"Chanyeol", tawag ko. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa'kin.
"Ano?", tanong niya saka tinanggal ang shades niyang suot. Nakunot na ngayon ang noo niya.
"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad ng lakad, nakakapagod at ang init-init pa kaya", reklamo ko. Tiningnan niya lang ako, muling isinuot ang shades at naglakad palayo. Ako namang walang alam sa lugar, sunod na lang ulit sa kanya.
Alas-tres ng hapon at mainit pero heto kaming lakad ng lakad kung saan-saang papunta na hindi ko alam. Sumusunod lang ako sa kanya eh. Napagdesisyunan kasi ng parents namin na palibutin sa'ming dalawa ang lugar, mag-enjoy at mag-bonding habang nasa ibang lugar sila at nakikipag-transact sa investors. Dapat pala siguro sumama na lang ako sa kanila.
"Ito ba ang definition nila ng mag-enjoy? Ang pagurin at sunugin ako sa ilalim ng matinding sikat ng araw? I'd rather lock myself inside the room-- aray! Bakit bigla ka na lang tumigil?!", reklamo ko ulit. Nabunggo kasi ako sa dibdib niya nung bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap ulit sa'kin. Ang tigas ah, impernes!
"Wala ka na bang ibang alam kundi magreklamo? Why don't you try to look on the positive side of the situation you're into instead of stressing yourself complaining about everything?", he asked with brows furrowed.
"So tell me, Mister Optimistic. Where's the angle of the positive side you're saying in walking under the heat of the sun while going nowhere?", I asked and crossed my arms on my chest while raising a brow to him. He only shook his head in disbelief when a voice of a girl suddenly called his name.
"Chanyeol!", at parehas kaming napatingin sa direksyon niya. 'Yung totoo, Jae? Kailan mo pa pinalitan ng panglalaking pangalan ang magandang pangalan mo para makilingon ka rin kahit 'di naman ikaw 'yung tinawag? Ayy grabe ka, Kim Jaehee.
Kumaway sa'min 'yung babae at tumakbo papalapit sa pwesto namin. Nung maaninag ni Chanyeol kung sino ata 'yun, agad na nagliwanag ang mukha niya at ngumiti ng pagkalapad. Sino kaya 'tong si ghurl?
"Nicks! Anong ginagawa mo dito?", masiglang tanong ni Chanyeol at sinalubong ng mahigpit na yakap si Nicks na sinasabi niya habang sila'y masayang nagtatawanan. Edi kayo na ang happy, kayo pa ang PDA. Nasa kalsada kami oh, maraming tao. Ano aasahan mo? Diba? Diba?!
"Ako nga dapat ang magtanong sa'yo niyan eh!", nakangiti niyang sabi sabay hampas sa braso ni Chanyeol. Edi itanong mo na, nahiya ka pa ateng. "So, anong ginagawa mo dito?" Nice, narinig niya ata ako. Ang ganda mo talaga, Jae!
"Namasyal lang, sinama kami nila Dad dito. May meeting sila with the investors ngayon", he said with a derp smile.
"Teka.. kami? Kasama mo si Lara nagpunta dito?", tanong niya sabay sundot sa tagiliran ni Chanyeol. Mabilis naman siyang umiling.
"H-Hindi! Wala pa nga akong balita tungkol sa kanya eh", sabay hawak sa batok. At sino naman daw si Lara?
"Siya ba ang kasama mo? Sino siya, Chan?", sabay turo sa'kin ni Nicks. Kung makitawag ako ng pangalan ni ghurl FC lang? Umakbay sa'kin si Chanyeol.
"Nicks, this is Jae. My.. friend", tapos ngiti ng awkward. Yun na ata ang pinaka-convincing na gesture na nakita ko and it made me roll my eyes before looking at him with my eyebrow raised.
"Friend? Wow, hindi ako na-inform ah. Pssh.. ni hindi nga tayo close tapos ngayon friend?", I thought while looking at him at binigyan naman niya ako ng tingin na..
"Makisakay ka na lang. Anong gusto mong sabihin ko, ha?"
"Whatever", tapos belat sa kanya. Teka.. nagkaintindihan kami sa tinginan lang? Okay ah. The girl in front of us giggled kaya napatingin kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
Only MINE [Chanyeol Fanfic]
FanficDalawang taong pinag-isa ng kasal pero 'di magkaisa ng personal, Hanggang kailan kaya sila magpapakamanhid, Kung sa pagitan nila'y may namumuo na palang pag-ibig? "Whether you like it or not, you're mine and only MINE." Hindi ko siya mahal at ganun...