Chapter 16

124 7 9
                                    

(A/N): Credits to sssaranghaeyeol. Galing ang idea ng plot na 'to sa kanya. Thanks, saeng!

-----xoxoxo-----

Halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula nang umalis si Lara papunta sa ibang bansa. At sa mga oras na 'yun, mas lumala si Chanyeol lalo na 'pag ako ang kaharap niya.

Ni hindi na niya ako kinakausap, hindi na siya pumupunta sa unit ko para magluto ng almusal o kahit mangulit at mang-asar. It's either he lock himself in his unit all day or lumalabas siya at dis-oras na ng gabi kung umuwi. Daig pa namin ang hindi magkakilala kahit sa school.

I always try approaching him or atleast greet him but in return, it's either he ignore me, glare at me or push me away. By words or by force. So I stopped, somehow. I look like a lost puppy whenever he's around. Hindi ko na malaman kung anong pwede kong gawin tuwing malapit siya sa'kin.

At dahil sa ganitong sitwasyon, napipilitan akong maglakad mag-isa sa alam niyo na. Para akong tanga na dire-diretsong maglalakad ng mabilis habang nakapikit hanggang makaabot ako sa dulo. Kung dati, puro takot lang ang nararamdaman ko, ngayon, nalulungkot na rin ako tuwing naaalala ko si Chanyeol.

Ayaw na ayaw niyang nakikita ako, nagtatagis ang bagang niya at nag-aapoy sa poot ang mata niya 'pag nagtama ang tingin namin tuwing magkakasalubong kami sa hallway. Pero ang hindi ko talaga matanggap ay 'yung nawalang ngiti sa labi niya. 'Yung tuwa sa mata niya na nakakapagpagaan ng loob sa mga taong makakakita nito mula sa kanya. Maibabalik pa kaya 'yun? Is there even a chance na bumalik pa siya sa dati kung ganito na ang lagay niya. Miss ko na kasi..

"Alin ang na-miss mo?", tanong ng lalaking nandito sa tabi ko. Tumingin ako sa direksyon niya at awtomatiko niya akong binigyan ng ngiti kaya napangiti na rin ako.

"Wala naman.."

"Wala pero may binulong ka? Ang lalim ng iniisip mo, Jae. Mind if you share it? Baka lang may maitulong ako sa problema mo, sabihin mo lang at handa akong makinig ng buong puso tutal ikaw naman ang nagmamay-ari nito", sabi niya sabay kindat. Naman! Hindi ito ang tamang oras para pakiligin ako! Dahil sa ngayon, hindi talaga ako naapektuhan ng mga pa-charming niya. Napailing na lang ako at tumayo mula sa aking upuan tutal kaka-dismiss lang ng klase namin ngayon sa Law.

"Ewan ko sa'yo, Myungsoo. Tigilan mo nga 'yang mga banat mo at baka ikaw ay mabanatan ko", biro ko na ikinatawa niya. Akma na dapat akong lalakad nang may biglang bumunggo sa likod ko na muntik ko nang ikasubsob. Buti na lang nahawakan ako sa braso ni Myungsoo kundi mahahalikan ko 'yung sahig sa lakas nung impact. Hindi ako prepared, 'di naman ako na-orient!

"Ano ba? Hindi mo ba nakitang may tao sa harap mo at kung makalakad ka parang pagmamay-ari mo ang daan?", singhal ni Myungsoo na tinulungan akong makatayo ng ayos. Tumigil sa harap ko 'yung taong nakabangga sa'kin, nakatalikod siya sa direksyon ko pero kilala ko ang tangkad niya at nagsusumigaw niya sa laking mga tenga. Humarap siya sa'min na may hindi nagbabagong ekspresyon sa mukha niya simula dalawang linggo na ang nakakalipas.

"May I inform you, I do own this way because literally speaking, I own this school", he paused to his words to look at me in the eyes with an intensifying glare"..at hindi ko kasalanang pahara-hara siya sa daan."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Only MINE [Chanyeol Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon