CHAPTER 50 - Forgiven

4.7K 97 1
                                    


CHAPTER 50 

(ADIL'S 9TH POV)

After magrant ang resignation ko, agad akong umuwi. Parang gusto kong liparin ang pagitan ng mga ulap para lang mas mapabilis ang lahat. Isang linggo na akong hindi kinakausap ni Zarra, sabi ni Omie ay umuwi sya sa kanila. Kinakabahan ako, ayaw kong masira ang pamilya. Ayaw kong maghiwalay kami para lang sa kagaguhan ko.

Pagdating ko sa bahay balot ito ng katahimikan, parang nagluluksa ang lahat. Dumiretso ako sa kwarto at tama nga ang sinabi ni Omie wala akong Zarra na madadatnan sa bahay.

"Omie tulungan mo ako, i need to talk to her" kinukulit ko si Omie na tulungan akong pabalikin si Zarra sa bahay para makapagpaliwanag ako.

"Adil, kagustuhan ni Zarra na sa kanila muna tumira. Buntis ang asawa mo at maawa ka naman nangayayat na yun sa kakaiyak dito" nasa garden kami, naggagansilyo si Omie.

"Omie, anong gagawin ko?" Umupo ako sa tabi nya. Napasabunot ng buhok. Sa unang pagkakataon ngayon lang ako humingi ng tulong sa mga magulang ko. "Omie, alam kong kayo lang ni Abie ang makakapabalik sa kanya dito sa bahay. Please Omie, gusto kong makita si Zarra" hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Adil anak" hinaplos nya ang likod ko, gaya ng dati tanging sa kanya lang ako nakakaiyak ganito. "may tamang panahon para magkita at magkausap kayo. Hindi natin pwedeng pilitin si Zarra na bumalik dito, buntis ang asawa mo at kailangan nya rin ng lakas para sa anak nyo"

Nabalot kami ni Omie ng katahimikan, tama si Omie. Hindi ko pwedeng ipagpilitan kay Zarra na umuwi dito sa bahay dahil ako ang mali, alam kong nasasaktan sya. Alam kong malaki ang kasalanan ko.

Nakipagkita ako ay Clark at Lester. May pag-uusapan kaming business na inaalok ni Lester sa akin. Nasa isang open grilled house kami.

"Okay na kayo?" nangunot ang noo ko sa tanong ni Clark. Alam nila ang nangyari, they are my friends kahit mali ako, they are on my side.

Umiling ako. "im still waiting for the right time"

"wow! Tamang panahon? Aldub lang tol?" tawa ni Lester.

"anong Aldub?" nangunot ang noo namin ni Clark.

Natawa sya, "pasensya na" yung asawa ko kasi yan ang sinusubaybayan sa TV.

Napatawa kami ni Clark. "Tangina bro, ang asawa mo o ikaw?" natawa kami ni Clark. Minsan narin namin kasi syang nahuli na may inaabangang teleserye noon everynight way back to college.

"dont worry bro, that secret still safe with us" natatawang sabi ni Clark.

Buti nalang at hindi pikunin si Lester, puro tawa lang ang nagagawa nya.

"iba na talaga ang mga babae kapag naging wife na, si Lian parang nanay. Simula nang kinasal kami sobrang bait, paggising ko may kape na ako at handa na ang damit ko. Para akong buhay hari sa bahay, pero basta nanonood sya ng TV hindi mo ngalang maistorbo, lalo na kapag crush nya ang bida" napatawa si Lester.

"well, ganyan talaga ang life bro! Kahit anong gawin mo, wala ka paring laban sa crush nya!" tinap ni Clark ang balikat nya habang nagpipigil ng tawa.

"salamat sa comfort bro" nagkunwari itong bakla at hinawakan ang kamay ni Clark na parang nagpapacute.

"F*ck! Stop it! Nakakadiri kayo!" tinapunan ko sila ng chips. Napailing ako sa tawa para sa kanilang dalawa.

"tol, si Zarra yan diba?" si Lester.

Bumaba sya ng kotse, si Mayet ang kasama nya. Pumasok sila sa katabing building at sa tabi lang nain sila umupo. Isang tinted glass lang ang pagitan namin. Kitang-kita ko sya mula rito sa kinauupuan namin.

My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon