawa namin. "maiwan ko muna kayo hanapin ko pa si Jarra" paalam nya bago ko pinakawalan ang kamay nya.

"ang swerte naman, may misis na ...." tinapos ni Keith ang pangungusap nya sa isang pagpito. Agad ko syang pabirong siniko na sya namang kinailing ni Clark.

"kaya nga eh, kahit Mommy na mabenta parin" pabulong kong sabi na kinasigaw nilang dalawa. Maraming napalingon sa amin pero agad naman kaming napatahimik para hindi makaagaw pansin.

"Fuck Bro! Your the best shooter!" biro ni Keith. "congratz, im so proud of you bro!" dagdag pa nya.

"Congratz bro! Im happy for you!" si Clark.

Masaya kong tinanggap ang mga pagbati nila sa akin kahit alam kong magagalit si Zarra sa akin kapag malaman nyang sinabi ko na ito.

Naging emotional ang pagsimula ng kasal nila Farra at Jalil, marami rin kasi silang pinagdaanan para lang magkatuluyan, isa na ako doon.

Kasama nya kaming nagpunta sa kwartong pagdadausan ng kasal at kasunduan nila ni Papa at ilan pa sa mga lalaking napili nyang umalalay sa kanya. Pagkatapos ng kasal ay kasama rin namin syang nagpunta sa kwarto na kung saan nandoon si Farra na naghihintay.

Pagbukas ng pintuan, si Jarra at Zarra ang nakatayo sa harap para salubungin si Jalil. Napangiti ako nang makita ko ang asawa kong naiiyak sa tuwa habang nilalagay ni Jalil ang kanyang hinlalaki sa noo ni Farra.

Nilapitan ko sya at kinunan ng mga candid shots habang nagpupunas sya ng mga luhang nakatakas sa sayang nararamdaman nya para kay Farra. Napangiti ako nang lumapit sya sa akin at niyakap ako. "nakakainis, ang sweet nila!" bulong nya. Hinagod ko nalang ang likod nya habnag napapatawa at naiiyak.

"mas sweet tayo kasi magkakaanak na tayo" bulong ko na kinata hampas nya agad sa braso ko. "tahimik ka, marinig nila!" sabi nya at napatango ako na wala sa oras.

Nagsimula na ang selebrasyon, naantok na si Zarra sa tabi ko habang nakikinig kami sa mga matatanda na nagbibigay ng advice sa bagong kasal.

"gusto mong kumain?" tanong ko sa kanya nang nakayuko na sya at nasa phone nya nag mga mata nya. Umiling sya at ngumiti sa akin.

Nilabas ko ang phone ko at nagselfie kaming dalawa, napapatawa sya dahil sekreto naming ginagawa to, kahit anong anggulo na maganda talaga sya. Napahinto kami ng makareceive ako ng isang text.

Unknown Number:

PDA huh? Kainggit babe super!

Agad kong binura ang message, hindi ko na kailangan pang alamin kong sinu ang nagtext, si Venice lang naman ang may tawag sa akin ng ganyan. Kanina pa nagtatagpo ang mga mata namin pero ako ang umiiwas, ayaw kong sirain ang pangakong binitawan ko kay Zarra lalo na ngayong magkakaanak na kami. Tama na ang mga pagluluko ko noon, i need to be a man, a tough man for her and for our child.

"the next part of this celebration is a song number from Farra's sisters, Zarra and Jarra" dinig namin galing sa organizer.

Nanlaki ang mga mata ni Zarra at kinakabahan syang tumayo, napahawak sya sa kamay ko nang wala sa oras at mabilis na bumitaw at naglakad sa harapan kung nasaan si Jarra na nakangiti at hinihintay sya.

Pagdating nya sa tabi ni Jarra agad naman syang binulungan nito na kinalaki ng mga mata nya. Napangiti ako dahil tinulak sya ni Jarra papunta sa puting piano na ginamit kanina para sa entrance ng bagong kasal.

Umupo sya doon at nagmasahe ng kamay. Kinunan ko sya ng ilang pictures habang nagsisimula syang tumunog.

Nakakainlove sya habang nagtutogtog sya ng piano, hindi ko inakalang marunong pala sya, marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya. Ang makita syang nakaupo at tumutunog ng puting piano ay tama lang para mas mainlove ako sa kanya.


My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon