Chapter 5

174 9 6
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang mangyari yung attempted rape sa'kin ng tatlong bastardong unggoy sa isinumpang eskinita. Kung may ibang daan lang sana na malapit, hindi ko na kailangang dumaan sa lugar na 'yun kaso ang layo kasi eh. Para ko na ring inikot ang buong university 'pag ganun ang ginawa ko. May takot pa rin akong nararamdaman magpahanggang ngayon lalo na tuwing dumadaan ako sa pinangyarihan ng krimen kahit kasabay ko na lagi si Chanyeol.

Yeeup, you read it right. Madalas ko ng kasama ang kapreng 'yun ngayon. Sabay kaming papasok sa school habang nakahawak ako sa braso niya lalo na pagdadaan kami sa litsing eskinita. Pagdating sa school, mang-iinis ulit siya lalo na kapag kasama ko si Myungsoo. Pero pag-uwi, back to holding-on-to-his-arm ang peg ko na parang wala siyang kalokohang ginawa earlier that day. Desperate measures.

Pero kahit pa ganun, Siya 'yung taong umalalay sa'kin nung halos hindi ako makakilos ng matino na hindi umiiyak o nagsisisigaw. Halimbawa, nung mismong araw na nangyari 'yun at tinulungan niya ako..

[Flashback]

He carried me bridal-style to my unit when I wasn't able to walk because my knees turned jelly. Pinagtitinginan nga kami ng ibang tao simula pa lang sa lobby ng building at tinanong kung ano ang nangyari sa'kin pero dire-diretso lang siya sa paglakad, walang makakapigil.

Dahan-dahan niya akong ibiniba sa sofa nang makapasok kami sa loob. Hinawakan ko agad ang braso niya nung akma niya akong iiwan. "C-Chanyeol..", humihikbi kong tawag sa kanya.

Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. "Kukuha lang ako ng tubig na maiinom mo, okay? I'll be back", he tucked some hair blocking my face behind my ear.

Tumango ako at ngumiti siya sa'kin bago tumayo at pumunta sa kusina. Paglabas niya may dala na siyang tubig na agad kong ininom habang inaalalayan niya ang kamay kong nanginginig pa rin sa takot.

I can't stop crying even after how I saw Sehun, Kai and Tao beat the sh*t out of those bastards. Hindi ko alam kung ano na bang nangyari sa mga unggoy na 'yun pero ang sabi nila nakakulong na sila. I can still feel them all over me, harrassing and violating me while I'm being so powerless na kahit sa panaginip ay binabangungot ako.

That night I dreamt of everything that happened. Nagsisisigaw ako habang natutulog at narinig 'yun ni Chanyeol na nasa kabilang unit. Pumasok siya sa kwarto ko at ginising ako.

"Jae, calm down. It's just a nightmare", at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"S-Sila.. ginawa n-nila ulit. Natatakot ako.. a-ayoko--", he held my face with both of his hands and looked intently to my eyes.

"Shh.. hindi na nila gagawin 'yun sa'yo. Wala na sila", he said in a calm voice while wiping my tears away.

"Baka puntahan nila ako o k-kaya abangan at g-gawin ulit. N-natatakot ako, Chanyeol",
I shook my head and shut my eyes tightly as I tried to erase the nightmare away in my head. Nabigla ako nang yakapin niya ako at hinalikan ang buhok ko.

"I'll be here. I'll protect you, okay? I won't let them hurt you, I promise. So please stop crying." His hug tightened while rubbing my back trying to calm me down. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap siya pabalik. All I can do right now is trust his words.

He slept in my unit that night. Sa sofa lang ulit (if you *ehem* remember *ehem*) para daw mabantayan niya ako.

Hindi kami pumasok nun sa school kinabukasan pero sabi niya siya na daw ang bahala. Buong araw siyang nasa unit ko at binantayan ako. I didn't felt uneasy nor awkward to his presence. Nung sumunod na araw, nagulat ako nang bigla akong hinila ni Myungsoo sa garden pagkatapos ng klase.

Only MINE [Chanyeol Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon