CHAPTER 24- Family First Visit

4.9K 135 0
                                    

CHAPTER 24

[Adil's 2nd POV]

Kagabi napag-usapan na ngayong araw kami pupunta sa bahay nila Zarra para ihatid ang pasalubong at unang besis akong magpapakita bilang asawa ni Zarra.

Kagabi pa ako kabado at hindi halos makagalaw. Dahil nahihiya ako.

Kilalang magagaling at matatalino ang pamilya ni Zarra, isang Engineer ang ama ni Zarra, ang kanyang ina naman ay isang City Head ng DSWD. Silang magkakapatid naman ay kilala bilang mga huwaran at laging nangunguna sa klase

Minsan narin silang nabigyan nang karangalan bilang isa sa mga huwarang pamilya ng bansa. Walang dungis ang pamilya nila.

Matalik na magkaibigan ang mga ama namin, naging matatag ang pagkakaibigan nila mula pa noong nasa Sausi sila nagtatrabaho bilang mga enhenyero.

Pagkapasok namin sa nakabukas nilang gate, bumungad sa akin ang magandang tanawin. Mahilig si Bapa sa landscaping, sya rin ang gumawa at nagdesenyo nung landscape at fountain sa bahay.

Nasa ayos ang pagkapark ng mga sasakyan nila. Malamig tingnan ang paligid dahil balot ito ng puno at sariwang mga bermuda. Tama lang ang laki ng bahay nila, may dalawang palapag at may malapad na veranda sa harapan. Gawa ito sa bricks at halatadong maganda ang maintenance ng bahay.

Sabay kaming bumaba ni Zarra sa kotse. Nakita kong nagyakapan na si Abie at Bapa Amir. Si Omie naman at si Tita Fatma. Nakita ko ring nakatayo ang dalawang kapatid ni Zarra na nakatayo at nagmano kay Abie.

Hawak ni Zarra ang kamay ko, hinila niya ako papasok ng veranda nila kung nasaan ang pamilya niya ay naroon.

"Papa!" sigaw nya bago niyakap ang ama nyang may malapad na ngiti pagkakita sa amin.

"Mama" niyakap nya ang kanyang ina na nakangiting hinalikan sya sa noo. Kung may pinagmanahan silang magkakapatid ng ganda, sigurado sa Ina nila. Para itong amerika na na matangos ang ilong at maputi. Maganda ang hugis ng mata at parang modelo ang katawan. Ang ama nya naman ay parang maputing bersiyon ng indyano.

Hinila ni Abie ang kamay at pinakilala sa mga magulang ni Zarra. Kahit magkakilala na kami ni Bapa at Tita, magaling parin akong bumati at yumakap sa kanila.

Malaki ang respeto ko kay Bapa dahil sa maayos nyang napalaki ang kanyang mga anak kahit nasa abroad sya.

"Adil ito pala ang mga kapatid ko si Ate Farra at si Jarra" nakangiti nyang pinakilala sa akin ang dalawa nyang kapatid. Si Farra ang nakakuha ng mukha ng Mama nila. Para syang young version nito, si Jarra naman sa Papa nila. Sa kanilang tatlo si Zarra ang kakaiba ang mukha, pinaghalo ang kanyang mukha galing sa mga magulang nya, ngunit mas matingkad ang ganda nya kumpara sa dalawa nyang kapatid.

"Farra" nakangiti akong binati sya. Kilalang suplada si Farra noong high school kami, Junior ko sya. Maraming nagkagusto sa kanya pero dahil sa suplada ito at hindi namamansin ay walang nagkakalakas loob dito.

"Adilkhan!" nakataas ang isang kilay nito, nakangiti pero halatadong suplada parin. "ingatan mo tong kapatid ko kung ayaw mong sugurin kita ulit!" sabi nya na nagpatango lang sa akin at nagpatawa.

"hi Jarra" bati ko sa abot tengang ngiti nito sa akin. "Kuya, welcome to the family!" sabi nya. Sabi ni Zarra sa kanilang magkakapatid si Jarra ang cheerful at malayang nakakapag bitiw ng mga salitang lumilipad sa isipan nya. Isip bata raw ito at masyadong naspoiled nilang lahat.

Pumasok kami sa bahay nila, maganda at magara rin ang pagkaayos ng bahay nila, maganda ang desenyo ng hagdan nila at ang desenyo ng kisame nila. may ilan silang mga litrato na nasa tabi ng grand piano nila. Mga graduation picture nila noong elementary at highschool nila at may medalya pa ito sa loob.

Sa kanilang tatlo si Zarra lang may hijab sa picture ngunit litaw parin ang ganda nito. May ilang family picture rin sila. Nagulat ako nang magsalita si Zarra sa tabi ko.

"si Mama ang mahilig magpakuha ng mga litrato, remembrance raw kasi habnag tumatagal tumatanda na sila ni Papa." pareho kaming nakatayo sa harap ng mga nakaframe nilang mga litrato.

"ikaw talaga ang pinakamaganda sa lahat" bulong ko sa kanya.

"hindi ahh, si Ate kaya!" sabi nya sabay turo litrato ni Farra noong nasa college graduation nito.

Tiningnan ko ang sa tabi nito, ang college graduation pic nya. Napatagal ang titig ko roon lalo na't crush ko na sya during college pa ako. Nagkaabot kami sa college dahil nagpursue ako ng isa pang course after ng una kong kurso na. Electrical Engineer ako tapos nagpursue pa ng Computer Engineering at ilang units din sa computer programing. Kaya nagkaabot pa kami ni Zarra sa College.

"maganda ang ate mo pero hindi sya maappeal at kasing attractive mo." ramdam ko ang paninigas nya kaya hinila ko na sya papunta sa dining table at habnag napapatawa.

Masaya kaming kumain ng tangahlian, napahaba ang kwentuhan namin at kung ano-ano ang mga tanong nila sa akin. Ramdam ko ang kabaitan nila sa akin at sa pamilya ko.

Matapos kong ipamigay ang pasalubong ko sa kanila, nag-usap ang mga magulang namin. Si Farra naman ay nagkulong na sa kwarto nito dahil may pinaghahandaan daw itong practice. Si Jarra naman ay kalaro ang dalawa kong kapatid.

Sumama ako kay Zarra sa kwarto nito. May mga kukunin daw syang ilang mga gamit nya at libro.

Pagkapasok namin sa kwarto niya, nakita ko kaagad ang malaking bintana nya. Ang maaliwalas nyang kwarto at tamang laki ng kama nya. Nasa ayos ang lahat ng gamit nya. Umupo ako sa gilid ng kama nya at napatingala sa malaki nyang portrait.

"is this you du---" hindi ko na natapos nang magsalita sya agad.

"oo sa kasal yan, ang drama ni Mama at pinaframe pa nga nya yan" sabi nito habnag pumipili ng mga librong dadalhin nya pauwi.

Binalik ko mga mata ko sa malaking portrait nya sa taas ng kama. Tama lang pala na hindi ko pinapunta ang mga kaibigan ko at ilang mga pinsang lalaki, ganito pala sya kaganda sa araw na yun. Kung maayusan pala sya at malagyan ng make-up mas lalong gumaganda si Zarra.

"kolai sandali lang ha?" lumabas sya na may bitbit na mga libro. Naiwan akong mag-isa sa kwarto nya.

Lumapit ako sa book shelf nya at nakita ang ilang album meron sya. May mga sticker ditong nakasulat sa bawat gilid nito. Elementary, high school 1, high school 2, high school 3, college 1, college 2, college 3 at dont touch KC!" napangiti ako, kaya kinuha ko ito.

Pagbukas ko, napangiti ako nang makita ko ang pangalan ko. Khan Cali. Pagbukas ko palang nang unang page, bumungad sa akin ang mga picture ko na ginupit mula sa school news paper, may nakasulat itong 'Mr. Captain Boy'. Marami mabilis kong binuklat ang mga pahina nito at napangiti ako nang makita ang isang graduation picture ko sa College.

"saan nya kaya nakuha ang mga ito?" tanong ko sa isipan ko.

Naisip kong kunin ito at dalhin pauwi, inipit ko sa mga dadalhin nyang libro ang album para mamayang gabi ay may magawa kaming pareho.

Nagkunwari akong walang nakita nang pumasok sya ulit sa kwarto nya.

"okay ka lang?" tanong nya sa akin. Tumango ako at napatitig sa mga mata nya pero agad naman syang umiwas. Now i know wife!

Hindi talaga ako kayang titigan sa mata ni Zarra, hindi sya makatagal, lagi syang napapayuko at napapatawa. Ngayon alam ko na kung bakit?

My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon