CHAPTER 8 - My Plan Works

6.1K 154 3
                                    

CHAPTER 8

Kumain kami sa isang steak house. Umorder sya ng kebab at grilled vegetables at famous specialty nilang beef steak.

Magkaharap kaming kumain. Nahuhuli ko sya minsan na nakatitig sa akin at nakangiti at sa tuwing magkasalubong ang mata namin napapangiti sya.

"what?" tanong ko sa kanya nang mapatitig sya sa akin. Umiling sya at ngumiti.

"i cant really believe your here!" sabi nya. "then believe!" sabi kong natatawa.

Kumain kami pero panay ang tinginan namin. Nagkakahulihan pa kami minsan pero i tried to ignored it. Nakakahiya. Nagtatanong sya, pero tipid naman akong sumasagot sa kanya.

Nilabas nya ang phone nya at nagpakuha ng picture namin together sa waiter bago kami umalis at nagpunta na sa hotel na nireserba nya para sa amin dalawa.

Kabado akong pumasok sa room na kinuha nya, honeymoon ba toh?

Tahimik lang kaming pumasok, hawak ko ang bag ko sa balikat at nahihiyang isinara ang pintuan.

Pagpasok ko, nakita ko syang nakatayo sa harapan ko na seryoso ang mukha. Napatingin sya sa suot kong floral square pants at lacy blouse na may dark green blazer coat.

Napayuko rin ako sa sarili ko para tingan kong anong meron. Nangunot ang noo ko, wala namang dumi ang damit ko ah.

Nakaita ko syang naglakad palapit sa akin. Nanginig na naman ako sa kaba.

"Alhamdulillah for my beautiful wife" sabi nya at napangiti nalang ako. Niyakap nya ako at hinalikan sa noo. Matagal kami sa ganoong posisyon. Magkayakap lang na parang sumasayaw kami. Dahil siguro sa tawagan namin araw-araw kaya kami naging feeling close sa isat-isa.

"bakit pala ibang picture ang nilagay mo na profile picture mo?" bigla kong tanong sa kanya.

"naisip ko lang, naisip ko kung tutuloy kabang magpakasal sa akin kung ibang picture ang ilalagay ko sa FB ko." nahihiya nyang sabi.

"so akala mo namimili ako ng gwapo?" tanong ko sa kanya.

Umiling sya. "ayaw ko lang na mag-expect ka ng sobra tapos hindi ko pala naibigay yun sayo" napakamot sya ng batok nya.

"alam mo naman na hindi ako ang dapat mong pakasalan diba?" seryoso kong tanong sa kanya.

Tumango siya, "kilala ko na si Farra since high school pero hindi kami magkaibigan at hindi nya ako kilala." nakatitig parin sya sa akin.

"Ayaw mo ba kay Ate? Bakit hindi ka nagpakilala?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"she's not my type since then" tipid syang ngumiti.

"did you like someone else?" tanong ko sa agad, ayaw ko umasa na magiging okay kami kung may iba naman pala syang gusto.

Tumango sya at yumuko.

Nabalot kami ng katahimikan bago ulit ako nagsalita. "is this your reason bakit hindi ka umuwi during wedding?" malungkot kong tanong sa kanya.

Umiling sya at napasinghap.

"kilala ko ba sya?" tanong ko, nabigla ako nang tumango sya at tumitig sa mga mata ko. "who?" nakipagtitigan narin ako sa kanya.

Matagal syang napatahimik.

"you!" at sumeryoso ang mukha nya. "its you whom i want to marry Zarra and not your Ate" nangunot ang noo ko sa narinig ko.

"when i first saw you during the anniversary kandori ng parents ko, i fell inlove with you. i fell in love on how you smile and live life so simply, i fell in love on how you keep your self conservative and continue the practices of Islam. I fell inlove on how you openly serve other people and expect nothing from return." nasalamin ko ang katotohanan sa mga sinasabi nya. "i fell in love with you and i dont know why?" seryoso ang mukha nya.

My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon