[Third Person's P.O.V.]"M-Myungsoo..", mahinang sambit ni Jae. Matipid na ngumiti sa kanya ang binata.
Hinubad nito ang coat niyang suot at saka ipinatong sa balikat ng basang-basang si Jae. Hinawakan nito ang pisngi niya at pinunasan ang mga luhang hindi matigil sa pagtulo.
"Let's get you home, Jae." She only nodded and let Myungsoo wrap his arm on her shoulder as he guided her to the parking lot of the school. Myungsoo assisted her first to get in the car before him. Pagkapasok ni Myungsoo sa sasakyan, inabot niya ang kanyang bag mula sa likod ng sasakyan at kumuha ng tuwalya. Inabot niya ito kay Jae pero hindi naman kinuha ng dalaga at nanatiling nakatulala habang humihikbi.
He sighed and decided to do it for her. Maingat niyang pinunasan ang mahabang buhok nito, ang mukha at braso saka ipinatong sa balikat ni Jae ang tuwalya kapalit ng coat niya.
Itinuro ni Jae kung saan ang daan papunta sa condominiun na tinutuluyan niya, wala na rin kasi siyang lakas na tumanggi pa sa alok ni Myungsoo na ihatid siya.
Nang makarating sila sa building, akala ni Jae ay hahayaan na siya ni Myungsoo. Pero nagulat siya nang nauna itong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto. Inalalayan din siya ni Myungsoo sa pagbaba ng sasakyan hanggang sa pag-akyat sa unit niya.
She was too pre-occupied with a lot of things inside her head she has no time to notice that Jae is already inside her unit, sitting on her couch. Bumalik lang siya sa realidad nang hawakan ni Myungsoo ang kamay niya at marahan itong pinisil. Nag-angat siya ng mata at sinalubong ang tingin ni Myungsoo.
"Jae, you need to change your clothes. Baka magkasakit ka pa kapag hinayaan mong basa ang suot mong mga damit", sabi ni Myungsoo na may pag-aalala. Kahit pakiramdam niya'y hinang-hina, tumango si Jae at pinilit na tumayo para sundin ang sinabi ni Myungsoo. Iniwan niya ang binata sa may sala at pumasok sa kanyang kwarto para kumuha ng mga damit pampalit.
Paglabas niya ng kwarto, sakto naman ang paglabas ni Myungsoo mula sa kusina habang may hawak na bowl na may lamang kung anong mainit sa loob.
"Umm.. pasensya ka na, ha. Nangialam na'ko sa kusina mo, instant noodles lang naman. Tara?", aya niya at naupo sa may sofa. She followed and sat beside Myungsoo who's already busy blowing a spoonful of noodles. She gave him a questioning look when Myungsoo offered the food to her like he's about to feed her.
"C'mon, hindi na gaano kainit 'yan", Myungsoo smiled.
"M-Myungsoo..", utal niya pero mas lumapad lang ang ngiti ni Myungsoo at iginiya ang pagkain sa kanya. Kahit nahihiya, isinubo ni Jae ang pagkain. Mas nakakahiya naman kung paghihintayin niya si Myungsoo na mukhang walang balak magpatalo. Myungsoo fed her until there's only few strands of noodles were left in the bowl. They stayed silent for a while, only the heavy rain and the strong blow of wind from the outside can be heard.
BINABASA MO ANG
Only MINE [Chanyeol Fanfic]
FanfictionDalawang taong pinag-isa ng kasal pero 'di magkaisa ng personal, Hanggang kailan kaya sila magpapakamanhid, Kung sa pagitan nila'y may namumuo na palang pag-ibig? "Whether you like it or not, you're mine and only MINE." Hindi ko siya mahal at ganun...