[Jae's P.O.V.]
I spent the sembreak together with my family lalo na pabalik na ng Korea si Joongki oppa. Ayaw pa sana niyang umalis but duty calls, kailangan daw ng bansa ang kagwapuhan niya at wala naman pwedeng maging substitute dahil wala daw makakatapat sa kagwapuhan niya. Magkapatid nga kami.
Dalawang linggo lang naman ang naging bakasyon namin pero andaming nangyari lalo na't si Joongki oppa ang nagplano ng kung anu-anong outing as our family bonding but mostly kaming dalawa lang. At ang masasabi ko lang, ang hirap magkaroon ng isang physically active at nature loving na kuya. Ikaw ba naman ang yayain mag-scuba diving, mountain climbing na halos muntik ko ng ikamatay, trecking, tumulay sa hanging bridge na malapit ng bumigay, etc. Ayoko na alalahanin pa masyado yung iba, kayo na bahalang mag-isip.
Na-enjoy ko naman kahit papano, napag-isip-isip ko ang kahalagahan ng buhay dahil sa mga near to death experiences ko kasama si Joongki oppa.
"Kamusta, princess?", oppa asked when he stood beside me by the terrace here in our rest house sa Palawan. Halos kauuwi lang namin galing sa Underground River.
"I feel like dying", I deadpanned which Joongki oppa responded with a joyous laugh. "Please, oppa, no more extreme activities. Hindi na kaya ng katawan ko!"
"You need to be fit, princess. Hindi ako laging nasa tabi mo to take care of you, at least learn how to take care of yourself."
"Kaya ko naman ah! Grabe ka sakin, oppa", I pouted. Joongki oppa smiled and ruffled my hair making me frown.
"Okay, enough sulking. Meron na lang tayong last na pupuntahan." I immediately gave him a scandalized look which made him laugh again. I swear, natutuwa ang kuya ko kapag nakikita niya akong naghihirap. Tsk, sadista. "Calm down, it's just a party. Mom and Dad told me na umattend to attract investors and potential partners at syempre, iiwanan ko ba naman ang napakaganda kong kapatid", Joongki oppa cooed, pinching my cheek. Agad ko namang hinampas ang kamay niya, masakit eh.
"Psh. At kelan naman daw po yun?"
"Mamayang gabi so be ready."
"But I don't have a dress!", reklamo ko. Hindi ako pupunta sa isang party ng hindi handa!
"I got it all covered, princess. Your dress is already in your room. Mamaya may pupunta dito to do your hair and make-up", oppa said in as-a-matter-of-fact tone as if he already know what's coming.
"Really? Wow."
"Yeah, I know. You're welcome, princess. I'll call Sungkyu to prepare your bath, okay?" I nodded in acknowledgement before Joongki oppa smiled and walked inside, leaving me alone by the balcony. I wonder what's that party all about at kung sino ang host. Kaso iniisip ko pa lang na ang mga makikita ko lang dun ay matatanda, nabo-boring-an na ako.
Kamusta na kaya si Chanyeol? Last time na nagkausap kami in person ay nung last day din ng semester. He told me he'll be busy with his family kaya baka hindi niya ako matatawagan or so what. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Does he think of me how I think of him right now?
I've sent him a few texts asking how he's doing and he'll respond to me telling he's fine but busy. Dun laging umiikot ang usapan namin hanggang sa wala na kami parehas maisip kung ano pang pwedeng sabihin pabalik.
Kung minsan gusto ko siyang tanungin ano ba yung ibig sabihin ng mga sinabi niya sakin sa rooftop ng condominium. I'm driving him crazy over me, what does he mean by that? In a good or bad way? Gusto niyang lagi akong nakikita, malapit sa kanya and so what pero nasaan siya ngayon? Was he that busy para kausapin ako? Or is this his way para iwasan ako? Pero bakit?
BINABASA MO ANG
Only MINE [Chanyeol Fanfic]
Fiksi PenggemarDalawang taong pinag-isa ng kasal pero 'di magkaisa ng personal, Hanggang kailan kaya sila magpapakamanhid, Kung sa pagitan nila'y may namumuo na palang pag-ibig? "Whether you like it or not, you're mine and only MINE." Hindi ko siya mahal at ganun...