CHAPTER 28 - Bad Scene

4.5K 105 0
                                    

CHAPTER 28

Nasa loob na kami ng cottage, humiga ako sa bed pagkapasok namin, sa pinakadulo ang nakareserve sa amin ni Adil.

"Alam mo ang galing ng nagdesign ng mga cottage nila" basag ko sa katahimikan namin ni Adil.

"Tito ni Lester ang gumawa nito. Magaling talaga yun" walang gana nyang sabi.

"Kilala nyo pala si Venice hubby?" tanong na hindi nya sinagot. "you know what, noon lagi syang pumupunta sa bahay pero noong nagcollege na sila ni Ate lagi na silang nag-aaway kaya minsan ko nalang siya nakikita after college nila ni Ate.

Wala parin akong narinig mula kay Adil. Nakaupo sya at nakapatong ang kanyang mga paa sa mesa na gawa sa rattan.

"siguro naging girl friend sya ng mga kaibigan mo noh?" natawa ako sa tanong ko pero umiling lang si Adil sa akin at nagpikit ng mata.

"pasensya kana kung madaldal ako, nakalimutan ko palang pagod ka" sabi ko at umupo sa tabi nya.

"thank you for bringing me here, masaya ako namet ko rin ang mga friends mo sa wakas" sabi ko na kinangiti nya.

"im happy na masaya ka ngayon dito" sabi nya lang at napayakap din ako sa kanya.

Alas tres ng hapon nang maisipan ngtropa ni Adil na mag jet-ski, kaming mga babae naman ay nagpaiwan lang sa sun lounger at nagmamasid sa kanilang naghahabulan sa gitna.

Naagaw ng barkada ni Venice ang mga mata namin nang magtampisaw sila sa tubig suot ang mga sexy nilang bikini. Nagmukha silang mga modelo at foreigner sa dagat, maraming nakaagaw ng pansin sa kanila.

"Bitches on the beach!" rinig kong bulong ni Lian kay Diane na kina iling nito. Napatitig narin ako sa kinaroroonan nina Venice. Napangiti ako nang makita kong kumaway sya kina Adil.

Sinigaw nya ang pangalan ni Adil nang papalapit sa dereksyon nya ito at kumaway sya na para bang pumapara sya ng taxi.

Napaupo si Diane at Lian nang makitang pinasakay sya ni Adil sa likuran nito. Nawala ang ngiti ko nang yumakap sya kay Adil at sinama sya nito sa pakipaghabulan sa mga katropa nito.

"is she really starting on something?" inis na tanong ni Lian na inalis pa ang suot nyang sun glasses.

"come on Zar, its not good to display here much like that!" sabi ni Diane nang kinuha nito ang hinihigaang sarong nya.

Tumayo rin ako at sumunod sa kanila. Lumingon ako sa dagat at nakita ko gano kalaki ang mga ngiti ni Venice at Adil habang sumasakay sa Jet-ski.

Pinilit kong ibahin ang tumatakbong hinala sa isipan ko dahil alam kong walang bahid na kung ano ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Nagpunta kaming tatlo sa Souvenir Shop. Bumili ng upper tank si Diane para raw mamayang gabi kaming tatlo maliligo, maganda raw ang dagat kapag gabi kasi tahimik at malamig.

"ikaw Zarra, may masusuot ka na ba para mamaya?" tanong ni Lian.

Yumango ako, "may dala akong rush guard at leggings" sabi ko na kinangiti nilang dalawa.

"very conservative!" nagwink si Diane sa akin at nagpili ulit ng iba pang kulay.

"si Farra dati nakashorts lang sya kapag may mga ganito kami" sabi ni Lian.

"open minded si Ate, hindi naman sya kasing balot ko" natatawa kong sabi ko na kinatawa narin nila.

"sabagay, hindi nga sya nagsusuot ng veil diba?" tanong pa ni Lian.

Umiling ako, ayaw ni ate na natatakpan ang maganda nyang buhok.

Nagpalit ako ng pantalon na nakatupi hanggang taas ng paa ko at pull-over, nagveil ako pero hindi ko na nilagyan ng pin.

Sabay kaming kumain sa barkada. Gaya ng dati, maingay parin ang mga lalaki pero this time kasama na namin ang barkada ni Venice.

