CHAPTER 13 - Kaba

4.9K 117 0
                                    

CHAPTER 13

Naging abala ako sa pagvovolunteer sa Center for Special Kids. Habang bakasyon pa ay dito ko itinuon ang panahon ko para hindi mamiss si Adil ng sobra-sobra.

Kahit kasi magkausap kami halos gabi-gabi, hindi parin sapat. Nakakatulog ako sa kakaiyak dahil sa pagkamiss ko sa kanya. Nangilila ako sa mga lambing nya sa akin sa Dubai.

Enrollment ngayon. At graduating na ako sa masteral. Thesis nalang itong eenrol ko at ilang sunject sa isa ko pang major. Pagkatapos nito, magfofocus naman ako sa pagtapos ng social work kong masteral, sayang kasi kung hindi ko tapusin malapit narin kasi yun.

"ang yaman oh!" bungad ni Mayet sa pagkababa ko sa kulay brown na pajero ni Adil. Hinahatid na ako ni Eman at ito ang kotse na pinapagamit niya sa akin. Ilang besis akong kumontra pero hindi tumalab kay Adil.

"naku nakisakay lang ako Mayet, hindi pa ako yumaman ng ganyan ka bongga" nakangiti ko namang sabi sa kaibigan ko. Wala akong pinagsabihan ng lahat ng pag-aari ni Adil. Kahit alam kong pwede na yang masabihan na milyonaryo dahil sa laki ng pera nya sa bangko. Hindi ko pagmamay-ari yun, kay Adil yun at pinaghirapan nya yun kaya dapat lang hindi ako makisawsaw don.

"yan talaga ang gusto ko sayo, humble kahit kumikinang na" pabiro nyang sabi sa akin na gad ko namang hinampas sa braso.

"ang gwapo pala ng asawa mo noh? Hindi ko talaga inakala na ganun ka gwapo yun. Nakakatakot na baka maagaw sya ng iba" aniya.

"naku! Hanggang ngayon Mayet hindi parin ako makaget-over sa kanya. Super nabigla ako nung nagkita kami sa airport, feeling ko mahihimatay ako sa presensya nya." kinikilig kong sabi.

"Ayyieee!" biro nito. "deserving ka naman na magkaroon ng gwapong asawa Zarra, maliban sa mabait ka at matalino. Ikaw nalang ata naiwan sa lugar natin na conservative parin." natatawa nyang sabi.

"mashaallah!" sagot ko naman

"nung pagkakita ko ng picture mo na nakatag sayo. Maniwala ka Mare, na bilaukan ako. Kinilig agad ako sa inyong dalawa." tinukoy ni Mayet ang litrato namin nung nasa Steak house kami. Nagulat din ako nung gabing tinag ni Adil sa akin yung picture na yun.

"ang sweet pa ng caption bading!" sigaw nito. "a date with my wife, cahrrooott!!" may kurot pa itong ginawad sa akin sa tagiliran ko.

"huwag ka ngang maingay, baka isipin ng iba nangunguha tayo ng atensyon" bulong ko kay Mayet.

Natawa sya. "atensyon? Marami ako nyan!" sabi nya na kinailing ko nalang.

Pumasok kami sa klase namin. Isa ito sa major namin sa master namin sa social work.

Sa kalagitnaan ng kalse ko, nakatanggap ako ng mensahe sa galing kay Adil.

Hubby:

Kolai, musta? Naihatid kaba ni Eman ng maayos?

Napasilip ako sa oras, alas nuebe ng umaga dito, alas quatro ng umaga naman don ngayon sa Dubai. Gising na sya, siguro ay nagpray sya galing.

Ako:

Yupz hubby, heheheh... I used your car. Sorry c Abie kc nag-insist.

Hindi ko pa naibalik sa bag, agad na syang nagreply sa text ko.

Hubby:

That is yours my wife, when we got married all that is mine was already surrendered to you! Hehehe. No worries, im happy you use it.

Ako:

Sweet naman ng Kolai ko! Thank you. Have class now. Text your later after class.

Hubby:

My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon