I let out a sigh of relief when I felt the cool breeze of the evening touch my face. How long has it been since the last time I did this? Staying in the balcony outside of my room and star gaze or just simply stare at nowhere with my mind drifting to everywhere? Nakakaloka mag-english just to describe what I'm doing.
"Princess?", Oppa Joongki's voice called from inside my room. Huminga ako ng malalim sa huling pagkakataon bago naisipang pumasok sa kwarto ko.
"Yes, Oppa?", I smiled when I saw my kuya leaning on the door. Kahit mas nakatatanda siya, nirerespeto pa rin niya ang privacy ko kaya kahit nakabukas ang pintuan ng kwarto ko, hindi siya bastang pumapasok sa loob. He'll wait for me to let him in or else he'll just lean on the door frame.
"I just wanna know how you're doing, princess", Oppa Joongki smiled. I motioned at him to come in and sit beside me on the couch on the foot side of the bed which he did.
"I'm okay, Oppa. Nakakamiss din palang umuwi dito sa bahay natin lalo na kapag nandito ka."
"Aigoo, naglalambing ang bunso", ginulo niya bahagya ang buhok ko at saka tumawa nang ngumuso ako sa ginawa niya. Maayos na ang buhok ko eh tapos ngayon ginulo na lang bigla! Aish.
"Kuya naman eh!", reklamo ko habang inaayos ang nagulo kong buhok at niyakap lang niya ako ng mahigpit habang tumatawa pa rin siya. Pasaway.
"It's okay. You're still beautiful no matter what your hairstyle is. Bagay naman sa'yo eh", he said when he pulled away from the hug at mas ginulo pa ulit ang buhok ko.
"So you're saying na mas bagay sa'kin na mukha akong mangkukulam sa buhok ko?!"
"Oy! Wala akong sinabing ganyan ah! Ikaw na nagsabi niyan", ngisi niya sabay pisil sa magkabilang pisngi ko na pagkasakit-sakit. Hinampas ko ang mga kamay niya para bitawan ang pisngi ko. I glared at him as I massaged my abused cheeks but he only stuck his tongue out to tease me. Naglalambing na naman ang kuya ko. Ang sweet na niya sa lagay na 'yan, maniwala kayo.
"Pasaway ka kuya. Kung hindi lang kita mahal baka nabugbog na kita."
"Pero dahil mahal mo 'ko, hindi mo magagawa 'yun. And besides, I'm your Oppa. You can't hurt me everytime I bully you, princess", he said and draped an arm on my shoulders. Kinurot ko ang tagiliran niya pero tumawa lang ulit siya.
"Ewan ko sa'yo, Oppa", naghalukipkip ako at nagkunwaring galit sa kanya. Kaso sinundot niya ang tagiliran ko kaya napangiti ako.
"Just let your Oppa na makipagkulitan sa'yo, Jae. I just missed you a lot and our bonding", pagdadahilan niya. Ngumiti siya kaya napangiti na lang din ako at tumango. Sa totoo lang, namiss ko rin ang kulitan namin. Kaso ibang level talaga siya kung maglambing, may halong pananakit.
Matapos ang ilang oras ng pakikipagkulitan at pakikipagkwentuhan, napagdesisyunan na ni Oppa Joongki na bumalik sa kwarto niya at hayaan na akong matulog. Bago siya lumabas ng kwarto ko, niyakap niya muna ako at hinalikan sa noo tulad ng madalas niyang ginagawa. He's really a sweet guy, bakit kaya wala pang girlfriend 'to?
Tutal malalim na ang gabi, matutulog na rin ako. Isasara ko na sana ang sliding door ng balkonahe nang may tumamang matigas na kung ano sa noo ko. Napahimas ako sa parte kung saan ako tinamaan at tiningnan ang bagay na tumama sa'kin na bumagsak sa lapag. Bato? Saan naman daw kaya galing 'to? Ang sakit tuloy ng noo ko.
Lumabas ako ng balkonahe para sana ibato pabalik sa kung saan man ito nanggaling nang may maaninag akong tao sa ibaba. Seryoso ba 'to?! Akma pa sana siyang babato nang makita niya ako. Ngumiti siya sa'kin at kumaway.
BINABASA MO ANG
Only MINE [Chanyeol Fanfic]
FanficDalawang taong pinag-isa ng kasal pero 'di magkaisa ng personal, Hanggang kailan kaya sila magpapakamanhid, Kung sa pagitan nila'y may namumuo na palang pag-ibig? "Whether you like it or not, you're mine and only MINE." Hindi ko siya mahal at ganun...