"Adil-Sugar!" sigaw ni Venice pagkapasok namin sa Grilled house. "here!" tinuro nya ang bakanteng upuan sa tabi niya.

Uupo na sana ako sa tabi nya nang tinuro nya ang bakanteng upuan sa tabi ni Clark. "Don ka Sugar" sabi na at pinagitnaan namin si Adil.

Inunahan nya akong maglagay ng kanin sa plato ni Adil na parang wala lang sa kanya at halatadong sanay na sanay na sya.

Inilipat ko ang mata ko sa mga pagkaing nasa harapan namin, puro sea foods lang ang naroon. Kumuha ako ng crabs para ilagay na sana sa plato ni Adil pero inunahan nya ako at nilagyan niya si Adil ng bangus.

"Sugar, Adil is not eating Crabs" sabi nya na natatawa pa. "ganun ba?" nakaramdam ako ng hiya pero nagulat ako nang inabot ni Clark ang plato nya sa akin.

"akin na paborito ko yan" sabi nya, alam kong sinasalo nya lang ako para hindi mapahiya.

Nilingon ko si Adil, nakangiti syang nagtuturo ng mga ulam kay Venice at napapansin ko ang pagsikip ng distansya nilang dalawa.

Nabigla ako nang nilapag ni Clark ang ihaw na pusit sa plato ko. "diba paborito mo to?" tanong nya na kinabigla ko naman.

"pano mo nalaman na paborito ko yan Dok?" nangonot ang noo ko sa kanya.

"i just know!" nakangiti nyang sabi pero hindi parin naayos ang kunot sa noo ko. "instinct, maybe?" sabi nya na kinailing ko.

Pagkalingon ko kay Adil, nag-abutan ko ang mga mata nyang may kakaibang titig.

Kumakain na kami nang napansin ko ang kamay ni Venice na nakapatong sa tuhod ni Adil. Halos silang dalawa nalang ang nag-uusap.

Sinikap kong huwag magpahalata sa nakikita ko kahit na may kakaibang karera na sa dibdib ko.

"heres!" inabot sa akin ni Dok Clark ang buko pandan shake na kakaserve lang ng waiter.

Napangiti ako at napailing nang sa kanya. "huwah kanang magtanong pa, puro yan nalang ang flavor na hinahanap mo noong nagbabyahe tayo for mission" sabi nya na kinagulat ng lahat.

"ang sweet nyo, are you couples?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Venice. Mabilis akong umiling at ganun din si Clark.

"she's the wife of ADIL!" madiin nyang binanggit ang pangalan ng asawa ko at tsaka lumingon sa akin.

Nagulat ang nagtanong sa sagot ni Dok Clark.

"So your the wife of Adil?" tanong nya ulit at tumango ako. Paglingon ko kay Adil ay nakayuko lang ito na para bang kinahihiya nya ako.

"you know, parental thingy!" biglang sabi ni Venice. Napayuko ako at nakita ko pano pinagsalikop ni Venive ang mga kamay nilang dalawa sa ilalim ng mesa.

"you mean, you dont undergo courtship?" tanong pa nung isa nilang kaibigan. Umiling si Adil at napanganga ako. Nakita ko pano naman nagpikit ng mata si Clark.

"its a normal tradition in their culture, their boys can marry until four women!" masayang sinabi ni Venice na kinagulat ng mga kaibigan nya.

"so you mean Adil you can remarry again?" tanong ulit ng kaibigan ni Venice.

Tumango si Adil. Napangiti ako at napailing habang ang mga kaibigan naman ni Adil ay napatahimik nalang.

"excuse!" tumayo ako at nagpunta ng banyo.

Ilang besis akong naglabas ng malalim na hininga, nangilid ang luha ko pero sinubukan kong pawiin ito at magpakalakas.

Paglabas ko ng Banyo, bumulaga sa harapan ko sina Lian at Diane.

"dont worry about that, ganyan talaga si Adil basta nakokorner lalo na kapag bad scene ang kinatatayuan nuya" sabi ni Lian.

Napangiti ako, "awkward pala ng ganito, you appear in the present and you have no idea what behind his past" sabi ko at umiling.

"cheer up ano kaba?" sabi ni Dian at inakbayan ako. "maligo nalang kasi tayo sa dagat habang kaunti pa ang tao" sabi naman ni Lian na kinangiti ko.



My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon