CHAPTER 38 - ADIL'S POV : the continuation

4.6K 111 1
                                    

CHAPTER 38 

Nagsimula nang kumanta si Jarra, maganda din pala ang boses nya. Kahit medyo may tunog bata pa ito ngunit nakakagaan din naman pakinggan. Masaya nyang kinakanta ang Love story na pinasikat ni Taylor Swift.

Nagpalakpakan ang mga tao dahil sinasabayan ito ng mga pictures nilang magkakapatid na pinapakita sa screen.

Lumingon sya sa likuran nya at ngumiti kay Zarra, nagpapatuloy lang ito sa pagtunog ng piano.

Napaangat ako nang ulo mula sa pagayos ng camera ko nang kumanta sya habang tumutugtog.

"Go Zarra!" sigaw ni Clark at Keith. Ngunit seryoso parin sya sa pagpapiano nya. Habang si Farra naman ay napapangiti ngunit nagpupunas na ng luha sa mga mga mata nya.

Ilang besis kong kinunan ng litrato si Zarra hanggang sa matapos nya ang chorus. Ilang ulit pa silang nagduet sa chorus ni Jarra. Hanggang sa natapos ang kanta.

Masaya silang tumayo sa harapan at tinawag ang presensya ni Farra na kinagulat nya naman.

Hindi maganda ang pagsabay sa makamundong musika ngunit pinalampas ito ng mga magulang nila dahil kahilingan ito ni Farra.

Para silang Trio na nakatayo sa harap ng tig-isang microphone.

"this is our favorite song, we love to sing this everytime were having sister's bonding" si Jarra ang nagsabi na kinatawa ni Farra at Zarra.

Nagsimula nang tumunog ang music at si Zarra ang naunang kumanta.

(Im a queen 'HIJAB' by Jade)

Nakangiti silang kumakanta habang ang mga tao ay nagpapalakpakan. Background nila ang mga litrato nila simula pa nung bata sila.

Paminsan-minsan ay naluluha si Farra at Zarra ngunit pinapatuloy parin nila ang pagkanta.

Hanggang sa natapos nila ang kanta nila at sabay-sabay silang nagpasalamat sa mga palakpak ng mga tao.

Inabangan ko sya sa gilid ng stage para alalayan sya sa pagbaba nya sa hagdan. Nahihiya syang natatawa na para bang ngayon lang sya nakarealized ng nagawa nya.

"samahan mo muna ako, nasi-CR na talaga ako" bulong nya.

Nasa labas ako ng CR habnag nasa loob sya, hawak ko ang bag nya at phone.

"Hi Babe" si Venice, nakatayo sya sa pintuan ng CR at kagagaling nya lang sa loob.

"are you waiting for me?" nakangiti nyang sabi.

Pinilit kong huwag syang pansinin pero lumapit parin sya sa akin. "mauna naraw tayong bumalik doon, may pag-uusapan paraw si Zarra at Jarra sa loob" pinaikot nya ang kamay nya sa braso ko at hinila ako pabalik sa loob.

"wait, antayin ko nalang sila dito. Mauna kana" sabi ko at binawi ang kamay ko sa kanya.

"natatakot kaba Adil? I thought were friends?" sabi nya na kinataas ng isang kilay ko.

"yup we are, but im a married man Venice. Please stay away from me" tumalikod ako at bumalik sa malapit sa banyo.

Lumabas sya at luminga sa paligid, alam kong hinahanap nya ako. Itinaas ko ang isang kamay ko para makuha ang atensyon nya.

Naglakad syang nakangiti sa akin. Masyado ko na syang mahal para iwan ko at lokohin. Napangiti ako nang napahawak sya sa lil'bump nya at dahan-dahang naglakad palapit sa akin.

Hindi ko na napigilang yakapin sya nang makalapit sya sa akin.

"Kolai, nagugutom na naman ako" bulong nya na may tunog na parang nahihiya sya.

Tumango ko, "no problem wife, anong gusto mong kainin?" tanong ko.

"Gusto ko sana ng pritong hotdog na may marshmallow" tulis nguso nyang sabi na kinatawa ko. "parang bata lang?" sabi ko na agad namang kinapula ng pisngi nya.

"Let's go" hinila ko sya at pinasakay agad sa kotse.

"baka hanapin tayo?" sabi nya.

Umiling ako, "sinabihan ko na si Jarra na sumama ang pakiramdam mo".

"huh?" nanlaki ang mga mata nya. "baka lalo mag-alala sina Mama at Papa nyan"

"si Jarra na bahala, para sa pamangkin nya dapat masabi nya ng maayos" sabi ko na kinakunot ng noo nya.

Gusto ko lang naman masolo ang asawa ko, sa susunod na araw Ramadhan na at mahihirapan na akong maglambing sa kanya kasi bawal na magsama ang mag-asawa tuwing nagpupuwasa. Mahahawakan ko lamang sya kapag nag-iftar na at matatapos na ang buong araw na pagsasakripisyo.

Nagmaneho ako habang hawak ang isang kamay nya. Nasa bintana ang mga mata nya at inaalam kung saan kami pupunta. Hanggang nakaidlip sya. Napapadas na ang pag-idlip nya lagi. Sabi naman ng OB nya normal lang raw sa mga buntis ang laging inaantok.

Itinigil ko ang kotse ko sa isang restaurant na over view ang buong city.

"Kolai, were here!" mahina kong sabi para hindi sya magulat.

Pinagmasdan ko ang makinis nyang mukha at natural na mapulang labi nya. Ang matangos nyang ilong at mahahaba nyang pilik mata. Kung magiging babae ang anak ko sana maging kamukha nya.

Hinaplos ko ang pisngi nya at naalimpungatan sya kaya nagising.

"were here!" nakangiti kong sabi sa kanya.

Iginala nya ang mata nya sa paligid at nakita ang magandang view na nasa ibaba namin.

"were here!" masaya nyang sabi na pinagmulan ng pagkunot ng noo ko. "why? First time?" tanong ko sa kanya.

Nagpout sya at tumango. "we are not allowed to go here, malayo raw kasi sabi ni Papa at madalang lang ang tao rito.

Hinawakan ko ang kamay nya. "lets go, you must taste their specialties here" sabi ko na sya namang excited nyang pagtango.

Kaibigan ko ang may ari nito. Mayroon din kasi syang branch nito sa Dubai. Floating Cafe. Pagkapasok palang namin, nabighani na agad si Zarra sa magandang disenyo at ambiance ng cafe.

Pinili ko ang magandang spot na bakante para sa maenjoy nya ang pagkain. Pinag-order ko sya ng frappe, tacos at shawarma. Sarap na sarap sya sa kinakain nya.

"ang sarap ng food nila, fantastic!" masaya nyang sabi habang nagpupunas ng tissue sa bibig nya.

"kaibigan ko ang owner nito, meron din kasi siyang branch nito sa Dubai" sabi ko habang pinagmamasdan syang nakangiti.

"really? Galing naman!"

"ikaw, anong gusto mong business?" tanong ko sa kanya. Napaisip naman sya na parang nahihirapan pa siya.

"wala, hindi ako magaling sa business. Pasensya na" nahihiya nyang sabi. "ikaw?"

"im planning to build an apartment, pad or town houses and gagawing parentahan" - ako.

"okay din naman yan, mahilig ka talaga sa real state noh?" nakangiti nyang sabi. "buti kapa my gift sa business, samantalang ako walang talent ni isa."

"anong wala?" nangunot ang noo ko. "ang galing mo ngang magpiano kanina eh, at tsaka maganda pala ang boses mo Kolai" bati ko na syang pinagmulan ng pagblush nya.

"Audo billah!" nahihiya nyang pagrebuke. "haram nga eh!" sabi nya na pinagmulan ng tawa ko.

Sa Islam, bawal ang kumanta na hindi para sa Allah, pwede itong pagmulan ng pagkafitna ng mga tao sayo at maging daan ka na makalimutan nila ng Allah.

"its okay, you did that naman for your Ate ang not for your own sake." kinurot ko ang dulo ng ilong niya na kinatawa nya. "im lucky to have you" sabi ko at nagtakip sya ng kamay sa mukha.

"hindi ako nagsisi na ikaw ang binigay ng Allah sa akin" seryoso kong sabi ngunit sya nakatakip parin ang mukha na parang bata dahil sa tuwing maglalambing ako sa kanya. Nahihiya siya.





My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon