CHAPTER 44 - Wrong People

4.1K 109 4
                                    

sa lahat po ng nagtitiis magbasa nito... maraming salamat po... sana po suportahan nyo rin ito hanggang matapos.

CHAPTER 44 

Nagkulong lang ako sa kwarto ko ng buong araw. Nawalan ako ng ganang kumain at lumabas. Umiiyak ako sa tuwing tutunog ang phone ko at  pangalan ni Adil ang nakikita ko.

Gustuhin ko mang maghunger strike, wala akong magagawa. May isang inosenteng buhay ang nasa tiyan ko na kailangan kong pakainin.

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng kaunting prutas at pagkain. Tahimik akong kumain sa loob ng kitchen, hindi ako sa dining table kumain para hindi ako makita nina Abie at Omie. Parang nakikiayon ang bahay sa akin. Walang umaaligid at walang makulit kaya malaya akong nakakalunok ng pilit para sa anak ko.

"pinahiya mo kami sa harapan ng kaibigan ko, sa harapan ng asawa mo at sa harapan ng mga manugang mo. Anong klaseng tao ka Adil? Hindi kita pinalaki para ipahiya ako!" umalingaw-ngaw ang sigaw ni Abie sa buong bahay.

Kanina ko pa naririnig ang pagtunog ng phone niya ngunit todo iwas din silang mag-asawa.

Binilisan ko pagkain ko at bumalik na sa kwarto. Tahimik akong nagbabad sa tub at nagpahinga.

Halos isang linggo din akong nagkulong sa kwarto. Bumibisita si Mama at Papa pero hindi ko sila hinaharap. Ayaw kong umiyak sa harapan nila. Ayaw kong makaramdam ng awa mula sa mga desisyon nila para sa amin.

Hindi mali ang maging asawa si Adil, ang mali ay ang nagloko sya.

ADIL POV

Maaga akong umuwi galing sa trabaho, balak ko sanang makipag-usap kay Zarra lalo na't ngayon ang araw na malalaman ko na ang kasarian ng magiging anak ko.

Pagdating ko sa bahay, hindi na ako nagulat nang maabutan ko si Celine sa pad ko.

Sinalubong nya ako ng halik, gaya ng dati nyang ginagawa. Minsan sinasakyan ko nalang para maidsan ang pangangailangan ko bilang lalaki.

Pagod akong natutulog nang ginising ako ni Celine.

"babe, who are they?" tanong niya. Hindi ko na sana papansinin pero ginising nya ako ulit at nilapit sa akin ang tablet ko.

"they called you many times, who are they?" inis nyang tanong sa akin. Kinusot ko ang mga mata ko at umupo. Wala pa akong saplot dahil sa kakatapos lang may nangyari sa amin ni Celine.

"F*ck-Sh*t!" mura ko nang makita ang buong pamilya kong nakatitig sa akin. ang nakayukong si Zarra ang un akong nakita hawak ang isang papel.

Binitawan nya ang hawak nyang papel at umalis. "Zarra!" tawag ko ngunit galit na mukha lang ng mga kapatid nya ang nakita ko hanggang sa nawala na ang tawag.

"bakit mo sinagot?" galit kong tanong kay Celine. "Tang*na naman Celine!" naiinis na ako. Pumayag na ako sa gusto nyang mangyari pero hindi na pati ang pamilya ko sisirain nya.

"malay ko ba kung sino sila, duh?" galit nyang sagot. "mabuti nang malaman na nila na nagsasama tayo dito dahil pagod narin ako sa ganitong set-up!" sigaw nya.

Nangunot ang noo ko. "walang tayo Celine!" napaatras sya sa sigaw ko. "Tang*na mo!" sigaw ko. Nagulat sya, oo nagulat sya dahil sa unang pagkakataon nakita nya pano ako magalit. "pumayag ako sa sa gusto mong mangyari kahit alam kong marami tayong nalulukong tao. But it doesnt mean i will commit to you!" inis kong sabi.

"Babe!" hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at nagsimula na syang umiyak.

"please stop Celine! Hindi ko na alam ngayon ang gagawin ko sa gulong ginawa mo!" mahinahon kong sabi sabay pwersahang alis ng mga kamay nya sa akin.

My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon