Chapter 14

117 5 3
                                    

Kumunot na naman ang noo niya habang tinitingnan ng masama ang screen ng phone niya. He groaned for the nth time this morning and threw his phone on the table making me flinch.

"Why is she not texting me?", he asked, more like to himself, with irritation in his voice. Muli niyang inabot ang cellphone at nag-dial pero mukhang parehas pa rin ang naging resulta simula pa kaninang kinse minutos ang nakakaraan.

"I'll check her in school", Chanyeol decided, standing and grabbing his keys on the table. Hinawakan ko ang braso para pigilan siya. Tiningnan niya ako ng nagtatanong, napalunok ako.

"S-Sasabay na'ko."

The trip was silent, nakakatakot gumawa ng kahit na anong ingay sa kotse niya habang seryoso siyang nagmamaneho at tutok sa kalsada. Pagkarating sa parking lot ng school, imbes na dumiretso ako sa klase, mas pinili kong sundan siya papunta sa hide out nila. Nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sa kanya, kailangan ko siyang..

"Where's Lara?", bungad na tanong niya agad kina Sehun na busy sa paglalaro ng play station.

"Hindi ko alam, hyung", sabay na sabi ng dalawa. Napasuklay naman ng buhok si Chanyeol ng kamay niya.

"She's not texting me nor even answering my calls simula pa kanina. Do you guys have any idea where she is?"

"Hindi ba't kayong dalawa ang magkasama buong magdamag kahapon?", tanong pabalik ni Sehun na ni-pause ang laro nila para matingnan si Chanyeol.

"Hindi ko na siya nakita nung uwian."

Medyo nanlaki ang mata ni Sehun nang makita ako sa likod ni Chanyeol. "Jae, nandyan ka pala."

"Speaking of Jae..", pagsasalita ni Kai at sumandal sa upuan, nakaramdam ako bigla ng kaba sa tingin niya, "I saw her yesterday with Lara in a coffee shop."

Itinuon ni Chanyeol sa'kin ang pansin na may pagtataka sa mukha niya, "Is that true?" I slowly nodded my head. I gasped when he suddenly tightly grasped my wrist.

"Bakit hindi ka man lang nagsasalita? Nakita mo naman na sigurong nag-aalala ako dito hindi ba?!", inis na tanong niya habang humihigpit ang pagkakahawak niya sa'kin.

"C-Chanyeol, n-nasasaktan ako--", bigla niya akong itinulak sa pader, hawak pa rin ng mahigpit ang kamay ko. Napatayo naman sina Sehun at akma nang lalapit sa'min.

"Hyung, kalma--"

"Shut up! I'm not talking to you!", he snapped at them. Tiningnan nila ako ng nag-aalala pero nabalik ang tingin ko kay Chanyeol na kasalukuyang tinititigan ako ng masama.

"Ngayon, sabihin mo sa'kin, may nalalaman ka ba kung nasaan ngayon si Lara?", tanong niyang muli pero nanatili akong tahimik. I shouldn't say a thing but the way he looked at me like as if he's ready to hurt me just to speak--

"Sumagot ka! Tell me!"

"Nasa airport!", sigaw ko na halos mangiyak-ngiyak dahil sa sakit ng nararamdaman ko sa kamay.

"Nagkausap kami kahapon at sinabi niyang aalis na siya. Ngayon ang flight niya--", hindi natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila ng marahas at itinulak papasok sa elevator.

"Hyung!", tawag ni Sehun pero tiningnan sila ng masama ni Chanyeol kaya napatigil sila sa pagsunod sa'min.

"Walang susunod", sabi ni Chanyeol at sumara na ang pinto ng elevator. Pagkarating sa first floor, hila-hila pa rin niya ako hanggang parking lot papunta sa kotse niya. Binitawan lang niya ako nang pumasok siya sa driver's seat saka binuksan ang pinto sa shotgun mula sa loob.

Only MINE [Chanyeol Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon