CHAPTER 26 - Tawanan

4.6K 132 1
                                    

CHAPTER 26

(Adil's 3rd POV)

Magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko ngayon, reunion namin after two years na hindi ako nakauwi.

Pumasok ako sa locker room namin at pinanood ang asawa kong nag-aayos ng kanyang hijab.

Nakasandal ako sa wall habang pinagmamasdan syang mula ulo hangang paa. Sa suot nyang pares ng pakistani na kulay mint green at yellow na gaing sa mga pasalubong ko sa kanya, mas tumingkad ang simpleng ganda ng asawa ko.

Lahat ng suot nya ay bumabagay sa kanya, naglalaro sa 5'6 ang height ni Zarra, maputi nya at makinis kahit walang make up ay maaliw ka sa kanyang mukha dahil sa mapupugay nitong mata at makapal na mga pilik mata. Matangos ang kanyang ilong at makurba ang kanyang katawan. Kahit maluwag ang suot nya, malalaman mo paring nagtataglay ito ng magandang katawan dahil sa mahinhin ito at parang modelo maglakad.

"ano na naman ang mga titig na yan Adil?" nakanguso nyang tanong sa akin. Napangiti ako at umiling.

"gusto ko nang magkaanak na tayo para may makakasama kang makulit dito" sabi ko habang yakap siya mula sa likuran nya at kaharap ang salamin. Hanggang baba ko ang lang si Zarra. Kaya naaliw akong kayakap sya kasi napapalong ko ang baba ko sa ulo nya.

"pressure na ba yan?" tanong nyang nakanguso parin. Umiling ako at ngumiti sa kanya habnag pareho kaming nakaharap sa salamin.

"kung kelan ka ready Kolai" sabi ko at napangiti naman sya.

Sa isang cafe ang parehong punta namin. May meeting si Zarra kasama ang mga kaklase nya para sa finals nila at ako naman ay makikipagkita sa mga kaibigan ko.

Nasa beywang nya ang mga kamay ko nang makapasok kami sa loob ng maliit na restaurant.

Nauna syang pumasok at hinanap ang mga kaklase nya. Napangiti sya nang may kumaway sa kanya na babae.

"hubby doon ako" tinuro nya ang kinauupuan ng mga kaklase nya. Tumango ako nang makitang nasa tabi lang din kami at hindi kalayuan buhat sa mesa nila.

Naglakad sya papunta sa mesa nila na may ilang lalaki rin ang nandoon at maingay.

Umupo si Zarra sa gitna ng dalawang babae at nakipagkwentuhan ito agad.

"the newly not available man anymore" sigaw ni Lester habang papalapit ako sa mesa nila.

Mga kaibigan ko sila since high school, kaya halos magkakapatid narin ang turingan namin.

Umupo ako sa gitna ni Keith at Lester na syang mga pinakamakulit at mga babaero sa grupo namin. Kami ni Clark ang mga seryoso type sa grupo habang si Miko naman ang pinakamabait sa lahat.

"bro ang saklap naman ng ginawa mo, nagpakasal ka na hindi kami imbitado? Pano ka nakalunok ng cake habang wala kaming kaalam-alam na nagpatali kana pala?" sabi ni Keith.

"oo nga bro, nakuha mo pang maghoneymoon na hindi kami kasali?" gatong pa ni Lester.

Natatawa ako sa dalawang ito. Sa aming magbabarkada, si Keith ang laging nakakakuha ng atensyon dahil sa kakulitan nya. Isa na syang NBI Junior inspector ngayon. Samantalang si Lester naman ay may sarili nang business. Sa kanya kami kumukuha ng mga sasakyan. Yun kasi ang family line business nila. Chinese ito at gwapo sana kung hindi lang din kalog ang utak minsan.

Si Clarkson ang naging doctor sa amin. Tulad ko tahimik lang din ito ngunit sabay sa agos ng trip ng dalawang ito.

Si Miko naman ang architech sa amin. Nauna na syang magkapamilya kasi after college ay pinakasalan nya agad ang girlfriend nyang since high school.

"wag kayong mag-alala wala din ako sa kasal ko nasa trabaho ako, alam nyo naman sa amin" nakangiti kong sabi.

"kahit, sana manlang isa sa aming tatlo ang pina represent mo bro" sabi ni Keith. Natawa kaming lahat.

"kaya nga hindi ko kayo ininvite, baka ibang apilyedo ang masulat mo sa marriage certificate" sagot ko sa kanya.

"toma!" pabaklang sabi ni Lester. "sa ganda pa naman ni Zarra baka makapag convert ako ng wala sa oras" tawang sabi nito.

Napatingan ako sa harapan ko, kita mula rito ang kinauupuan ni Zarra. Busy ito sa kakasulat ng pinagmemeetingan nila.

"kaya nga iniwas ko na" sabi ko.

"nung pumasok sya sa clinic ko bro, nabigla ako. Si veil girl ba to?" kwento ni Clark. "tapos hinanap ko ang pangalan nya sa list ng mga students na sasama, wala namang Omar don, akala ko nga pinsan mo sya kasi may Cali sa list" napailing si Clark.

"kaya tinanong mo kung kaano-ano nya si Adil?" seryosong tanong ni Miko.

Tumango si Clark. "pagsagot nyang asawa nya si Adil napatayo ako sa upuan ko. Tangina! Nagpakasal na hindi tayo inimbita!" dagdag pa nito na parang galit.

"ang saklap mo bro!" si Kieth. "pano mo natiis na hindi kami inimbita o hindi kami binigyan ng senyales?" pabiro nya akong binatukan.

"sayang bro, kung alam ko lang sana naregaluhan pa kita ng MUX." biro ni Lester. Natawa kami, halos mabilaukan naman si Keith sa sinabi ni Lester.

"Tangina, ni libre nga hndi mo magawa MUX pa?" sigaw ni Clark na kinatawa naming lima.

"okay lang bro, baka naman poster lang ng MUX ang ibibigay nya" sabay high five ko kay Clark.

"totoo hindi ako nagbibiro!" seryoso nyang sabi na mas lalong kinatawa namin.

"sige nga, magpapakasal ako bukas bibigyan mo ako ng MUX?" hamon ni Keith.

Natahimik ang lahat, hinintay namin ang sagot ni Lester. "BMX lang pala ang available ngayon sa shop namin" natawa kaming lahat. Tangina!

Ganito kami ka sira ulo. Kung magsama-sama kami para kami ang may-ari ng tinatambayan namin.

Napatahimik kami nang napansin naming naparami ata ang napatingin sa mga hiyawan namin. Idinako ko ang mga mata ko kay Zarra na busy itong nakikinig sa meeting nila.

Napasarap pa ang kwentuhan namin, halos sumakit na ang mga tiyan namin sa kakatawa dahil sa mga walang kupas na mga biruan namin.

"huwag mong kalimutan bukas ang overnight, kailangan madala mo yang misis mo at ma pakilala mo sa amin" si Miko. "dadalhin ko rin ang asawa ko para may makasama sya at makausap" dagdag pa nito.

"sige isasama ko rin si Lian" sabi ni Lester. Fiance nya si Lian. Girlfriend nya ito since college.

"Clark isama mo yung girlfriend mong kakabreak mo lang!" kantyaw ni Keith. "isasama ko rin yung bagong girlfriend ko" napailing ako sa kayabangan ni Keith, kaya siguro until now walang sumeseryoso sa kanya kasi panay parin ang pagpapaandar nya sa aircon nyang nakakabit sa likuran nya.

"gago!" mura ni Clark. "ano pala kung ako lang ang pupunta mag-isa, malay mo don ko makilala yun!" napangiti ito sa akin.

"oo meron don bro, serena!" tawa ni Keith.

Napansin kong napatayo na ang ilan sa mga kasamahan ni Zarra sa mesa nila. Napangiti sya sa akin, parang senyales nang gusto nya nang umuwi.

"sige, bukas nalang ulit tayo magkita. Fix time and place ha?" sabi ko sabay tayo.

"cge bro!" sabay nilang sabi. Nakita ko pano nila sinulyapan si Zarra.

"ang mga mata!" sabi ko habang nilalahad sa waiter ang bayad ng kinain namin.

Natawa ang tatlo kong kaibigan. Alam kong hanggang ngayon ay takot parin sila sa akin.

My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon